settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa multo / pagpaparamdam?

Sagot


Mayroon ba talagang multo? Ang kasagutan sa tanong na ito ay nakadepende sa kung ano ang pakahulugan sa salitang "multo". Kung ang kahulugan nito ay mga "espiritung nilikha ng Diyos" ang sagot ay "oo." Kung ang kahulugan nito ay mga "kaluluwa ng mga namatay", ang sagot ay "hindi." Malinaw na itinuturo ng Bibliya na may mga nilalang na espiritwal na masama at mabuti. Ngunit tinututulan ng Bibliya ang ideya na ang mga multo ay mga kaluluwa o espiritu ng mga namatay na tao na nananatili sa mundo at "nagpaparamdam" sa mga nabubuhay na tao.

Idineklara ng Hebreo 9:27, "Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom." Ito ang nangyayari sa kaluluwa/espiritu ng tao pagkatapos niyang mamatay - ang paghuhukom. Ang resulta ng paghuhukom na ito ay langit para sa mananampalataya (2 Corinto 5:6-8; Filipos 1:23) at impiyerno naman para sa mga hindi mananampalataya (Mateo 25:46; Lukas 16:22-24). Walang gitna sa dalawang lugar na ito. Walang posibilidad na mananatili ang kaluluwa/espiritu ng isang tao sa lupa at maging "multo." Kung mayroon mang mga "multo" sang-ayon sa Bibliya, hindi sila mga espiritu/kaluluwa ng mga tao na humiwalay sa kanilang namatay na katawan.

Malinaw na itinuturo sa atin ng Bibliya na may mga espiritu na maaaring makipagugnayan at magpakita sa mundo ng mga tao. Ipinakilala ng Bibliya ang mga espirtiwal na nilalang na ito bilang mga anghel ng Diyos at mga demonyo. Ang mga anghel ay makatarungan, banal at mabuti. Ang mga demonyo ay mga anghel na pinabagsak mula sa langit, mga anghel na lumaban sa Diyos. Ang mga demonyo ay masama, mandaraya at mapangwasak. Ayon sa 2 Corinto 11:14-15, ang mga anghel ay nagkukunwang anghel ng kaliwanagan at alipin ng katwiran. Ang pagpapakita bilang multo at panggagaya sa isang namatay na tao ay kaya ring gawin ng mga demonyo o masamang espiritu.

Ang pinakamalapit na halimbawa sa Bibliya ng "pagpaparamdam" ay makikita sa Markos 5:1-20. Isang lehiyon ng mga anghel ang sumapi sa isang lalaki at ginamit ang lalaki sa pagpaparamdam sa mga tao habang nakatira sa isang sementeryo. Ang taong ito ay isang normal na tao na kinontrol ng mga demonyo upang guluhin ang mga tao sa lugar na iyon. Gagawin nila lahat sa abot ng kanilang makakaya upang mandaya ng tao at dalhin ang tao palayo sa Diyos. Ito ang pinakamalapit na paliwanag tungkol sa aktibidad ng mga "multo". Kung tawagin man ito na "multo o isang pangitain", kung may hindi pangkaraniwang aktibidad na nangyayari sa isang tao o isang bagay, ito ay gawa ng mga demonyo.

Paano ang mga pagkakataon na may mga demonyo na gumagawa ng mabubuting bagay? Paano ang isang espiritista na nagaangkin na nakakausap ang mga namatay at nakakakuha ng mga totoong impormasyon mula sa mga ito? Muli mahalagang tandaan na ang layunin ng mga demonyo ay mandaya. Kung ang resulta ng isang gawain ay ang pagtitiwala sa isang espiritista sa halip na sa Diyos, nakahanda ang demonyo na sabihin ang mga totoong impormasyon. Kahit na ang mabuti at tamang impormasyon, kung nanggaling sa masamang motibo ay gingamit ng mga demonyo upang mandaya at mangwasak ng buhay ng tao.

Sa ngayon, ang interes sa mga paranormal na bagay ay nagiging pangkaraniwan na lamang. May mga indibidwal na nagaangkin na "humuhuli" sila ng multo, at sa tamang halaga ay magtataboy ng masasamang espiritu palayo sa isang tahanan o sa katawan ng isang tao. Nagiging normal na lamang sa ngayon ang mga psychic, tarot cards, pakikipag-usap sa mga namatay at kinukunsidera ang mga ito bilang normal na gawain. Ang mga tao ay likas na may kaalaman tungkol sa mundo ng mga masasamang espiritu. Nakalulungkot na sa halip na hanapin ang katotohanan tungkol sa mundo ng mga espiritu sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa Diyos at pagaaral ng Kanyang Salita, maraming tao ang pinapayagan ang kanilang sarili na madaya o magamit ng mga demonyo/espiritu. Tiyak na pinagtatawanan ng diyablo at ng mga demonyo ang pandaraya na nangyayari sa mundo sa kasalukuyan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa multo / pagpaparamdam?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries