settings icon
share icon
Tanong

Bakit napopoot ang Diyos sa diborsyo?

Sagot


Sinasabi sa Malakias 2:16 ang saloobin ng Diyos patungkol sa diborsyo. "Nasusuklam ako sa naghihiwalay,' sabi ng Panginoong Diyos ng Israel." Ngunit ito ay nagsasabi ng higit pa kaysa doon. Kung babalik tayo sa talatang 13, mababasa natin, "Dinidilig ninyo ng luha ang dambana ni Yahweh. Nananangis kayo at nananambitan sapagkat ayaw na Niyang tanggapin ang mga handog ninyo sa Kanya. Itinatanong ninyo kung bakit. Sapagkat alam niyang sumira kayo sa pangako ninyo sa inyong asawa na pinakasalan ninyoi nang kayo ay bata pa. Siya't nagging katuwang ninyo, ngunit ngayo'y sumira kayo sa pangako ninyo sa kanya, bagama't nangako kayo sa Diyos na magiging tapat kayo. Di ba kayo pinag-isa ng Diyos sa katawan at sa espiritu? Ano ang layon niya? Upang magkaroon kayo ng mga supling na tunay na mga anak ng Diyos. Mag-ingat nga kayo – huwag magtaksil ang sinoman sa inyo sa babaeng pinakasalan ninyo nang kayo'y kabataan pa."

Ating matututunan ang ilang bagay mula sa siping ito. Una, ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga panalangin ng pagpapala ng mga sumira sa tipan ng pag-aasawa. Sinasabi sa 1 Pedro 3: 7, "Mga asawang lalaki, pakitungunan ninyong Mabuti ang inyu-inyong asawa sapagkat sila'y mahihina, at tuklad ninyo'y may karapatan din sa buhay na walang hanggang kaloob sa inyo ng Diyos. Sa gayon, walang magiging sagabal sa inyong panalangin." May direktang kaugnayan sa pagitan ng paraan ng pagtrato ng isang lalaki sa kanyang asawa at sa pagiging epektibo ng kanyang mga panalangin.

Ipinaliwanag ng Diyos ang Kanyang mga dahilan sa mataas niyang pagpapahalaga sa pag-aasawa. Sinasabi Niya na sila ay pinag-isa Niya (Malakias 2:15). Ang pag-aasawa ay ideya ng Diyos. Kung dinisenyo Niya ito, Siya ang magtatakda ng pamantayan nito. Anumang paglihis sa Kanyang disenyo ay kasuklamsuklam sa Kanya. Ang kasal ay hindi isang kontrata; ito ay isang tipan. Sinisira ng diborsyo ang buong konsepto ng tipan na napakahalaga sa Diyos.

Sa Bibliya, madalas na nagbibigay ang Diyos ng mga ilustrasyon upang ituro ang mga espiritwal na katotohanan. Noong inihandog ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac, ito ay paglalarawan na ibibigay ng Panginoong Diyos ang Kanyang Anak sa darating na panahon upang maging handog para sa mga kasalanan (Genesis 22: 9; Roma 8:32). Nang humingi ang Diyos ng paghahandog ng dugo para sa kapatawaran ng kasalanan, inilalarawan Niya ang sakdal na handog na gagawin ni Jesus sa krus (Hebreo 10:10).

Ang pag-aasawa ay isang larawan ng tipan ng Diyos sa Kanyang mga hinirang (Hebreo 9:15). Ang tipan ay isang hnidi masisirang pangako, at nais ng Diyos na maunawaan natin kung gaano ito kaseryoso. Kapag diniborsyo ng isang tao ang isang tao kung kanino siya nakipagtipan, kinututya niya ang konsepto ng Diyos sa pakikipagtipan. Ang Iglesya (ang mga indibidwal na tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon) ay inilarawan sa Kasulatan bilang "kasintahan ni Cristo" (2 Corinto 11: 2; Apocalipsis 19: 7-9). Tayo, bilang Kanyang mga hinirang, ay "kasal" sa Kanya sa pamamagitan ng tipang Kanyang itinatag. Ang katulad na ilustrasyon ay ginamit sa Isaias 54: 5.

Nang itatag ang Diyos ang pag-aasawa sa Harden ng Eden, nilikha Niya ito bilang isang larawan ng pinakadakilang pagkakaisa na mararanasan ng tao (Genesis 2:24). Nais Niyang maunawaan natin ang pagkakaisa na maaaring magkaroon tayo sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang pagtubos (1 Corinto 6:17). Kapag pinipili ng isang asawang lalaki o asawang babae na labagin ang tipang ito ng pag-aasawa, sinisira niya ang larawan ng tipan ng Diyos sa atin.

Ibinigay sa Malakias 2:15 ang isa pang dahilan ng pagkamuhi ng Diyos sa diborsyo. Sinabi Niya na Siya'y "naghahangad ng makadiyos na supling." Ang disenyo ng Diyos para sa pamilya ay ang isang lalaki at isang babae na magtatalaga ng kanilang sarili sa isa't isa habang buhay at palalakihin ang mga bata para maunawaan din ang konsepto ng Kanyang tipan. Ang mga batang pinalaki sa isang malusog, at may nagkakaisang magulang sa tahanan ay may higit na posibilidad na magtatag ng matagumpay na pamilya.

Nang tanungin si Hesus kung bakit pinahintulutan ng Kautusan ang diborsyo, sumagot Siya na pinahintulutan lamang ito ng Diyos "dahil sa katigasan ng inyong mga puso, ngunit hindi gayon sa pasimula" (Mateo 19: 8). Kailan man, hindi ninais ng Diyos na ang diborsyo ay maging isang bahagi ng karanasan ng tao, at ito ay nagdudulot sa Kanya ng dalamhati sa tuwing pinatitigas natin ang ating mga puso at sinisira ang tipan na Kanyang nilikha.



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit napopoot ang Diyos sa diborsyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries