settings icon
share icon
Tanong

Paano ipapadala ng isang mapagmahal na Diyos ang isang tao sa impiyerno?

Sagot

Upang masagot ang tanong tungkol sa kung paanong ang isang mapagmahal na Diyos ay magdadala ng tao sa impiyerno, kailangan nating malaman ang ilang mga termino at itama ang mga maling palagay. Dapat na biblikal ang ating mga kahulugan at dapat na tama ang ating paniniwala.

Kailangan muna nating bigyang kahulugan ang mga katagang mapagmahal na Diyos. Ipinagpapalagay ng salitang ito ang ilang bagay tungkol sa Diyos at sagot sa tanong na maling paniniwala na humahantong sa maling konklusyon. Tinutukoy ng ating kultura na “mapagmahal na Diyos” bilang isang nagpaparaya sa anumang bagay na gusto nating gawin. Pero ang biblikal na pakahulugan na sinabi sa 1 Juan 4:16 na ang Diyos ay pag-ibig. Nangangahulugan ito na hindi nagtataglay gaya natin ang kaniyang pag-ibig; Siya ang mismong kahulugan ng pag-ibig at samakatuwid hindi niya magagawa ang anumang bagay na hindi kaibig-ibig. Ang batas ng tapat na pagpapahayag ay hindi maaaring ang isang bagay ay totoo at hindi totoo sa parehong panahon. Kaya, kung ang Diyos ay pag-ibig, hindi maaaring hindi siya mapagmahal.

Kaya’t ang unang mali na makikita sa tanong na “paanong ang mapagmahal na Diyos ay magdadala sa impiyerno?” ay ideya ito na ang pagpayag sa mga tao na mapunta sa impiyerno ay isang hindi mapagmalasakit na desisyon ng Diyos. Kung tayo bilang mga tao ay magpasya na mali ang Diyos sa pagpayag na ang mga di-nagpapakumbaba at di-nagpapakatino ay magbayad ng kanilang nararapat na parusa, ipinapahayag natin na higit na mapagmahal tayo kaysa sa Diyos. Itinuturing natin ang ating mga sarili bilang hukom ng Diyos at sa ganitong paraan ay isinasara natin ang daan sa malalim na pagkaunawa. Samakatuwid, ang unang hakbang sa pagsagot sa tanong ay ang pagsang ayon sa Kasulatan na ang Diyos ay pag-ibig kung kaya’t ang lahat ng kanyang ginagawa ay maliwanag na ekspresyon ng pag-ibig na iyon.

Ang ikalawang mali na ipinapakita ng tanong na “paanong ang mapagmahal na Diyos ay magdadala sa tao sa impiyerno?” ay may kinalaman sa salitang “magdadala” na nagsasaad ng kilos sa bahagi lamang ng nagpadala. Kung ang isang tao ang magdadala ng sulat, magdadala ng hiling, o magdadala ng regalo, lahat ng aksyon ay ginawa ng taong iyon. Walang aksyon na naganap sa bahagi ng sulat, hiling, o regalo. Gayunman, ang pang unawa sa salitang magdadala ay hindi maaaring ilapat sa tanong dahil binigyan ng Diyos ng kalayaan ang mga tao na makibahagi sa kanilang mga desisyon sa buhay at walang hanggang paroroonan (Juan 3:16-18). Kaya masalimuot ang tanong na ito ay tila nagpapahiwatig ito na kung ang sinuman ay pumunta sa impiyerno, ito ay bunga ng nag-iisang aksyon ng Diyos at ang taong ipinadala ay isa lamang biktima. Lubusang binabalewala ng ideyang ito ang personal na responsibilidad na ipinagkatiwala ng Diyos sa bawat isa sa atin.

“Paanong ang mapagmahal na Diyos ay magdadala sa tao sa impiyerno?” Ang tanong na ito ay mali sa halip, ang mas magandang tanong ay “Kung ang Diyos ay pag-ibig, bakit may napupunta sa impiyerno?” Inilatag ng Roma 1:18-20 ang sagot: “Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil mismo sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan. Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay maliwanag, dahil iyon ay ipinapahayag sa kanila ng Diyos. Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa” (idinagdag ang diin).

May mahalagang punto sa talatang ito na nagbibigay sa atin ng sulyap sa puso ng Diyos. Una, ang mga tao ay aktibong “sinusupil ang katotohanan.” Binigyan na sila ng sapat na katotohanan upang malaman kung sino ang Diyos at sumuko sa Diyos, ngunit tinatanggihan nila ito. Nais nating tanggihan ang karapatan ng Diyos na sabihin sa atin kung ano ang ating dapat gawin. Kaya sa harap ng katotohanan, maraming tao ang tumatalikod at tumatanggi na makita ito. Sinabi ng Atheist na si Thomas Nagel, “Hindi lang dahil hindi ako naniniwala sa Diyos at umaasa na tama ako sa aking paniniwala. Gusto ko na sana walang Diyos. Ayaw ko na may Diyos; Ayaw ko na ganoon ang kalakaran ng sangkatauhan.”

Ikalawa, ang Roma 1 ay nagsasaad na ang Diyos ay “ginawang malinaw sa kanila ang Kanyang kalikasan.” Sa madaling salita, nagkusa ang Diyos na ipaalam sa lahat ang kanyang katotohanan. Ang kasaysayan ay nagpapatunay dito mula pa noong unang panahon. Sapagkat bawat grupo ng tao ay naghahanap ng kaunting pangunawa sa isang Lumikha na kanilang pinagkakautangan. Isang mahalagang bahagi ang kaalaman kung ano ang ibig sabihin ng pagiging nilikha ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:27). Sinabi ng Roma 1:20 “wala na silang maidadahilan pa” at kanino sila magbibigay ng ganoong dahilan? Siya mismo ang nagsabing ipapakilala Niya ang Kanyang sarili sa kanila kung magpapakumbaba lamang sila at tatanggapin ang Kanyang kapahayagan. Hinahatulan ng Diyos ang bawat isa sa atin ayon sa katotohanang ibinigay Niya sa atin at sinabi ng Roma 1 na may sapat na katotohanan ang bawat isa upang lumapit sa halip na lumayo sa kanya.

Sa pagsagot sa tanong na “paanong ang mapagmahal na Diyos ay magdadala sa tao sa impiyerno?”Isa pang bahagi ng kalikasan ng Diyos ay hindi lamang pag-ibig kundi Siya rin ang perpektong hustisya. Nangangailangan ang hustisya ng sapat na kabayaran para sa nagawang krimen. Ang tanging makatarungang parusa para sa mataas na pagtataksil laban sa ating perpektong Lumikha ay walang hanggang pagkahiwalay sa Kanya. Nangangahulugan ito ng pagkahiwalay sa kabutihan ng Diyos, katotohanan, relasyon, at kagalakan na pawang mga katangian ng Diyos. Ang pagpapatawad sa ating kasalanan ng walang pagsisisi ay mangangahulugan na kailangang maging hindi ganap ang katarungan ng Diyos at ang pagpayag sa pagpasok ng mga makasalanan sa kanyang perpektong langit ay magiging dahilan ng hindi pagiging ganap ng lugar na iyon. Kaya nga ang perpektong Anak ng Diyos ang handog sa krus para sa atin. Tanging ang sakdal na dugo ni Kristo lamang ang katanggap tanggap na kabayaran sa pagkakautang natin sa Diyos (Colosas 2:14). Kapag tinanggihan natin si Hesus bilang ating kahalili, dapat na tayo ang magbayad para sa ating sarili (Roma 6:23).

Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaang pumili kung paano tayo tutugon sa kanya. Kung pinilit niya tayong mahalin siya, tayo ay magiging tulad sa robot. Isang paglabag sa ating malayang kalooban kung wala tayong pagpipilian. Ang pag-ibig ay magiging tunay na pag-ibig lamang kung ito ay kusang ibinibigay. Hindi natin magagawang mahalin ang Diyos malibang mayroon tayong opsyon na huwag siyang mahalin. Dahil pinahahalagahan ng Diyos ang ating kalayaan, hindi Niya kailanman pipilitin ang ating pagsuko o ang ating sapilitang katapatan. Gayunman, may mga bunga ang ating bawat pagpili. Nilagom ni C.S. Lewis ang katotohanang ito sa kanyang klasikong aklat na, The Great Divorce: “Sa huli may dalawang uri lang ng tao. Ang mga nagsasabi sa Diyos na ‘maganap ang iyong kalooban,’ at ang mga pagsasabihan ng Diyos sa huli, ‘maganap ang iyong kalooban.’ Ang lahat ng nasa impiyerno ay pinili ang kanilang sariling kalooban.”

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries