settings icon
share icon
Tanong

Mapapatunayan bang totoo ang monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos?

video
Sagot


Ang salitang “monoteismo” ay mula sa dalawang salita, “mono” na nangangahulugang “isa o nag-iisa” at “teismo” na nangangahulugang “paniniwala sa Diyos.” Ang monoteismo ay ang paniniwala sa iisang Diyos na Syang lumikha, tagapangalaga at hukom ng lahat. Ang monoteismo ay iba kumpara sa “henoteismo” o ang paniniwala sa maraming diyos ngunit may isang pinakamataas na Diyos sa maraming ito. Gayundin naman salungat ito sa “politeismo” o ang paniniwala sa pagkakaroon ng higit sa isang diyos.



Maraming argumento ukol sa monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos, kabilang na dito ang espesyal na pahayag (Bibliya), natural na pahayag (pilosopiya), at maging ang antropolohiya sa kasaysayan. Ipaliliwanag ito sa ibaba, ngunit hindi ito sa anumang paraan masasabing kumpletong paliwanag ng buong konsepto ng paniniwala sa iisang Diyos.

Ito ang Biblikal na argumento ukol sa monoteismo : Deuteronomio 4:35, “Ang mga pangyayaring ito'y ipinakita sa inyo upang maniwala kayo na si Yahweh ay Diyos, at wala ng iba liban sa kanya” Deuteronomio 6:4,“Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh.” Malakias 2:10a, “Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin?” 1 Corinto 8:6, “Subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Hesukristo, at sa pamamagitan Niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din Niya'y nabubuhay tayo,” Efeso 4:6, “iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.” 1 Timoteo 2:5, “Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Hesukristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin sa Diyos” at Santiago 2:19, “Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin at nanginginig pa.”

Napakaliwanag para sa nakararami na sabihing iisa lamang ang Diyos sapagkat ito ang sinasabi sa Bibliya. Ito ay dahil kung walang Diyos, walang paraan upang mapatunayan na ang Bibliya ay Kanyang mga Salita. Sa kabilang dako, maaaring sabihing, ang Bibliya ang may pinakamapagkakatiwalaang ebidensya na magpapatunay sa mga katuruan nito. Samakatuwid, kung ito ang pagbabatayan, mapapatotohanan ang monoteismo. Katulad nito ay ang mga paniniwala at mga katuruan ni Hesukristo, na pinatunayang Siya ay Diyos sa pamamagitan ng kanyang mahimalang kapanganakan, buhay at pagkabuhay na mag-uli. Ang Diyos ay hindi sinungaling o manlilinlang; kung gayon, ang paniniwala at turo ni Hesus ay totoo. Nararapat lamang sabihin na ang monoteismo, na siya ring itinuturo at pinaniniwalaan ni Hesus ay totoo. Ang mga argumentong ito ay maaaring walang dating sa mga hindi nakakaalam sa mga mahimalang pagpapatunay ng Bibliya at ni Hesus, ngunit magandang panimula naman sa mga nakakaalam nito.

Ang mga argumento ayon sa kasaysayan para sa monoteismo ay popular, ngunit ang nakamamangha ay kung paano nakaapekto ang monoteismo sa mga relihiyon sa buong mundo. Ang kilalang teorya ng iba't ibang sangay ng mga relihiyon mula pag-unlad ng pananaw sa realidad sa pangkalahatan, at ang paniniwala sa antropolohiya na ang mga sinaunang kultura ang syang nagtatakda sa kanilang relihiyon. Ngunit ang problema sa ganitong teorya ay: 1) Ang ganitong uri ng pag-unlad ay hindi pa nakikita; sa katunayan walang pag-aaral patungkol sa monoteismo at kahit anong kultura sa halip ang kabaliktaran nito. 2) Ang antropolohikal na pamamaraan ng pag-uugnay sa pinagmulan upang ikumpara sa teknolohikal na pag-unlad, ngunit hindi pa rin ito sapat na batayan dahil marami pang ibang aspeto ang bawat kultura. 3) Ang pinaniniwalaang mga bahagi ay nawawala o nalaktawan. 4) At karamihan sa mga politeistikong kultura ay nagpapamalas ng bakas ng monoteismong pananaw.

Ang nalalaman natin ay may isang personal na Diyos, makapangyarihan at tumatahan sa langit, may malawak na kaalaman at kapangyarihan, ang lumalang sa mundo, ang Syang may akda ng moralidad kung kanino tayo mananagot, Siya na sinuway natin at dahil doon tayo ay hiwalay sa Kanya, ngunit Sya rin ang gumawa ng paraan upang tayo ay makalapit sa Kanya. Ang bawat relihiyon ay nagkaroon ng iba't ibang pananaw sa Diyos na ito bago pa man dumating ang hindi pagkakasundo dahil sa usapin ng politeismo. Karamihan sa mga relihiyon ay naunang naniwala sa monoteismo o pagkakaroon ng iisang Diyos bago lumipat sa politeismo, animismo, at mahika at hindi ang kabaliktaran nito. (Ang relihiyong Islam ang naiba kung saan ito'y nanumbalik sa paniniwala sa monoteismo.) Ito ay kakaibang politeistikong relihiyon na sinasabing may isang diyos na nakatataas sa iba at ang ibang diyos ay tagapamagitan lamang.

Mga argumentong Pilosopikal/Teolohikal sa Monoteismo. Maraming punto sa pilosopiya na imposibleng magkaroon ng higit sa iisang Diyos. Marami dito ay nakadepende sa metapisikal na posisyon ukol sa kalikasan ng realidad. Sa kasamaang palad, mahirap ipaliwanag sa ganito kaiksing artikulo ang lahat ng mga batayan nito at ilatag ang mga patunay ukol sa monoteismo. Ngunit tiyak na ang mga ito ay matitibay na pilosopikal at teolohikal na paliwanag lalo pa't ang mga katotohanang ito ay mula pa noong sinaunang panahon. Sa madaling sabi, ito ang tatlong pagaaral na maaaring pagpilian:

1. Kung higit sa isa ang Diyos, ang buong sanlibutan ay magiging magulo sapagkat iba-iba ang lumikha at may kapangyarihan, ngunit hindi ito gayon; kung kaya, mayroon lamang isang Diyos.

2. Kung ang Diyos ay perpekto, hindi maaaring magkaroon pa ng ibang diyos sapagkat upang tawaging sila ay magkaiba isa lamang ang perpekto at ang isa naman ay halos perpekto lamang at hindi maaaring tawaging Diyos.

3. Sapagkat ang pag-iral ng Diyos ay walang hanggan, hindi Siya maaaring magkaroon ng mga bahagi (maging ang mga bahagi ay hindi maaring pagsama-samahin upang maging walang hanggan). Kung ang Kanyang pag-iral ay hindi lamang bahagi Niya, nararapat lamang sabihing Siya'y walang hanggan. Samakatuwid, hindi maaaring magkaroon ng dalawang walang hanggang lumalang dahil ang dalawa ay dapat na magka-iba.

Marahil sa iba ang mga puntong ito ay hindi nangangahulugang walang ibang “diyos.” Bagamat alam nating hindi ito ang sinasabi ng Bibliya, walang mali sa teoryang ito. May kakayahang lumalang ang Diyos ng ibang mas mababang diyos ngunit hindi Niya ito ginawa. Kung mayroon man, ang mga “diyos” na ito ay pawang mga limitadong nilalang tulad ng mga anghel (Awit 82). Hindi pa rin nito pinabubulaanan ang monoteismo, na hindi naman nagsasabing walang ibang uri ng espiritu, ang sinasabi nito ay hindi maaaring magkaroon ng ibang diyos maliban sa isang tunay na Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mapapatunayan bang totoo ang monoteismo o paniniwala sa iisang Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries