Tanong
maraming anghel nagkasala - Kung ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, bakit hindi na lang Niya lipulin si Satanas?
Sagot
Sinasabi sa atin sa 1 Timoteo 5:21, "Sa harapan ng Diyos at ni Cristo Jesus at ng kanyang mga anghel, iniuutos kong isagawa mo ang mga tagubiling ito nang walang kinikilingan o itinatangi." Kahit ano pa ang iyong pananaw tungkol sa pagpili ng Diyos, maliwanag ang sinasabi ng Salita ng Diyos na ang Diyos ang pumili sa mga maliligtas at sa kasong ito, sa mga anghel na hindi magkakasala laban sa Diyos.
Ang walang kundisyong pagpili ng Diyos ay makikita sa buong Bibliya: Pinili Niya si Abraham upang maging ama ng maraming bansa (Genesis 17:4-5); Pinili Niya ang Israel upang maging kanyang sariling bayan (Genesis 17:7); Pinili Niya si Maria upang maging ina ni Hesus (Lukas 1:35-37); Pinili Niya ang labindalawang apostol upang mamuhay na kasama ni Hesus at matuto sa Kanya sa loob ng tatlong taon (Markos 3:13-19); at pinili Niya si Apostol Pablo upang dalhin ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa maraming tao sa pamamagitan ng personal na pagmiministeryo at sa pamamagitan ng kanyang mga sulat (Gawa 9:1-19). Sa parehong paraan, pinili Niya ang Kanyang mga hinirang "mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa" (Pahayag 5:9) upang lumapit kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Kanyang mga pinili ay lalapit sa kanya at kailanman ay hindi Niya itataboy.
Makikita na pumili din ang Diyos mula sa mga anghel. Ang mga banal na anghel ng Diyos ay mga ‘hinirang’ - na nangangahulugan na pinili din sila ng Diyos. Maaaring binigyan ng Diyos ng pagkakataon ang lahat ng mga anghel upang magdesisyon kung susunod sila sa Kanya o hindi. Anuman ang nangyari, ang mga nagkasala at sumunod kay Lucifer ay hindi na maaaring magsisi pa at nakatakda na silang parusahan. Ang mga nanatiling tapat sa Diyos ay ligtas dahil sa kanilang desisyon. Hindi tayo binibigyan ng Bibliya ng dahilan upang maniwala na posibleng mas maraming anghel ang nagkasala gaya ng hindi tayo binigyan ng Bibliya ng anumang dahilan upang maniwala na ang mga hinirang ay tatalikod at mawawala ang kaligtasan.
English
Posible ba na mas maraming anghel ang nagkasala?