settings icon
share icon
Tanong

Nilikha ba ng Diyos ang Kasalanan?

Sagot


Nilikha ng Diyos ang kalawakan sa loob ng anim na araw, ngunit sa orihinal wala ditong kasalanan. Lahat ng kanyang nilikha ay mabuti (Genesis 1:31). Ang kasalanan ay pumasok sa sangnilikha hindi dahil nilikha ito ng Diyos kundi dahil sa paghihimagsik ng tao laban sa Kanya.

Kailangan natin malaman ang ibig sabihin ng "kasalanan." Sinasabi sa 1 Juan 3:4 "Ang bawat nagkasala ay lumalabag sa kautusan ng Diyos sapagkat ang kasalanan ay paglabag sa kautusan." Sinasabi sa Roma 3:23 na "... kasalanan ay anumang (sinasabi, iniisip, at ginagawa ng tao) na hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Itinuturo din ng Roma 3:23 na kailangang malaman ang katangian ng Diyos bago natin maunawaan ng tama kung ano ang kasalanan dahil ang Kanyang kaluwalhatian ang pamantayan na siya nating panukat (Mga Awit 119:160; Juan 17:17).

Hindi natin malalaman na ang isang bagay ay hindi perpekto kung walang perpektong pamantayan. Kung wala ang ganap na pamantayan ng kaluwalhatian ng Diyos, ang pagtaya o paghatol natin sa ating mga gawa ay pawang bunga lamang ng pagkakamali dahil sa nagbabagong pamantayan ng hindi perpektong nilikha. Kung ganito, ang bawat batas, kautusan at pamantayang moral ay pawang mga opinyon lamang na nagbabago gaya ng panahon.

Kung ang isang tagapagtayo ay nagtayo sa hindi parisukat na pundasyon, tiyak na malalagay sa panganib ang integridad ng buong proyekto. Ang gusali ay hindi magiging matibay habang tumataas; at magiging mabuway ang pagkakatayo. Subalit kapag nagsimula sa perpektong pundasyon, tiyak na magiging maayos ang kabuuan ng gusali. Inilalarawan nito ang moral na pundasyon; Kung wala ang pamantayang moral ng Diyos, hindi malalaman ng tao kung ano ang tama at mali. Ang kasalanan ay paglayo mula sa kung ano ang tama. Kaya nga habang lumalayo tayo sa pamantayang moral ng Diyos, lalong lumulubha ang ating pagkakasala. Nilikha ng Diyos ang tao at ang mga anghel na may malayang pagpapasya, at kung ang isang nilikha ay may kalayaang magpasya, may posibilidad na pipiliin niya ang mali. Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang wangis at dahil ang Diyos ay malaya, ang tao na kanyang nilikha ay may kalayaan din (Genesis 1:27). Ang pagkakaroon ng malayang pagpapasya ay pagkakaroon din ng kakayahang pumili, at pagkatapos na ipaalam ng Diyos sa tao ang Kanyang pamantayan sa moralidad, binigyan Niya ang tao ng tunay na kalayaan (Genesis 2:16-17). Pinili ni adan ang pagsuway. hindi siya tinukso o pinuwersa ng Diyos upang sumuway. Sinasabi sa Santiago1:13; "Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok sapagkat ang Diyos ay hindi maaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino." Pinahintulutan ng Diyos ang may dignidad na malayang pagpili ni Adan at ang pagpiling iyon ay may kaakibat na bunga (Roma5:12).

Naglaan ang Diyos ng pagkakataong magkasala ngunit hindi niya nilikha o pinasimulan ang kasalanan. Tunay na mabuti ang magkaroon ng pagkakataon upang pumili dahil kung wala nito, ang tao ay walang pinagkaiba sa mga robot. Ang Diyos ay nagbibigay ng utos at humihimok sa ating upang sumunod sa Kanya (Exodo 19:5; Deuteronomio 12:28; 1 Samuel 15:22). ipinangako rin niya ang mga pagpapala, pakikisama sa atin at pagiingat kung tayo ay susunod (Jeremias 7:23; Mga Awit 115:11; Lucas 11:28) ngunit hindi niya tayo iginagapos. Hindi siya naglagay ng bakod sa paligid ng ipinagbabawal na puno sa loob ng Hardin ng Eden sa halip ay binigyan Niya ng kalayaan sina Eba at Adan na piliin ang pagsunod o piliin ang pagsuway at kaakibat ng kanilang pagpili ay ang epekto o bunga nito (Genesis 16:24).

Makikita natin na ang pagkakataong pumili upang magkasala ay likas sa tao. Maaari nating piliing hanapin ang Diyos na siyang nagbibigay daan sa matuwid na pamumuhay (Jeremias 29:13; 2Timoteo 2:19) o kaya' y maaari nating sundin ang ating sariling kagustuhan na siyang maglalayo sa atin sa Diyos (Kawikaan 16:5). Malinaw ang sinasabi sa Biblia na anuman ang landas na piliin natin ay mayroon itong kaakibat na bunga "Kung ano ang itinanim ay sya ring aanihin" (Galacia 6:7). May mga pagpili ang tao na ang bunga o epekto ay pang walang hanggan. sinasabi sa Mateo 25:46 na yaong mga hindi sumusunod kay Jesus ay mapupunta sa walang hanggang kaparusahan ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan.Hinahatulan ng Diyos ang mga tao (Mangangaral 12:14) at ang mga bansa (Mikas 5:15) na ginagamit ang kanilang malayang pagpapasya upang lumaban sa Kanya.

Ang Diyos ay hindi lumikha o lumilikha ng kasalanan. Hindi siya natutuwa na maparusahan ang mga taong pinili ang magkasala (Ezekiel 33:11). Nais ng Diyos na ang lahat ay magsisi at maranasan ang pagpapala at kagalakan ng buhay na walang hanggan sa piling Niya (2 Pedro 3:9).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Nilikha ba ng Diyos ang Kasalanan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries