settings icon
share icon
Tanong

Papaano naliligtas ang mga tao noon bago namatay si Hesus para sa mga kasalanan?

Sagot


Mula noong mahulog ang tao sa kasalanan sa Lumang Tipan, ang batayan ng kaligtasan ay laging sa pamamagitan lamang ng kamatayan ni Kristo. Walang sinuman, bago o matapos ang kamatayan ni Hesus sa krus, ang maaaring maligtas kung wala ang naturang napakahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Ang kamatayan ni Kristo ay ang siyang naging kabayaran ng mga kasalanan ng mga mananampalataya sa panahon ng lumang tipan at ang mga magiging kasalanan pa ng mga mananampalataya sa Bagong Tipan.


Ang batayan ng kaligtasan ay laging sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Ang tinutukoy ng pananampalataya ng isang tao para sa kanyang kaligtasan ay palaging ang Diyos. Isinulat ng Salmista, "Mapalad ang yaong mga sumasampalataya sa Kanya" (Awit 2:12). Sinasabi rin sa atin ng Genesis 15: 6 na si Abraham ay nanampalataya sa Diyos at sapat na iyon upang ituring siyang matuwid ng Diyos (tingnan ang Roma 4: 3-8). Ang sistemang sakripisyal sa Lumang Tipan ay hindi nakapag aalis ng kasalanan, tulad ng malinaw na itinuturo ng aklat ng Hebreo 9: 1-10: 4. Gayon man ang sistemang sakripisyal ay nagtuturo sa sa gawaing gagampanan ng Anak ng Diyos at sa pagbubuhos ng Kanyang dugo para sa mga makasalanan.

Ang nagbabago lang sa paglipas ng panahon ay ang nilalaman ng pananampalataya ng isang mananampalataya. Ang batayan ng Diyos sa kung ano ang dapat sampalatayanan ay nakabase sa kabuuan ng kanyang paghahayag na Kanyang ibinigay sa sangkatuhan noong panahong iyon. Ito ay tinatawag na progresibong paghahayag ng Diyos ng kanyang sarili. Naniwala si Adan sa pangako na ibinigay ng Diyos sa Genesis 3: 15 na ang bunga ng isang babae ay ang siyang gagapi kay Satanas. Naniwala si Adan sa Kanya, binigay Niya kay Adan si Eba (talata 20) at kaagad na ipinahiwatig ng Diyos ang kanyang pagtanggap sa pamamagitan ng pagtakip sa kanilang katawan ng balat ng kinatay na kambing (talata 21). Iyon lamang ang nalalaman ni Adan, subalit nanampalataya siya dito.

Naniwala si Abraham sa Diyos sa mga pangako at ipinahayag sa kanya ng Diyos sa kanya sa Genesis 12 at 15. Bago dumating si Moses, walang pang kasulatan ang naisulat, subalit ang sangkatauhan ay responsable sa kung ano ang inihayag ng Diyos sa mga panahong iyon. Sa kabuuan ng Lumang Tipan, ang mga mananampalataya ay naligtas dahil sila ay nananampalataya na balang-araw ay ililigtas sila ng Diyos sa kanilang mga kasalanan. Ngayon, ating binabalikan, at pinaniniwalaang binayaran na Niya ang ating mga kasalanan sa krus ng Kalbaryo (Juan 3:16; Hebreo 9:28).

Papaano naman ang mga mananampalataya sa panahon ni Kristo, bago Siya ipako sa krus at ang Kanyang muling pagkabuhay? Ano ang kanilang pinaniniwalaan? Nauunawaan ba nila ang kahulugan nang pagbuwis ng buhay ni Kristo para sa kanilang mga kasalanan? Sa huling bahagi ng Kanyang ministeryo, "Magmula noon, ipinaalam ni Hesus ang mga bagay na ito sa Kaniyang mga alagad. Sinabi Niya: Kailangan kong pumunta sa Jerusalem. Doon ay magbabata Ako ng maraming pahirap sa kamay ng mga matanda, mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Papatayin nila Ako at muli Akong mabubuhay sa ikatlong araw" (Mateo 16:21). Ano ba ang reaksiyon ng Kanyang mga disipulo mensaheng ito ni Hesus? "Isinama siya ni Pedro at nagsimulang sawayin siya na sinasabi: Panginoon, malayo nawa ito sa Iyo. Hindi ito mangyayari sa Iyo." (16:22). Si Pedro, at ang iba pang mga alagad ay hindi pa nalalaman ang buong katotohanan, subalit sila ay ligtas na sapagkat sila ay naniniwala na ang Diyos ang Siyang bahala sa kanilang problema sa kasalanan. Hindi nila eksaktong alam kung papaano ito gagawin ng Diyos, subalit sila ay nananampalataya sa Kanya.

Ngayon, mas marami na tayong mga nalalaman kumpara sa mga taong nabuhay bago ang unang pagdating at muling pagkabuhay ni Kristo. Alam natin ang kabuuang larawan. "Noong una, ang Diyos ay nagsalita sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit nitong mga huling araw, nagsalita Siya sa atin sa pamamagitan ng Kaniyang Anak. Siya ay hinirang ng Diyos na maging tagapagmana ng lahat ng mga bagay. Sa pamamagitan din Niya, nilikha ng Diyos ang mga kapanahunan" (Hebreo 1:1-2). Ang ating kaligtasan ay nakabase pa rin sa kamatayan ni Kristo, ang ating pananampalataya ay siya pa ring kasangkapan ng ating kaligtasan, at ang Diyos pa rin ang ating sinasampalatayanan. Ngayon sinsampalatayan natin na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, inilibing, at muling nabuhay sa ikatlong araw (1 Corinto 15:3-4) at muling darating upang muling buhayin ang ating mga katawan mula sa mga patay. Kaya nga mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong tipan, ang kaligtasan ay sa biyaya lamang ng Diyos sa pamamagitan laman ng pananampalataya sa ginawa ni Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Papaano naliligtas ang mga tao noon bago namatay si Hesus para sa mga kasalanan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries