settings icon
share icon
Tanong

Ano ang moral na teolohiya (moral theology)?

Sagot


Ang moral na teolohiya o moral theology ay isang termino na ginagamit ng Simbahang Katoliko upang ilarawan ang pagaaral ng mga bagay tungkol sa Diyos mula sa pananaw kung paanong ang tao ay dapat mamuhay upang makamit ang pagpapala o presensya ng Diyos. Habang ang dogmatikong teolohiya (dogmatic theology) ay tumatalakay sa mga katuruan o opisyal na doktrina ng Simbahang Katoliko, ang moral theology naman ay tumatalakay sa layunin ng buhay at kung paano ito makakamtan. Kaya, ang layunin ng moral theology sa isang simpleng kahulugan ay ang mga katuruan kung paano dapat mamuhay ang isang tao sa mundo.

Sinisiyasat ng moral theology ang mga bagay-bagay gaya ng kalayaan, konsensya, pag-ibig, responsibilidad at kautusan. Sinisikap ng teolohiyang ito na magtatag ng pangkahalatang prinsipyo upang tulungan ang indibidwal na gumawa ng mga tamang desisyon at humarap sa bawat detalye ng pang araw-araw na buhay sa paraan na sumasang-ayon sa mga dogmatikong katuruan ng Simbahan. Ang moral theology sa esensya, ang katumbas ng etikang Kristiyano o Christian ethics ng mga Protestante. Ang moral theology ay tumatalakay sa malawak na mga katanungan sa buhay at tinatangkang ipaliwanag kung paano mabuhay bilang isang Kristiyanong Romano Katoliko. Nagtuturo ito ng iba’t ibang pamamaraan ng pagalam sa mabuti at masama, ipinapaliwanag ang tama at mali, mabuti at masama at kung ano kasalanan at mabubuting gawa, at marami pang iba.



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang moral na teolohiya (moral theology)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries