Tanong
Ang “Nagdurusang Lingkod” ba sa Isaias 53 ay isang hula tungkol kay Hesus?
Sagot
Marahil ang pinakakilala at pinakamalinaw sa lahat ng propesiya sa Tanakh (kalipunan ng mga Kasulatan sa Hebreo / Lumang Tipan) tungkol sa pagdating ng Mesiyas ay matatagpuan sa ika-53 kabanata ng Aklat ni Propeta Isaias. Ang bahaging ito sa Aklat ni Propeta Isaias, na kilala sa tawag na ang “Nagdurusang Lingkod,” ay matagal ng naunawaan ng mga guro ng kasaysayan ng Judaismo na tumutukoy sa Tagapagligtas na isang araw ay darating sa Sion. Narito ang ilang halimbawa kung ano ang tradisyunal na pinaniniwalaan ng Judaismo tungkol sa pagkakakilanlan ng “Nagdurusang Lingkod” sa Isaias 53:
Ayon sa Babylonian Talmud, “Sino ang Mesiyas, ano ang kanyang pangalan? Ang sabi ng mga rabbi, Ang Iskolar na Ketongin, tulad ng nasabi; siguradong kanyang dinala ang ating lungkot at tiniis ang ating mga lumbay: ngunit siya'y tinratong tulad sa ketongin, at inisip natin na Siya'y pinarusahan ng Diyos at nagdalamhati” (Sanhedrin 98b).
Sinasabi sa Midrash Ruth Rabbah na “Isa pang paliwanag ng Ruth 2:14: Siya ay nagsasalita ukol sa Haring Mesiyas; “pumarito ka,” lumapit sa trono; “at kainin ang tinapay,” ang tinapay ng kaharian; at “isawsaw ang kapiraso sa suka,” ito ay tumutukoy sa kanyang parusa, ayon dito, “Ngunit siya ay nasugatan para sa ating mga paglabag, nabugbog dahil sa ating mga kasamaan.”
Ayon naman sa Targum ni Jonathan, “Narito ang aking lingkod na Mesiyas na giginhawa; siya ay magiging mataas at madaragdagan at magiging lubhang malakas.”
Ang sabi sa Zohar , “Siya ay nasugatan para sa ating mga paglabag,” at iba pa. Mayroong palasyo sa Hardin ng Eden kung tawagin ay Palasyo ng mga Anak ng Sakit; at pumasok ang Mesiyas sa palasyong ito, at tinawag ang bawat may karamdaman, bawat may sakit at bawat pinarurusahan sa Israel; lahat sila ay lumapit at nagtiwala sa kanya. At ang mga ito, ay hindi upang pagaangin ang Israel, walang sinumang tao ang kayang pasanin ang kaparusahan ng Israel sa paglabag sa kautusan: at ito ang nasusulat, “Tunay na ang ating mga sakit ay kanyang dinala.”
Ayon sa “dakilang (Rambam) Rabbi Moses Maimonides”, “Ano ang kaparaanan ng pagdating ng Mesiyas.... mayroong darating na hindi pa nakikilala noon, at kanilang makikita ang mga tanda at kamangha-manghang mga gawa na siyang magpapatunay ng kanyang tunay na pinagmulan; mula sa Pinakamakapangyarihan, kung saan Kanyang inihayag ang kanyang karunungan sa ganitong mga pananalita, “At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon” (Zacarias 6:12). Gayun din ang sinasabi sa Isaias ng “siya ay nagpakita, walang ama o ina o kapamilya at kakilala, at gaya ng ugat sa tuyong lupa, at iba pa” na sinalita sa Isaias, ang kanyang paglalarawan sa paraan kung saan ang mga hari ay nakikinig sa kanya, at dahil sa Kanya ititikom nila ang kanilang bibig; kung saan ang mga bagay na hindi sinabi sa kanila ay kanilang nakita, at mga hindi nila narinig ay kanilang nalaman.”
Sa kasamaang-palad, ang mga modernong pinuno ng Judaismo ay naniniwala na ang “Nagdurusang Lingkod” ng Isaias 53 ay tumutukoy sa Israel, o kay Isaias mismo, o kay MoIses o isa sa mga propeta. Ngunit malinaw na sinabi ni Isaias na kanyang tinutukoy ang Mesiyas, gaya ng sinasabi ng mga sinaunang rabbi.
Tiniyak ito ng buong linaw ng ikalawang talata ng Isaias 53. Ang salitang “Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa.” Ang tutubo ay walang duda na tumutukoy sa Mesiyas, at sa katunayan ay isang karaniwang pagtukoy sa Mesiyas sa Aklat ng Isaias at iba pa. Ang lahi ni David ay dapat maputol sa paghuhukom tulad ng isang itinumbang puno, ngunit ipinangako sa Israel na isang bagong usbong ang sisibol. Ang Haring Mesiyas ang usbong na yaon.
Walang duda na ang “Nagdurusang Lingkod” sa Isaias 53 ay tumutukoy sa Mesiyas. Siya ang pupurihin ng pinakamataas sa lupa. Ang Mesiyas ang sinasabing sisibol mula sa lahi ni David. Siya ang Hari ng mga hari. Siya ang nagkaloob nang minsanang pantubos para sa lahat.
Ang Isaias 53 ay dapat unawain bilang pagtukoy sa pagdating ng Hari mula sa lahi ni David, ang Mesiyas. Ang Mesiyas na Hari ay hinulaang magdurusa at mamamatay upang mabayaran ang ating mga kasalanan at mabubuhay na mag-uli. Siya ay magsisilbing saserdote sa lahat ng bansa sa buong mundo at mabubuhos ang dugo para sa katubusan ng kasalanan upang malinis ang lahat ng mananampalataya. Isa lamang ang tinutukoy dito - Ang Panginoong Hesu Kristo.
Lahat ng maglalagak ng pagtitiwala sa Kanya ay Kanyang anak. Ayon sa patotoo ng mga apostol, ang Panginoong Hesus ay namatay para sa ating mga kasalanan, nabuhay na mag-uli, at umupo sa trono sa kanan ng Kataas-taasan, at ngayo'y nagsisilbing Dakilang Saserdote na naglinis ng ating mga kasalanan (Hebreo 2:17; 8:1). Ang Panginoong Hesus, ang Mesiyas, ang hinulaan ni Propeta Isaias.
Ayon kay Rabbi Moshe Kohen Ibn Crispin, “Ang guro na ito ay inilarawan ang mga nagsasabi na ang Isaiah 53 ay tumutukoy sa Israel bilang “pagtalikod sa mga kaalaman ng ating mga Guro, at pananalig sa “katigasan ng kanilang puso,” at sa kanilang sariling opinion. Ikinagagalak kong bigyang-kahulugan ito, ayon sa mga katuruan ng aming mga guro, na tungkol ito sa Mesiyas. Ang hulang ito ay ipinahayag ng propetang si Isaias sa layunin na maipaunawa sa atin ang kalikasan ng darating na Mesiyas na magliligtas sa Israel. Ipinakita ni Isaias ang Kanyang magiging buhay mula sa araw ng Kanyang pagsilang at hanggang sa Kanyang pagdating bilang Tagapagligtas at hukom. Ito rin ay isang babala sa atin upang magbantay laban sa mga bulaang guro.”
English
Ang “Nagdurusang Lingkod” ba sa Isaias 53 ay isang hula tungkol kay Hesus?