Mga katanungan tungkol sa Arko ni Noe: Gaano katagal ginawa ni Noe ang Arko?



 

Tanong: "Mga katanungan tungkol sa Arko ni Noe: Gaano katagal ginawa ni Noe ang Arko?"

Sagot:
Gaano katagal ginawa ni Noe ang Arko? Hindi partikular na binanggit sa Bibliya kung gaano katagal ginawa ni Noe ang Arko. Nang unang mabanggit si Noe sa Genesis 5:32, siya ay limang daang taon noon. 600 taon na si Noe ng pumasok siya sa Arko. Ang haba ng panahon na ginugol ni Noe upang buuin ang Arko ay depende sa haba ng panahong lumipas sa pagitan ng Genesis 5:32 at ng panahon kung kailan siya inutusan ng Diyos na gumawa ng Arko (Genesis 6:14-21). Ang pinakamatagal na pagtataya ay nangailangan si Noe ng 100 taon upang itayo ang Arko.

Gaano katagal si Noe sa loob ng Arko? Pumasok si Noe sa Arko noong ika 600 taon ng kanyang buhay, sa ika-17 ng ikalawang buwan (Genesis 7:11-13). Lumabas si Noe sa Arko sa ika 27 araw ng ikalawang buwan ng sumunod na taon (Genesis 8:14-15). Kay nga, kung ipagpapalagay na ang isang taon ay may 360 araw, nasa loob ng arko si Noe sa loob ng humigit kumulang 370 araw o mahigit na isang taon.

Ilan sa bawat uri ng hayop ang isinakay ni Noe sa Arko? Pitong pares ng bawat uri ng malinis na hayop at dalawang pares ng bawat uri ng ibang mga hayop ang isinakay ni Noe sa Arko (Genesis 6:19-20; 7:2-3). Ang ibig sabihin ng malinis na hayop sa Bibliya ay ang mga hayop na katanggap-tanggap para sa paghahandog sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit pitong pares ng malinis na hayop ang isinakay sa Arko - upang ang iba sa kanila ay maihandog sa Diyos pagkatapos ng baha ng hindi manganganib na maubos ang kanilang lahi.

Ilang tao ang nasa loob ng Arko? Ayon sa kabanata 6 hanggang 8 ng Genesis, si Noe, ang kanyang asawa, ang kanyang tatlong anak na lalaki (Shem, Ham, at Japheth), at ang kani-kanilang asawa ay nasa loob ng Arko. Kaya, walo lahat sila sa loob ng Arko.

Sino ang asawa ni Noe? Hindi ibinigay sa atin saanman sa Bibliya ang pangalan o pagkakakilanlan sa asawa ni Noe. May isang tradisyon na nagpapalagay na siya si Naamah (Genesis 4:22). Habang posible nga ito, hindi ito partikular na sinabi sa Bibliya.


Bumalik sa Tagalog Home Page

Mga katanungan tungkol sa Arko ni Noe: Gaano katagal ginawa ni Noe ang Arko?