settings icon
share icon
Tanong

Paano pinagkasya ni Noe ang lahat ng mga hayop sa Arko?

Sagot


Paano pinagkasya ni Noe ang lahat ng mga hayop sa Arko? Ang laki ba ng Arko ay sapat upang pagkasyahin ang “ang tigdadalawa sa bawat uri…. ng mga ibon sa kanya kanyang uri, at ng mga hayop sa kanya kanyang uri, ng bawat gumagapang sa lupa ayon sa kanya kanyang uri,” at “pitong pares” ng ibang uri ng hayop? Paano ang kanilang pagkain? Kailangang may sapat na silid upang pagimbakan ng sapat na pagkain para kay Noe at sa kanyang pamilya (walo lahat) at para sa lahat ng mga hayop sa loob ng halos isang taon (tingnan ang Genesis 7:11; 8:13-18) at maaaring higit pa, depende kung gaano katagal tumubo ang mga halaman. Napakaraming pagkain niyon! Paano ang kanilang tubig na iinumin? Makatotohanan ba na ang Arko ni Noe ay sapat ang laki upang paglagyan ng lahat ng hayop na ito at ng kanilang pagkain at tubig sa loob ng humigit kumulang isang taon?

Ang sukat ng Arko na ibinigay sa aklat ng Genesis ay 300 kubiko ang haba, 50 kubiko ang luwang at 30 kubiko ang taas (Genesis 6:15). Ano ang kubiko? Ang kubiko ay isang sinaunang pamantayan ng sukat, ang haba ng braso mula sa siko hanggang sa pinakamahabang daliri (ang salitang “kubiko” o “kubit” ay nagmula sa salitang Latin na “cubitum” na nangangahulugan ng “siko.” Ang salitang Hebreo para sa “kubiko” ay “ammah.” Dahil magkakaiba ang haba ng siko ng tao, ang pamantayang ito ng panukat ay maaaring hindi tiyak para sa iba, ngunit sumasangayon ang mga iskolar sa pangkalahatan na ang sukat na ito ay sa pagitan ng 17 hanggang 22 pulgada (43-56 sentimetro). Ang sinaunang kubiko ng mga Ehipsyo ay kilala sa sukat na 21.888 pulgada. Kaya kung kukuwentahin ang sukat ng arko, ito ang kalalabasan:

300 x 22 pulgada = 6,600; 50 x 22 pulgada = 1,100; 30 x 22 pulgada = 660
6,600/12 = 550 piye; 1100/12 = 91.7 piye; 660/12 = 55 piye.

Kaya ang sukat ng arko ay aabot sa 550 piye ang haba, 91.7 piye ang luwang, at 55 piye ang taas. Ang mga ito ay makatwirang sukat. Ngunit gaano karami ang mailalaman sa ganito kalaking espasyo? Ang 550 x 91.7 x 55 ay 2,773,925 piye kuwadrado. (Kung ating pagbabatayan ang pinakamaliit na sukatan ng kubiko na 17 pulgada, magkakaroon tayo ng kabuuang 1,278,825 piye kuwadrado). Siyempre, hindi lahat ng ito ay walang laman. Ang Arko ay may tatlong palapag (Genesis 6:16) at maraming silid (Genesis 6:14), ang mga dingding nito ay kakain din ng espasyo. Gayun pa man, kung kukuwentahin, mahigit sa kalahati (54.75%) ng 2,773,925 piye kuwadrado ay maaaring maglaman ng 125,000 na hayop na sinlaki ng tupa at may sosobra pang 1.5 milyon piye kuwadrado ng espasyo (tingnan ang http://www.icr.org/bible/bhta42.html).

Tinantiya ni John Woodmorappe, ang may akda ng “Noah's Ark: A Feasibility Study,” na may 15 porsyento lamang ng mga hayop sa Arko ang mas malaki sa tupa. Hindi pa isinama sa pigurang ito ang posibilidad na nagpasakay ang Diyos sa arko ng mga batang hayop na hindi hamak na mas maliit kaysa sa matandang hayop.

Ilang hayop ang nakasakay sa arko? Tinantya ni Woodmorappe na maaaring may 16,000 “mga uri.” Ano ang “uri?” Ang salitang “uri” ay maaaring mas malawak kaysa sa “species.” Kahit na may 400 na lahi ng aso na kasama sa isang specie (Canis familiaris), napakaraming species ang kabilang sa isang “uri.” May mga nagpapalagay na ang salitang “genus” ay maaaring katumbas ng salitang “uri” na ginamit sa aklat ng Genesis.

Gayunman, kahit na ipagpalagay natin na ang “uri” ay katumbas ng “species,” hindi masyadong marami ang species ng mga mammals, ibon, amphibians at mga reptilya. Ang nagungunang systematic biologist na si Ernst Mayr ay nagbigay ng numerong 17,600. “Ang pagsasakay ng dalawa sa mga species ng hayop sa Arko, at ng 7 species ng mga tinatawag na malinis na uri ng hayop at ng karagdagang bilang ng mga kilalang species na naglaho na sa ngayon, masasabing may limampung libong hayop sa loob ng Arko” (Morris, 1987).

May ilang nagtantiya na may mahigit na dalawampu’t limang libong uri ng hayop na nakasakay sa Arko. Ito mataas kaysa sa karaniwang pagpapalagay. Kung may 2 sa bawat uri at pito naman sa iba, ang bilang ng mga hayop ay hihigit sa limampung libo, bagamat hindi masyadong marami ang kahigtan. Anu’t ano man, kahit na may 16,000 hanggang 25,000 na uri ng hayop, kahit na dalawang pares sa iba at pitong pares sa iba pa, sumasangayon ang mga iskolar na sapat ang dami ng mga silid para sa lahat ng mga hayop at para sa pagkain at tubig na kanilang kailangan at may sobra pang bakanteng silid upang paglagyan ng kahit ano.

Paano naman ang mga dumi na inilalabas ng mga hayop? Paanong pakakainin ng walong katao lamang ang lahat ng mga hayop na ito at paano nila itatapon ang tone-toneladang dumi sa araw araw? Paano ang mga hayop na may espesyal na uri ng pagkain? Paano tumubo uli ang mga halaman? Paano naman ang mga insekto? May libong katanungan ang maaaring itanong at ang mga iyon ay magagandang tanong. Sa isip ng marami, ang mga tanong na ito ay may kasagutan. Ngunit ang mga ito ay hindi nabago. Itinanong na rin ang mga katanungang ito ng paulit ulit sa loob ng maraming siglo. At sa lahat ng panahong iyon, patuloy na naghanap ng kasagutan ang mga mananaliksik. Marami ng mga pagaaral ang isinagawa ng mga iskolar upang patunayan ang katotohanan ng kuwento tungkol kay Noe at sa kanyang Arko.

Sa mahigit na 1,200 reperensya na ginawa ng mga iskolar para sa pagaaral sa akademya, ang aklat ni Woodmorappe ang isang “moderno at sistematikong pagtataya ng mga di umano’y kahirapan ng pagpapatunay sa katotohanan ng Arko ni Noe (John Woodmorappe, “A Resource for Answering the Critics of Noah’s Ark,” Impact No. 273, March 1996. Institute for Creation Research, 30 January 2005 http://www.icr.org/pubs/imp/imp-273.htm). Inaangkin ni Woodmorappe na, pagkatapos ng maraming taon ng sistematikong pagsisiyasat sa mga katanungang ibinabato laban sa salaysay tungkol sa Arko ni Noe, “ang lahat ng mga argumentong ito ay natagpuang kulang. Sa katotohanan, ang karamihan ng mga argumento laban sa Arko ay mababaw lamang at napakadaling pabulaanan.”

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano pinagkasya ni Noe ang lahat ng mga hayop sa Arko?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries