Tanong
Kung ang lalake ay maraming asawa, at siya’y naging isang Kristiyano, ano ang dapat niyang gawin?
Sagot
Sapagkat ang polygamy o pagaasawa ng marami ay hindi kalimitang binabanggit sa lipunan at hindi ito isang tanong na palaging iniisip ng mga tao. Ngunit maraming lugar sa mundo kung saan tinatanggap ang polygamy. Karamihan sa mga bansang Muslim ay pinapayagan ang polygamy. Sa ilang mga bansa sa Africa, karaniwan para sa isang lalake ang maraming asawa. Maging sa Estados Unidos, may ilang komunidad na sumusuporta sa polygamy. Gayunman, halos lahat ng iskolar ng Bibliya ay sumasang-ayon na ang polygamy ay hindi para sa mga Kristiyano (tingnan ang aming artikulo na pamagat na “Bakit pinapayagan ng Diyos ang pagaasawa ng marami sa Bibliya”). Ano ang dapat gawin ng isang polygamist kung siya’y sumampalataya Kay Jesu Cristo at maging isang Kristiyano?
Karamihan sa tao ay nagbibigay agad ng konklusyon o sagot tulad ng “dapat niyang hiwalayan ang lahat ng kanyang asawa maliban sa isa.” Bagama’t ito’y isang etikal na solusyon, hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Halimbawa, sinong asawa ang kanyang pipiliin? Ang kanyang unang asawa ba? Ang kanyang huling asawa ba? Ang kanyang paboritong asawa ba? Ang asawa na may pinakamaraming anak ba? At ano ang mangyayari sa mga asawang naiwan? Paano nila masusuportahan ang kanilang sarili? Karamihan sa kultura na pinapayagan ang polygamy, ang dating ikinasal na babae ay may maliit na tsansa para masuportahan ang kanyang sarili at mas kaunti ang posibilidad na makahanap ng bagong asawa. At ano ang mangyayari sa mga anak ng babaeng ito? Madalas na kumplikado ang sitwasyon. Halos kakaunti lamang ang solusyon para dito.
Hindi kami naniniwala na ang polygamy ay isang bagay na pinapahintulutan ng Diyos sa panahong ito. Gayunman, sa Bibliya, wala naman talagang maliwanag na utos na "huwag kayong magkakaroon ng maraming asawa." Sa Bagong Tipan, ang isang polygamist ay hindi nararapat sa pamumuno ng simbahan (1 Timoteo 3:2, 12; Tito 1:6), ngunit ang pagaasawa ng marami ay hindi ipinagbabawal. Ang polygamy ay hindi ang totoong hangarin ng Diyos (Genesis 2:24; Efeso 5:22-33), ngunit ito rin ay isang bagay na kanyang pinahihintulutan Niya (tingnan ang mga halimbawa nina Jacob, David, at Solomon). Ang pinakamalapit na pagbabawal ng Bibliya sa polygamy ay matatagpuan sa Deuteronomio 17:17 na wastong nauunawaan bilang utos ng Diyos para sa isang hari ng Israel na huwag magkakaroon ng maraming asawa. Hindi ito nauunawaan bilang isang utos na walang lalake ang maaaring magkaroon ng higit pa sa isang asawa.
Kaya, kung ang isang lalake ay may maraming asawa at siya’y naging Kristiyano, ano ang dapat niyang gawin? Kung ang polygamy ay ilegal sa lugar kung saan siya nakatira, dapat niyang gawin ang kinakailangan upang sumunod sa batas (Roma 13:1-7), habang patuloy na nagbibigay ng sustento para sa kanyang mga asawa at mga anak. Kung legal ang polygamy, ngunit siya’y kumbinsidong ito ay mali, dapat niyang iwanan ang lahat maliban sa isa, ngunit muli, hindi niya dapat itigil ang pagsustento para sa lahat at sa kanilang mga anak. Responsibilidad pa rin niya ang mga ito. Kung legal ang polygamy, wala siyang paniniwala na ito’y mali, maaaring manatili silang kasal ng kanyang mga asawa, tratuhin nang tama ang bawat isa ng may pagmamahal, dignidad, at respeto. Ang isang lalake na gumagawa ng desisyon na ito ay hindi maaaring mamuno sa simbahan, ngunit hindi masasabi na siya’y tahasang lumalabag sa anumang utos sa Kasulatan.
English
Kung ang lalake ay maraming asawa, at siya’y naging isang Kristiyano, ano ang dapat niyang gawin?