settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kahulugan ng mas mabuting mag-asawa kaysa hindi makapagpigil sa 1 Corinto 7:9?

Sagot

Sinasabi sa 1 Corinto 7:8-9, "Ito naman ang masasabi ko sa mga walang asawa at sa mga biyuda: mabuti pa sa kanila ang manatiling katulad ko na walang asawa. Ngunit kung hindi sila makapagpigil sa sarili, mag-asawa na lang sila; mas mabuting mag-asawa kaysa hindi makapagpigil sa matinding pagnanasa.” Sinabi ni Pablo na bagama’t nais niyang maging mag-isa sa buhay, hindi mali ang mag-asawa. Sa katunayan, para sa may matinding pangangailangan, mas mabuti pang mag-asawa kaysa mapahamak dahil sa pagnanasa.

Ang pahayag ni Pablo na mas mabuting mag-asawa kaysa hindi makapagpigil sa matinding pagnanasa ay nangangahulugan na kung ang isang hindi kasal na magkasintahan ay hindi makapagpigil sa pagnanasa sa isa’t-isa, kailangan nilang magpakasal para hindi sila mahulog sa kasalanan. Marami ang sumusubok na ipaliwanag ang mga gawaing sekswal bago ang kasal sa pamamagitan ng mga palusot na “nakatakda na naman kaming magpakasal” o “mahal namin ang isa’t isa.” Ngunit hindi ito nagbibigay-lugod sa Diyos. Sinasabi ni Pablo sa 1 Corinto 7:1-2 ang pagkakaiba sa pagitan ng may-asawa at mga walang-asawa at sinasabi na ang pagsasakatuparan ng sekswal na kasiyahan ay isang pangunahing dahilan ng pag-aasawa: “Tungkol naman sa inyong sulat, ganito ang masasabi ko: Mabuti sa isang tao na huwag makipagtalik. Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa.” Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya (Hebreo 13:4).

Mas lumalawak at mas tumitindi ang sekswal na pagnanasa sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga. Ang sekswal na pagnanasa ay hindi mali. Isa itong bahagi sa pag-unlad patungo sa pagiging isang malusog na lalake o babae. Ang ating mga gawain hinggil sa mga pagnanasa na ito ang nagtatakda kung ito ay mauuwi sa kasalanan o hindi. Ipinapaliwanag sa Santiago 1:13-15 ang proseso mula sa tukso patungo sa kasalanan: “Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa. At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasalanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan.”

Sa kanyang pahayag na mas mabuti pang mag-asawa kaysa hindi makapagpigil sa matinding pagnanasa, nagbabala si Pablo para sa mga tumatahak sa landas patungo sa kasalanan. Ang mahabang panahon ng paghihintay sa pag-aasawa ng mga kabataang nagliligawan, at “paglabas ng magkasama” ay ilan sa dahilan kung kailan ang “matinding pagnanasa” ay maaaring magsimula. Ang 1 Tesalonica 4:3-7 ay nagpapa-alala din para maiwasan ang ating mga pagnanasa: “Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan. Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa. At hindi upang masunod lamang ang pagnanasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa Diyos. Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon. Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.”

Kapag hindi natin napigilan ang ating mga sarili sa paraang banal at marangal, maaaring ang sekswal na likas sa atin ay maging pagnanasa—o mas lalo pang makahikayat ng pagnanasa sa iba. Lalo na sa panahon ng mga kabataan na kung saan ang mga likido ay bahagi ng paghubog sa magandang pangangatawan, sukdulan ang sekswal na pagnanasa. Kadalasan, saka lamang nila nauunawaan ang kasalanan kung magbunga ang kanilang mga ginagawa. Nais ng Diyos sa mga taong “nasusunog” sa pagnanasa na maingat nilang siyasatin ang kanilang puso at ipanalangin ang kanilang makakasama sa buhay at panatilihing nasa ilalim ng kontrol ang kanilang pagnanasa hanggang sa gabi ng kasal. Ang mga taong may kakayahang mapanatili ang kalinisan at kabanalan ay hindi dapat mapailitang mag-asawa. Ang pagiging binata o dalaga ay isang ganap at katanggap-tanggap na pamumuhay. Ngunit, kung ang isang tao ay nagsisimula nang “masunog” sa pagnanasa, panahon na upang hanapin ang gabay ng Diyos sa paghahanap ng isang mapapangasawa.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries