Tanong
Ano ang kritisismong redaksyon (redaction criticism) at mataas na kritisismo (higher criticism)?
Sagot
Ang ang kritisismong redaksyon (redaction criticism) at mataas na kritisismo (higher criticism) ay ilan lamang sa maraming porma ng kritisismo ng Bibliya. Ang kanilang intensyon ay imbestigahan ang mga Kasulatan at gumawa ng hatol patungkol sa kanilang manunulat, pagiging makasaysayan at panahon ng pagkasulat. Karamihan sa mga metodolohiyang ito ay nagwakas sa mga pagtatangka na pabulaanan ang mga teksto ng Bibliya.
Ang kritisismo ng Bibliya ay maaaring hatiin sa dalawang grupo: ang mababa at mataas na kritisismo (lower/higher criticism). Ang mababang kritisismo ay pagtatangka na hanapin ang orihinal na kahulugan ng mga salita dahil wala na diumano ang mga orihinal na manuskrito sa ngayon. Ang mataas na kritisismo ay hinahanap ang katotohanan ng mga teksto. Ang mga tanong na hinahanapan ng sagot ay: Kailan ba ito talaga nasulat? Sino ba talaga ang sumulat ng tekstong ito?
Maraming kritiko sa dalawang kampong ito ang hindi naniniwala na ang Kasulatan ay hiningahan ng Diyos, dahil dito, ginagamit nila ang mga tanong na ito upang isantabi ang gawain ng Banal na Espiritu sa buhay ng mga manunulat ng Kasulatan. Naniniwala sila na ang Lumang Tipan ay isang simpleng kumpilasyon lamang ng mga tradisyom at hindi aktwal na sinulat hanggang ang Israel ay nadalang bihag sa Babilonia noong 586 B.C.
Matitiyak natin mula sa Kasulatan na sinulat ni Moises ang unang limang aklat ng Lumang Tipan na tinatawag na Pentateuch. Kung ang mga aklat na ito ay hindi tunay na sinulat ni Moises at hindi maraming taon pagkatapos na maitatag ang bansang Israel, ang mga kritikong ito ay maaaring magangkin ng pagkakamali sa mga naisulat sa Bibliya at dahil doon ay mapapabulaanan nila ang awtoridad ng Salita ng Diyos. Ngunit hindi ito totoo. (Para sa diskusyon ng katibayan ng pagkasulat ni Moises sa Pentateuch, tingnan ang aming artikulo tungkol sa documentary hypothesis at ang teorya ng JEDP.) Ang kritisismong redaksyon (redaction criticism) ay ang ideya na ang mga awtor ng mga aklat ng Bibliya ay hindi talaga manunulat kundi mga tagapaglikom lamang ng tradisyon. Isang kritiko na pinanghahawakan ang kritisismong redaksyon ang nagsabi na ang layunin ng kanilang pagaaral ay upang makatagpo sila ng "espiritwal na motibasyon" sa likod ng mga kumpilasyon ng mga tradisyon o Kasulatan ng Kristiyanismo.
Ang totoo, ang nakikita natin sa lahat ng porma ng kritisismo ng Bibliya ay ang pagtatangka ng ilang mga kritiko na ihiwalay ang gawain ng Banal na Espiritu sa produksyon ng isang tama at mapagkakatiwalaang dokumento ng Salita ng Diyos. Ipinaliwanag ng mga manunulat ng kasulatan kung paano nila sinulat ang kanilang mga aklat. "Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios" (2 Timoteo 3:16). Ang Diyos ang nagbigay ng mgaSalita na nais Niyang itala sa Kanyang mga manunulat. Sinulat ni Apostol Pedro, "Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo." Ang Banal na Espiritu ang nagsabi sa kanila kung ano ang gustong ipasulat sa kanila ng Diyos. Hindi kailangang pagdudahan ang katotohanan ng mga Kasulatan kung alam natin na ang Diyos ang nasa likod ng lahat ng mga pangyayari na Siyang gumabay at sumubaybay sa mga taong kanyang ginamit sa pagsulat ng Kanyang Salita.
Isang talata pa na nagpapatunay sa katotohanan at kawalang kamalian ng Kasulatan, ay ang sinabi mismo ng Panginoong Hesu Kristo sa Juan 14:26, "Datapuwa't ang Mangaaliw, samakatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi." Sinasabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad sa talatang ito na Siya ay aalis na, ngunit ang Banal na Espiritu ang tutulong sa kanila upang kanilang maalala ang Kanyang mga itinuro noong naririto pa Siya sa lupa upang kanilang maitala ang mga iyon kalaunan. Ang Diyos ang nasa likod ng pagkasulat ng Bibliya at Siya din ang nagingat sa Kanyang Banal na Kasulatan.
English
Ano ang kritisismong redaksyon (redaction criticism) at mataas na kritisismo (higher criticism)?