Tanong
Paano tayo makakapag-impok ng mga kayamanan sa langit?
Sagot
Sinabi sa atin ni Jesus na “mag-impok kayo ng kayamanan sa langit” (Mateo 6:20). Iniugnay Niya ang utos na ito sa pagnanais ng ating puso: “kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso” (Mateo 6:21; tingnan din sa mga talata 10-20).
Binanggit ng Bibliya ang mga gantimpala na naghihintay sa mananamplataya na naglilingkod ng tapat sa Panginoon sa mundong ito (Mateo 10:41). Isang “dakilang” gantimpala ang ipinangako sa mga pinaguusig dahil kay Jesus. Iba’t ibang uri ng mga korona ang binanggit sa (2 Timoteo 4:8, hal.). Sinabi ni Jesus na magbibigay Siya ng mga gantimpala sa Kanyang pagbabalik (Pahayag 22:12).
Nararapat nating ituring na pinakamahalaga ang Panginoong Jesus sa lahat ng bagay. Kapag si Jesus ang ating kayamanan, ibibigay natin ang ating mga tinatangkilik - ang ating pera, ang ating oras, at ang ating mga talento - sa Kanyang gawain sa mundong ito. Mahalaga ang ating motibasyon para sa ating ginagawa (1 Corinto 10:31). Hinihimok ni Pablo ang mga lingkod na ang Diyos ay may walang hanggang gantimpala para sa naglilingkod kay Kristo: “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo” (Colosas 3:23-24).
Kung namumuhay tayo ng may pagsasakripisyo para kay Jesus o naglilingkod sa Kanya sa pamamagitan ng paglilingkod sa katawan ni Kristo, nag-iimbak tayo ng kayamanan sa langit. Kahit na tila maliliit na gawain ng paglilingkod ay hindi maaaring hindi mapansin ng Diyos “Sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala” (Mateo 10:42).
Ang ilan na may nakikitang may kaloob (tingnan sa 1 Corinto 12) tulad ng pagtuturo, pag-awit, o pagtugtog ng instrumentong pangmusika ay maaaring matuksong gamitin ang kanilang kaloob para sa kanilang sariling kaluwalhatian. Ang mga taong gumagamit ng kanilang mga talento o espirituwal na mga kaloob upang makuha ang papuri ng tao kaysa sa paghahanap ng kaluwalhatian ng Diyos ay tumatanggap na ng “kabayaran” nila ng buo dito at ngayon. Ang palakpakan ng mga tao ay ang gantimpala ng mga Pariseo (Mateo 6:16). Gayunman, bakit tayo dapat gumawa para sa makasanlibutang papuri kung maaari tayong magkaroon ng higit pa sa langit?
Tapat ang Panginoon na gagantimpalaan tayo sa paglilingkod natin sa Kanya (Hebreo 6:10). Maaaring magkakaiba ang ating ministeryo, ngunit iisa ang ating Panginoon na pinaglilingkuran. “Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap” (1 Corinto 3:8).
Mas mahal ng mayamang binata ang kanyang pera kaysa sa Diyos sa Mateo 19:16-30, isang katotohanang itinuro ni Jesus. Ang isyu ay hindi sa yaman ng binata kundi itinuturing niyang mas “mahalaga” ang kanyang kayamanan at hindi itinuturing na “mahalaga” ang mga bagay na maaari niyang makamtan kay Cristo. Sinabi ni Jesus sa lalaki na ipagbili ang kanyang mga ari-arian at ibigay sa mga dukha, “Kung ibig mong maging ganap, ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin” (talata 21). Iniwan ng binata si Jesus na malungkot dahil napakayaman niya. Pinili niya ang kayamanan ng mundong ito kaya hindi siya nag-ipon ng kayamanan sa langit. Ayaw niyang gawin si Jesus na kanyang kayamanan. Napakarelihiyoso ng binata ngunit inilantad ni Jesus ang kasakiman ng kanyang puso.
Binabalaan tayo na huwag iwala ang ating buong gantimpala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga huwad na guro (2 Juan 1:8). Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na nagtitiwala tayo salita ng Diyos tayo araw-araw (2 Timoteo 2:15). Sa ganitong paraan, makikilala natin ang mga maling aral kapag narinig natin ito.
Ang mga kayamanan na naghihintay sa mga anak ng Diyos ay higit sa anumang problema, abala, o pag-uusig na maaari nating harapin bilang mga lingkod ni Kristo (Roma 8:18). Maaari nating paglingkuran ang Panginoon ng buong puso, ang Diyos ang mag-iingat sa ating marka at ang kanyang gantimpala ay magiging sagana sa Kanyang kagandahang-loob “Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya” (1 Corinto 15:58).
English
Paano tayo makakapag-impok ng mga kayamanan sa langit?