settings icon
share icon
Tanong

Sino ang apat na mangangabayo sa Pahayag?

Sagot


Ang apat na mangangabayo ay inilarawan sa Pahayag 6:1-8. Ang apat na mangangabayo ay simbolikong paglalarawan ng apat na kaganapan sa huling panahon. Ang unang mangangabayo sa Pahayag ay inilarawan sa Pahayag 6:2: "Pagtingin ko, nakita ko ang isang kabayong puti na ang sakay ay may hawak na pana. Binigyan siya ng korona, at siya'y humayo upang patuloy na magtagumpay.” Ang unang mangangabayo ay maaaring tumutukoy sa antikristo, na binigyan ng kapamahalaan at tatalunin ang sinumang lalaban sa kanya. Ang antikristo ay ang magpapanggap na Kristo, na darating din naman lulan ng isang puting kabayo (Pahayag 19:11-16).


Ang ikalawang mangangabayo sa Pahayag ay makikita sa Pahayag 6:4, "Isa namang kabayong pula ang lumitaw. Ang nakasakay rito ay binigyan ng kapangyarihang magpasimula ng digmaan sa lupa upang magpatayan ang mga tao. Isang malaking tabak ang ibinigay sa kanya." Ang ikalawang mangangabayo ay tumutukoy sa isang madugong digmaan na magaganap sa huling panahon. Ang ikaltong mangangabayo ay inilarawan sa Pahayag 6:5-6, "Isang kabayong itim ang nakita ko. May hawak na timbangan ang sakay nito. May narinig akong wari'y isang tinig buhat sa kinaroroonan ng apat na nilalang na buhay. Ang sabi: "Isang takal na trigo lamang ang mabibili ng sahod sa maghapong paggawa, at tatlong takal na sebada lamang ang mabibili ng gayon ding halaga. Ngunit huwag pinsalain ang langis ng olibo at ang alak!" Ang ikatlong mangangabayo sa Pahayag ay tumutukoy sa isang malawakang taggutom na maaring resulta ng digmaan na inilalarawan ng ikalawang mangangabayo.

Ang ikaapat na mgangangabayo ay binanggit sa Pahayag 6:8, "Ang nakita ko nama'y isang kabayong maputla ang kulay. Ang pangalan ng sakay nito ay Kamatayan, at kabuntot niya ang Hades. Binigyan sila ng kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng lupa upang pumatay sa pamamagitan ng tabak, taggutom, salot at mababangis na hayop." Ang pangapat na mangangabayo sa Pahayag ay sumisimbolo sa kamatayan at pagkawasak. Ito ay kumbinasyon ng mga nagdaang tatlong mangangabayo. Ang ikaapat na mangangabayo ay magdadala ng karagdagang digmaan at nakalulunos na taggutom kasama ang mga nakakakilabot na mga salot at karamdaman, Ang pinaka-nakamamangha dito, ang pang apat na mangangabayo ay pasimula pa lamang ng mas malalang sumpa na darating na mas mahigpit na kahirapan (Pahayag kabanata 8-9 at 16).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sino ang apat na mangangabayo sa Pahayag?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries