Tanong
Ano ang meditasyong transcendental (transcendental meditation?
Sagot
Ano ang meditasyong transcendental (transcendental meditation o TM) ay isang teknik para sa pagkakaroon ng panloob na kapayapaan at pagpapanibagong espiritwal sa pamamagitan ng tahimik na pagpapaulit-ulit ng isang mantra. Habang nagiging mapayapa ang isip, nagkakaroon ng kakayahan ang nagsasanay na "mangibabaw" sa kanyang isip at pumasok sa isang tahimik na kalagayan ng kasiyahan at kapayapaan.
Ang pagsasanay ng meditasyong transcendental (transcendental meditation) ay nag-ugat sa Hinduismo. Nanggaling ito sa India kung saan itinuro ito ng guru o mararishi na si Mahesh Yogi, base sa kanyang interpretasyon ng mga tradisyon sa Hindu Vedic. Nagumpisa ang mararishi na magturo ng pagsasanay na ito noong 1950s, at mula noon, naging isa itong pinakasikat na pagsasanay at teknik na pinaglaanan ng maraming panahon ng pagsasaliksik. Napaglaman ng mga pagaaral sa siyensya, kabilang ang pagaaral na ginawa ng American Cancer Society, na walang anumang epekto sa sakit ang meditasyong transcendental (transcendental meditation). Gayunman, maraming taong nagsasanay nito ang nag-ulat na nakaranas sila ng mas malalim na kapahingahan at mas malalim na pangunawa sa sarili.
Bagama't parehong tinatawag na relihiyon at hindi relihiyon ang transcendental meditation, hindi maaaring itanggi ang pagkakapareho sa pagitan ng pagsasanay ng meditasyon at sa mga ritwal na panalangin. Ang pangunahing postura para sa transcendental meditation ay pag-upo sa loob ng 15 hanggang 20 minuto habang nakapikit ang mga mata at inuulit-ulit ang isang mantra o simpleng nakatungo upang mablangko ang isipan. Kung ikukumpara sa panalangin ng mga muslim na may itinakdang postura at kasamang pag-papaulit ulit ng mga salita at sa mga panalangin na sinasanay ng ilang mga Kristiyano, na maaaring may kasamang paguulit ng isang salita o parirala, at pagluhod at ipinayong postura, walang makikitang pagkakaiba. Dahil sa pagkakatulad nito sa mga panalanging panrelihiyon, at sa pagapela nito sa ibang bagay na mas mataas kaysa sa sarili, tinatawag ang meditasyong transcendental bilang isang gawaing panrelihiyon. Sa isang banda, sa Kristiyanismo o Islam, ang pinaguukulan ng panalangin ay isang Hindi Nakikitang Banal at laging kinapapalooban ng panalangin ng paghingi, samantalang ang pagsasanay ng transcendental meditation ay nagpapablangko sa isipan at hindi umaapela sa isang diyos at ito ang dahilan kung bakit sa isang banda hindi ito tinatawag na isang gawaing panrelihiyon.
Hindi malinaw kung ano ang aktwal na nangyayari sa katawan at sa isip ng tao sa mismong akto ng transcendental meditation. Nagpapatuloy ang mga pagsusuri ngunit hanggang ngayon, wala pa ring ebidensya ang siyensya para sa pakinabang nito sa tao maliban sa karanasan. Hindi ito pagsasabi na walang epekto ang transcendental meditation, kundi walang anumang paraan ang mga medisina sa Kanluran upang masukat ang epekto nito. Ang transcendental meditation ay likas na isang espiritwal na pagsasanay at nakasalalay sa mundo ng metapisikal. Nakadepende ang metodolohiya ng Siyensya sa pisikal o natural na mundo kaya't hindi nakapagtataka na hindi ito epektibo sa metapisikal o mundo ng supernatural.
Walang sinasabi ang Bibliya tungkol sa transcendental meditation, ngunit may sinasabi ito patungkol sa isip na maaaring makatulong sa pagdedesisyon kung magsasanay o hindi ng gawaing ito. Malinaw ang Bibliya sa dapat na pagukulan ng meditasyon: hindi mga salita o pariralang walang kahulugan kundi ang Salita ng Diyos. "Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi (Awit 1:2). Ang kapayapaan ay isang bunga ng Espiritu (Galacia 5:22). Hindi matatagpuan ang kapayapaan sa sinasadyang pagblangko sa isipan kundi sa pagpuno sa isipan ng Salita ng Diyos.
Gayundin, ang pagtutuon ng isip sa hilig ng laman ay kamatayan samantalang ang pagtutuon ng isip sa Espiritu ay buhay at kapayapaan (Roma 8:5–6). Itinutuon ng mga nagsasanay ng transcendental meditation ang kanilang isip sa kanilang sariling espiritu sa halip na sa Espiritu ng Diyos at naghahanap sa kanilang sarili upang pangibabawan ang kanilang sarili. Ang babala sa pagtutuon ng isip sa laman ay hindi nangangahulugan na masama ang mismong katawan o ang pagiisip ng anumang bagay tungkol sa sarili ay masama na agad. Simpleng nagbababala lamang ang Bibliya sa kahungkagan na likas sa laman ng tao — at sa kawalan nito ng kakayahan na magbigay buhay. Ang pagsasaliksik sa sariling isipan – o pagblangko sa sariling isip sa lahat ng alalalahanin — ay maaaring magresulta sa pamamanhid o pansamantalang pagtakas sa realidad ngunit hindi ito makakapagbigay ng ng tunay na kapayapaan. Naghahanap ito sa espiritu ng tao at sa Kanyang mga nilikha na likas na limitado ang kapangyarihan. Tanging ang makapangyarihan at nagbibigay-buhay na Espiritu ni Kristo, ang Manlilikha ang maaaring lumikha sa ating kaoob-looban ng tunay na kapayapaan, kagalakan, kalusugan, at buhay.
English
Ano ang meditasyong transcendental (transcendental meditation?