Tanong
Dapat bang makisosyo sa negosyo sa isang hindi mananampalataya?
Sagot
Ang pakikisosyo sa negosyo sa pagitan ng mananampalataya at hindi mananampalataya ay karaniwang itinatanong ng marami. Ang talatang malimit gamitin upang sagutin ang tanong na ito ay ang 2 Corinto 6:14, "Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?" Kalimitan din na ginagamit ang talatang ito sa pagbabawal sa pag-aasawa ng hindi mananampalataya. Maaari ding gamitin ito sa pagaasawa, ngunit hindi limitado ang talatang ito sa pagaasawa lamang. Ang lahat ng klase ng "pakikipamatok" ay ipinagbabawal - pagaasawa, malalim na pakikipagkaibigan at sa maraming pagkakataon, sa pakikisosyo sa negosyo.
Ipinahihiwatig ng utos na ito ang napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng isang mananampalataya at hindi mananampalataya. Sa pangkalahatan, ang motibo, layunin at pamamaraan ng isang Kristiyano ay hindi kasang-ayon sa motibo, layunin at pamamaraan ng isang hindi mananampalataya. Binabago ng pananampalataya ang katangian ng isang tao. Ang pinakamataas na layunin sa buhay ng isang Krsitiyano ay ang luwalhatiin ang Panginoong Hesu Kristo sa lahat ng bagay samantalang ang layunin ng isang hindi mananampalataya ay karaniwang salungat sa layunin ng isang tunay na mananampalataya. Kung ang pamamaraan at layunin ng isang negosyo kung saan makikisosyo ang isang mananampalataya ay katulad ng mga layuning ito, maaaring suriin ng isang mananampalataya ang kanyang layunin at prayoridad.
Itinanong ni Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto, "anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?" (2 Corinto 6:14). Sinasabi ni Pablo na ang isang tao ay nakikisama sa isang tao kung nakikibahagi sila sa anumang bagay sa isa't isa. Ang magkasama sa negosyo ay may pakikisama sa isa't isa - kung ano ang pagmamay-ari ng isa ay pagmamay-ari din ng isa. Ito ang mismong kahulugan ng "pakikisama". Dahil sa ganitong prinsipyo ng Kasulatan, mainam na umiwas ang isang mananampalataya sa pakikipagsosyo sa negosyo sa isang hindi mananampalataya. Kung nagnanais ang isang Kristiyano na tunay na maluwalhati ang Panginoon sa kanyang negosyo, hindi maiiwasan ang problema sa kasosyong hindi mananampalataya sa hinaharap. "Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo?" (Amos 3:3 KJV).
English
Dapat bang makisosyo sa negosyo sa isang hindi mananampalataya?