settings icon
share icon
Tanong

Ang Bibliya ba ay may mali, nabago, naitama, napalitan o napakialaman?

Sagot


Ang mga aklat sa Lumang Tipan ay nasulat humigit kumulang mula 1400 B.C. hanggang 400 B.C. Ang mga aklat naman sa Bagong Tipan ay nasulat humigit kumulang mula A.D. 40 hanggang A.D. 90. Kaya ang lumipas na panahon mula ng maisulat ang Bibliya ay sa pagitan ng 3400 hanggang 1900 na taon. Sa mga panahong ito, ang mga orihinal na manuskrito ay nangawala na at maaaring hindi na sila makikita pa. Gayundin sa panahong ito, ang mga aklat sa Bibliya ay kinopya ng paulit-ulit. Maraming kopya ang inulit ulit na kopyahin. Dahil dito, mapagkakatiwalaan pa ba natin ang Bibliya?

Nang kasihan ng Diyos ang mga manunulat na orihinal na sumulat ng Kanyang Salita, ang mga sinulat nila ay walang mali dahil sinabi ng Bibliya na ang mga isinulat nila ay hiningahan ng Diyos (2 Timoteo 3:16-17; Juan 17:17). Hindi sinabi ng Bibliya na ang hininga ng Diyos ay nasa mga kopya mula sa orihinal na manuskrito. Kahit na gaano kametikuloso ang mga Eskriba sa pagkopya nila sa mga kasulatan, walang sinuman ang perpekto. Dahil dito, may mga kaunting pagkakaiba na nakita sa maraming iba't ibang kopya ng Bibliya. Sa mga libu-libong Hebreo at Griegong manuskrito sa ngayon, walang dalawa ang magkaparehong magkapareho maliban ng maimbento ang mekanikal na pagimprinta ng mga libro noong A.D. 1500s.

Gayunman, ang lahat ng iskolar na walang kinikilingan ang nagpapatunay na ang Bibliya ay naingatan sa isang kahanga-hangang paraan. Ang mga kopya ng Bibliya mula noong 14 A.D. ay parehong pareho sa nilalaman ng mga kopya noong ikatlong siglo A.D. Nang matuklasan ang Dead Sea scrolls, namangha ang mga iskolar ng kanilang ikumpara at makita na walang pagkakaiba ang mga Kasulatang natuklasan sa mga sinaunang kopya ng Lumang Tipan kahit na mas matanda ng daan daang taon ang edad ng Dead Sea scrolls kumpara sa ibang mga aklat na unang natuklasan. Kahit na ang mga mapagduda at mga kritiko ng Bibliya ay tinatanggap ang katotohanan na eksaktong naisalin ang mga nilalaman ng Bibliya sa loob ng ilang libong taon ng higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa ibang sinaunang dokumento.

Walang kahit anong ebidensya na ang Bibliya ay mali, nabago, naitama, napalitan o napakialaman sa isang sistematikong kaparaanan. Ang napakaraming kopya ng mga manuskrito ng Bibliya ang dahilan kung bakit napakadaling mapansin ang anumang pagtatangka na baluktutin ang Salita ng Diyos. Walang anumang pangunahing doktrina ng Bibliya ang mapag-aalinlanganang bunga ng ilang pagkakaiba sa pagitan ng mga sinaunang manuskrito at mga bagong kopya ng Bibliya.

Muli ang tanong, mapagkakatiwalaan ba natin ngayon ang Bibliya? Isang malaking Oo! Iningatan ng Diyos ang Kanyang mga Salita sa kabila ng mga hindi sinasadyang pagkukulang at mga intensyonal na pag-atake ng mga tao. Mayroon tayong hindi matitinag na pagtitiwala na ang Bibliya na meron tayo ngayon ay parehong pareho ng Bibliya sa orihinal na pagkasulat. Ang Bibliya ay Salita ng Diyos, at dahil dito, atin itong ganap na mapagkakatiwalaan (2 Timoteo 3:16; Mateo 5:18).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang Bibliya ba ay may mali, nabago, naitama, napalitan o napakialaman?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries