Tanong
Sino ang mga manunulat ng mga Aklat ng Bibliya?
Sagot
Sa katotohanan, ang Diyos ang nasa likod ng pagkasulat ng Bibliya. Sinasabi sa atin sa 2 Timoteo 3:16 na ang Bibliya ay “hiningahan” ng Diyos. Pinangasiwaan ng Diyos ang mga manunulat ng Bibliya upang habang ginagamit nila ang kanilang sariling istilo ng pagsulat at sariling mga personalidad, kanilang naitala ng eksakto ang lahat ng gustong ipasulat sa kanila ng Diyos. Ang Bibliya ay hindi idinikta ng Diyos ngunit ginabayan at kinasihan Niya ang Kanyang mga manunulat upang kanilang maisulat ng walang pagkakamali ang mga nilalaman ng kanilang Aklat na naging bahagi ng Bibliya.
Ang Bibliya ay isinulat ng humigit kumulang sa apatnapung (40) katao na may iba't ibang karanasan at kasanayan sa loob ng isanlibo at limandaang (1,500) taon. Si Isaias ay isang propeta, Si Ezra ay isang saserdote, si Mateo ay isang maniningil ng buwis, si Juan ay isang mangingisda, si Pablo ay manggagawa ng tolda, si Moises ay isang pastol at si Lukas ay isang manggagamot. Sa kabila na ang Bibliya ay isinulat ng iba’t ibang manunulat sa loob ng mahigit na labinlimang (15) siglo, hindi kailanman kinontra o sinalungat ng Bibliya ang kanyang sarili at wala itong kahit anong pagkakamali. Ang mga manunulat ay nagbigay ng iba't ibang pananaw, ngunit lahat sila ay nagpahayag ng iisang tunay na Diyos at ng iisang paraan ng kaligtasan sa pamamagitan ni Hesu Kristo (Juan 14:6; Gawa 4:12). Kakaunti sa Bibliya ang binanggit ng manunulat ang kanyang sarili upang ipakilala na siya ang sumulat ngunit nakilala din sila ng mga dalubhasa sa Bibliya maliban sa isa. Narito ang mga Aklat ng Bibliya at ang kanilang mga manunulat ayon sa pagsusuri ng mga dalubhasa sa Bibliya, pati na ang pagtantya sa panahon ng pagkasulat sa mga ito.
Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, Deuteronomio = Moises - 1400 B.C.
Josue = Josue - 1350 B.C.
Mga Hukom, Ruth, 1 Samuel, 2 Samuel = Samuel/Natan/Gad - 1000 - 900 B.C.
1 Mga Hari, 2 Mga Hari = Jeremias - 600 B.C.
1 Cronica, 2 Cronica, Ezra, Nehemias = Ezra - 450 B.C.
Esther = Mardoqueo - 400 B.C.
Job = Moises - 1400 B.C.
Mga Awit = Iba't ibang mga manunulat karamihan ay si David - 1000 - 400 B.C.
Kawikaan, Mangangaral, Awit ni Solomon = Solomon - 900 B.C.
Isaias = Isaias - 700 B.C.
Jeremias, Panaghoy = Jeremias - 600 B.C.
Ezekiel = Ezekiel - 550 B.C.
Daniel = Daniel - 550 B.C.
Oseas = Oseas - 750 B.C.
Joel = Joel - 850 B.C.
Amos = Amos - 750 B.C.
Obadias = Obadias - 600 B.C.
Jonas = Jonas - 700 B.C.
Mikas = Mikas - 700 B.C.
Nahum = Nahum - 650 B.C.
Habacuc = Habacuc - 600 B.C.
Zepanias= Zepanias - 650 B.C.
Hagai = Hagai - 520 B.C.
Zacarias = Zacarias - 500 B.C.
Malakias = Malakias - 430 B.C.
Mateo = Mateo - A.D. 55
Markos = Juan Markos - A.D. 50
Lukas = Lukas - A.D. 60
Juan = Juan - A.D. 90
Mga Gawa = Lukas - A.D. 65
Roma, 1 Corinto, 2 Corinto, Galatians, Efeso, Filipos, Colosas, 1 Tesalonica, 2 Tesalonica, 1 Timoteo, 2 Timoteo, Tito, Filemon = Pablo - A.D. 50-70
Mga Hebreo = hindi kilala, maaaring si Pablo Lukas, Barnabas o si Apolos - A.D. 65
Santiago = Santiago - A.D. 45
1 Pedro, 2 Pedro = Pedro - A.D. 60
1 Juan, 2 Juan, 3 Juan = Juan - A.D. 90
Judas = Judas - A.D. 60
Pahayag = Juan - A.D. 90
English
Sino ang mga manunulat ng mga Aklat ng Bibliya?