settings icon
share icon
Tanong

Sumusuporta ba ang Bibliya sa mga napagkasunduang kasalan?

Sagot

Ang isang "arranged" na kasal ay ang kasal ng dalawang ipinagkasundo ng mga magulang ng lalaki at babae na kadalasang walang pagsasaalang-alang sa mga nais ng magpapakasal. Hindi sinasabi ng Bibliya na dapat na ang gma magulang ang nag-aayos ng kasal ng kanilang mga anak at hindi rin nito sinasabi na hindi dapat. Gayunman, may ilang mga napagkasunduang kasal sa Bibliya, lalo na ang kasal nina Isaac at Rebecca.

Sa kasong iyon, isang pinagkakatiwalaang lingkod ang ipinadala ng ama ni Isaac na si Abraham para hanapin ang isang babaeng nararapat para sa kanya mula sa kanyang sariling bayan sapagkat hindi niya nais na ang kanyang anak na si Isaac ay mag-asawa mula sa mga Cananeo na hindi sumasampalataya sa Diyos (Genesis 24). Makikita natin mula sa mga tugon ni Rebecca na mayroon siyang maraming banal na katangian, at siya ay malinaw na pinili ng Diyos para kay Isaac. Walang dudang hindi lahat ng mga kasalan noong mga panahong iyon ay ginawa sa ganitong paraan.

Ang pagsasanay ng mga napagkasunduang kasal ay ipinagpapatuloy sa maraming kultura, kabilang ang mga kulturang Kanluranin hanggang noong 1900s. Kahit ngayon, sa mga pamilyang Hudyo, Muslim, at Hindu, nagpapatuloy ang mga napagkasunduang kasal. Tahimik ang Bibliya sa isyung ito. Gayunman, ipinapakita ng Bibliya kung ano ang dapat na katangian ng isang karapatdapat na kabiyak. Para sa mga Kristiyano, ang kasal, kahit napagkasunduan na o hindi, ay dapat lamang para sa isang mananampalataya. Ang pinakamahalagang relasyon na mayroon tayo ay ang ating personal na relasyon sa Panginoong Jesu Cristo. Ang taong pinipili nating kabiyak ay dapat na nag-uukol ng kanyang pansin sa pagsunod sa Salita ng Diyos at nagsisikap na mabuhay para sa kaluwalhatian sa Diyos (1 Corinto 10:31).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries