settings icon
share icon
Tanong

Gaano napakabata ang isang bata para pumasok sa isang romantikong relasyon?

Sagot


Kung gaano napakabata ang isang bata upang makipagrelasyon ay nakadepende sa indibidwal na antas ng kahustuhan sa pagiisip, adhikain sa buhay at paniniwala. Karaniwan, kung mas bata ang isang tao, mas hindi pa husto ang kanyang isip dahil sa kawalan ng karanasan sa buhay. Kung naguumpisa pa lamang ang isang tao na makilala ang kanyang sarili, maaaring hindi pa matibay ang kanyang espiritwalidad upang magkaroon ng isang romantikong relasyon at maaari siyang makagawa ng mga maling desisyon na magreresulta sa emosyonal, pisikal, saykolohikal at espiritwal na pagkawasak.

Laging malapit ang tukso sa mga magkarelasyon lalo na kung ang emosyon ay magsimulang yumabong at ang atraksyon sa kasintahan ay lumalim. Ang mga tinedyer na napakabata pa - kahit ang mga nasa tamang edad na ay laging sinasalakay ng pwersang hormonal at ng impluwensiya ng barkada na kung minsan ay napakahirap tanggihan. Ang bawat araw ay nagdadala ng bagong pakiramdam gaya ng pagdududa, takot at pagkalito na may kasamaang tuwa at sigla na maaaring makaligalig sa kanyang isipan. Ginugugol ng mga kabataan ang kanilang mga oras kung sino sila at kung ano ang kanilang kaugnayan sa mundo at sa mga tao sa kanilang paligid. Idagdag pa rito ang mga hamon ng kanilang relasyon sa kanilang estado bilang kabataan kaya't maaari silang bumagsak lalo na kung kapwa nakakaranas ng ganito ang kapareha. Pinapahirap ng maagang pakikipagrelasyon ang pagiwas sa pagkawasak ng maselan at bago pa lamang nabubuong pagkakilala sa sarili. Kung hindi pa handa sa pagaasawa ang isang kabataan, hindi pa rin siya handa sa panliligaw at pagpapaligaw. Mas ligtas ang mga kabataan sa temptasyon at mga hamon ng maagang pakikipagrelasyon kung makikisama muna sila sa ibang kabataan sa diwa ng pakikipagkaibigan at lilinangin muna ang kakayahang sosyal at hindi muna nakikipagrelasyon sa murang edad.

Kahit kailan man magdesisyon ang isang tao upang makipagrelasyon, ang panahong ito ay dapat na gugulin sa pagpapatibay ng pundasyon ng kanyang pananampalataya at sa paglago sa kaalaman sa nais ng Diyos para sa Kanyang buhay. Kahit ang isang bata ay maaaring simulan ang prosesong ito. "Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan" (1 Timoteo 4:12).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Gaano napakabata ang isang bata para pumasok sa isang romantikong relasyon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries