settings icon
share icon
Tanong

Mayroon bang mga negro na nabanggit sa Bibliya?

Sagot


Walang partikular na tao na ipinakilala ng Bibliya na may maitim na balat. Hindi rin partikular na ipinakilala ng Bibliya ang sinoman na may maputing balat. Karamihan ng pangyayari sa Bibliya ay naganap sa Gitnang Silangan, sa loob at sa paligid ng Israel. Alinman sa mga taong “itim” o “puti” ay karaniwan sa mga rehiyong ito. Karamihan ng mga tao sa Bibliya ay mga “Semitic,” na may mapusyaw hanggang matingkad na kulay kayumangging balat o kutis. Sa huli, hindi mahalaga kung anoman ang kulay ng balat ng mga tao sa Bibliya. Ang kulay ng balat ay walang kabuluhan o kahulugan sa mensahe ng Bibliya. Hindi tayo kailangang tumingin sa kulay ng balat sa halip ang pagtuunan ng pansin ay ang kaluluwa.

Hula ng ilang mga iskolar ng Bibliya na si Zipporah na asawa ni Abraham ay negro dahil sa siya ay taga-Cus (Bilang 12:1). Ang Cus ay isang sinaunang pangalan para sa mga lugar ng Africa. Iminumungkahi ng ilan na si Bathsheba (2 Samuel 11:3) ay isa ding negro. Ang ilan ay naniniwala na ang Reyna ng Sheba na dumalaw kay Haring Solomon (1 Hari 10:1) ay isang negro. Ang eunuko mula sa Etiopia sa Mga Gawa 8:37 ay maaaring isang negro. Ang Etiopia ay nabanggit ng halos 400 beses sa Bibliya, at ang Propeta Jeremias ay nagtanong, “Makapagbabago baga ang Etiope ng kanyang balat?” (Jeremias 13:23). Si “Simeon na tinatawag na Niger” (Mga Gawa 13:1) ay maaring isang negro.

Gayunman, hindi tiyakan o sadyang sinabi ng Bibliya na ang mga taong ito ay negro. Karamihan sa mga guro ng Bibliya ay naniniwala na ang mga negro ay nagmula kay Ham na anak ni Noe (Genesis 10:6-20), ngunit hindi tayo nakakasigurado dahil hindi ito tiyak na sinabi ng Bibliya. Bakit kakaunti lamang ang mga negro sa Bibliya? Karamihan sa mga pangyayari sa Bibliya ay naganap sa lupain ng Israel. Bagaman karaniwan ang mga taong negro sa maraming karatig rehiyon ng Israel, ang Israel ay hindi naging lugar kung saan maraming negro ang naninirahan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mayroon bang mga negro na nabanggit sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries