- Titira ba tayo sa mga mansyon sa langit?
settings icon
share icon
Tanong

Titira ba tayo sa mga mansyon sa langit?

Sagot


Noong gabing bago ipako si Hesus sa krus, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na iiwan Niya sila at hindi sila maaaring sumunod sa Kanya (Juan 13:33). Itinanong ni Pedro kung saan Siya pupunta at kung bakit hindi sila makakasunod sa Kanya at binigyan sila ng katiyakan ng Panginoong Hesus na makakasunod din sila sa Kanya sa bandang huli (Juan 13:36-37). Sinabi ni Hesus, “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili” (Juan 14:2-3).

Nagbigay kalituhan sa marami ang pananalitang ito ni Hesus dahil sa pagsasalin sa King James version sa salitang “bahay” at “mansyon” sa Juan 14:2-3. Ang salitang Griyego para sa salitang “bahay” ay ngangahulugan na “tirahan,” literal man o pigura ng pananalita at sa implikasyon ay nangangahulugan na “isang pamilya.” Ang salitang Griyego na isinalin sa salitang “mansyon” o “mga silid” ay literal na nangangahulugan na “ang kundisyon ng pananatili o paninirahan.” Kaya, kung uunawain sa orihinal na salitang Griyego, sinasabi ni Hesus na sa tahanan ng Diyos (sa langit) ay maraming mga tao ang magsasama sama bilang kabilang sa pamilya ng Diyos. Sa tahanan ng Diyos sa langit, ang mga Kristiyano ay titira sa presensya ng Panginoon. Hindi ito katulad ng ideya ng mga panlupang “mansyon sa gintong lansangan,” na kalimitang pakahulugan ng mga tao sa pananalitang ito ni Hesus.

Naghanda si Hesus ng isang lugar sa langit para sa Kanyag mga tinubos, para sa mga lumapit sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya at inihanda ng Banal na Espiritu para sa kanilang lugar sa langit. Sinasabi sa atin sa Pahayag 7:9, “narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero.” Muli, sa talatang ito makikita ang pangitain ng maraming taong magkakasama sa langit at hindi naninirahang magkakabukod sa mga “mansyon” sa langit.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Titira ba tayo sa mga mansyon sa langit?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries