settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat kung hanapin sa isang lalaki na nais kong maging asawa?

Sagot


Kung ang isang mananampalatayang babae ay naghahanap ng isang lalaki upang maging asawa, dapat siyang maghanap ng isang lalaki na "ayon sa puso ng Diyos" (Mga Gawa 13:22). Ang pinakamahalagang relasyon na maaari tayong magkaroon ay ang personal na relasyon sa Panginoong Hesu Kristo. Ang relasyong ito ang dapat mauna bago ang iba pang relasyon. Kung maayos ang ating relasyon sa Panginoon, magiging maayos din ang ating relasyon sa iba. Kaya nga ang isang ideyal na lalaki upang maging asawa ay isang lalaki na ang pinagtutunan ng pansin ang kanyang paglakad sa kalooban ng Diyos at nagnanais na mamuhay ng isang buhay na nagbibigay luwalhati sa Diyos (1 Corinto 10:31).

Ano pa ang ibang mga katangian na dapat hanapin sa isang lalaki? Ibinigay ni Apostol Pablo ang mga katangian na dapat hanapin sa isang lalaki sa ikatlong kabanata ng 1 Timoteo. Sa mga tatalang ito makikita ang mga kwalipikasyon para sa isang tagapanguna sa iglesya. Gayunman, ang mga katangiang ito ay taglay din ng isang tao na lumalakad "ayon sa puso ng Diyos." Ang mga katangiang ito ay maaaring buudin sa paglalarawang ito: isang lalaki na matiyaga at kayang kontrolin ang kanyang sarili, mapagbigay, hindi mayabang ngunit marunong manindigan, kayang kontrolin ang kanyang emosyon, marunong at matiyagang tagapagturo, hindi maglalasing, kayang kontrolin ang paggamit ng anumang kaloob ng Diyos, hindi pala away, hindi nakatuon ang pansin sa mga detalye ng buhay kundi sa Diyos, hindi mainitin ang ulo o maramdamin kaya madaling masaktan at mapagpasalamat sa mga ipinagkaloob ng Diyos sa halip na maiinggit sa mga kaloob ng Diyos na tinanggap ng iba.

Ang mga katangian sa itaas ay naglalarawan sa isang lalaki na nasa isang aktibong proseso ng paglago sa pananampalataya bilang isang Kristiyano. Ito ang tipo ng lalaki na dapat hanapin ng isang Kristiyanong babae. Maaari din namang ikunsidera ang pisikal na atraksyon, parehong interes, mga lakas at kahinaan at ang pagkahilig sa anak. Gayunpaman, ang mga bagay na ito ay pangalawa lamang sa espiritwal na katangian na dapat hanapin ng isang Kristiyano sa isang lalaki. Ang isang lalaki na pagkakatiwalaan, igagalang at susundin sa landas ng kabanalan ay mas mahalaga kaysa sa isang guwapo, sikat, makapangyarihan at mayamang lalaki ngunit kapos naman sa espiritwalidad.

Sa huli, kung naghahanap ng isang lalaking karapatdapat, dapat na nakasuko tayo sa kalooban ng Diyos sa ating buhay. Ang bawat babae ay nagnanais na makita ang kanyang "prince charming," ngunit ang realidad, maaari siyang makapag-asawa ng isang lalaki na pareho niyang may kapintasan. Sa biyaya ng Diyos, gugugulin nila ang lahat ng panahon ng kanilang buhay na patuloy na natututo kung paano maging mabuting katuwang at lingkod sa bawat isa. Nararapat tayong pumasok sa ikalawang pinakamahalagang relasyon sa ating buhay (ang pagaasawa) na hindi dahil nadala lamang ng emosyon, kundi dahil sa isang bukas na mata at pagiisip. Ang ating pinakamahalagang relasyon - ang ating relasyon sa Panginoong Hesu Kristo, na ating Panginoon at Tagapagligtas ang dapat na siyang laging sentro ng ating buhay.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dapat kung hanapin sa isang lalaki na nais kong maging asawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries