settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sandali ng kamatayan ayon sa Bibliya?

Sagot

Sinasabi ng Bibliya na ang kamatayan ay hindi mahahadlangan ng walang banal na himala (Hebreo 9:27, 1 Corinto 15:22). Hindi malinaw na sinasabi kung kailan nagiging “opisyal” ang kamatayan. May ilang mga pangyayari na naibalik ang buhay ng mga dating wala ng pag-asang mabuhay. Humantong ito sa tanong na saan eksakto ang linya sa pagitan ng pagiging “buhay” at pagiging “patay.” Ito ay nagdulot ng mga pagtatalo kung maaaring medikal na buhay ang isang tao habang permanenteng umalis na ang kaluluwa at espiritu. Bihira ngunit nakakagulat ang ganitong mga pangyayari. Bagama’t nagbibigay ng patnubay ang kasulatan, hindi natin mahahanap ang ganap na mga tiyak na pamantayan para sa pagdedeklara kung isang tao ay tunay ng patay.

Mula sa pananaw ng Bibliya ang “tunay” na kamatayan ay nangyayari kapag umalis na sa pisikal na katawan ang kaluluwa at espiritu. Malinaw na hindi ito isang pangyayaring maaaring obserbahan sa mga mata o sukatin gamit ang mga medikal na kagamitan. Sa halip, ang isang biblikal na pamamaraan ay ang paghambingin ang mga pisikal na palatandaan sa mga gawain ng kaluluwa at espiritu. Kapag ang isang tao ay tila hindi na maibabalik ang mga gawaing iyon, makatuwiran na paniwalaan na patay na talaga ang isang tao.

Maraming halimbawa ng mga nasa coma o persistent vegetative state na gumaling at nagpapakita sila ng palatandaan ng kamalayan kahit na sa coma minsan. Sa Bibliya, hindi “tunay na patay” ang gayong mga tao. Sa espiritwal sila ay nasa isang katulad na kalagayan ng isang taong natutulog: Naroon ang kaluluwa ngunit hindi aktibo ang kamalayan sa paligid nito. Sa kabilang banda naman, ang mga nasuri na “brain dead” ay mukhang buhay na may mga selulang patuloy na gumagana ngunit huminto na ang kanilang utak at wala silang anumang kamalayan sa espiritu; samakatwid wala na ang kanilang kaluluwa o espiriru.

Itinuturing ng mga mediko ang kamatayan bilang isang proseso sa halip na isang sandali. Sa buong kasaysayan, iba-iba ang mga pagsukat na ginamit upang masuri ang kamatayan. Sa maraming panahon, itinuturing na litmus test para sa pagiging buhay ang paghinga. Ang mga tila hindi humihinga ay idinedeklara ng patay. Habang bumubuti ang mga kagamitang medikal, nabago ang pamantayan na ito sa pagtibok ng puso. Kaya’t posible ng sukatin ang paghinga, tibok ng puso, at aktibidad ng utak sa isang sukat na hindi lang base sa nakikita. Bilang resulta, nakikilala ng mga medikal na propesyonal ang mga pagkakaiba sa pagitan ng “clinical death,” “biological death,” at “legal death” depende sa paksa ng pag uusap.

Makatitiyak tayo na hindi na maaaring ibalik ng medisina o teknolohiya kapag nangyari na ang kamatayan. Kapag ang tao ay “tunay ng patay,” ganap na nakahiwalay sa katawan ang kanyang kaluluwa at espiritu. Ang paghihiwalay na iyon ay maaari lamang maibalik sa pamamagitan ng interbensyon ng Diyos sa isang tunay na himala. Kaya kapag ang mga tao ay nagsasalita na sila’y “naibalik” mula sa kamatayan sa isang ambulansya o “namatay na sa loob ng sampung minuto,” gumagamit sila ng salitang hindi ayon sa Bibliya. Sa ganitong mga sandali, napakalapit na sa kamatayan ng mga taong iyon ngunit hindi pa sila tunay na patay.

Kinikilala ng sangkatauhan ang pagiging kumplikado ng pagkilala kung kailan nangyayari ang tunay na kamatayan. Para sa nagmamasid, posible para sa isang tao na lumitaw na patay ngunit tunay pang buhay. Ang kamalayan na iyan ay makikita sa hula at mga himala sa Bibliya. Halimbawa, sadyang ipinagpaliban ni Jesus ang muling pagbuhay kay Lazaro hanggang sa ikaapat na araw pagkatapos ng kanyang kamatayan (Juan 11:17). Ang pagkaantala na ito ang hahadlang sa anumang posibleng pahayag na ito ay siang panlilinlang o nasa coma o natutulog lamang si Lazaro. Sa katunayan nang dumating si Jesus, nababahala ang pamilya na Lazarus tungkol sa amoy ng pagkabulok (Juan 11:39).

Gayundin, sinabi ni Jesus na mananatili Siya ng “tatlong araw at tatlong gabi” sa kanyang libingan dahil iyon ang kaugalian sa panahon ng paghihintay kung saan itinuturing na opisyal na ang kamatayan (Mateo 12:40). Hindi dahil ito ay kinakailangan - si Jesus ay pinatay ng mga mamamatay tao (Juan 19:13-18), sinaksak sa puso (Juan 19:33-34), at inilibing sa libingan na may mga guwardiyang sundalo (Mateo 27:62-65). Sa panahon ni Jesus, ang tatlong araw ay hindi dahilan ng patunay kundi “katunayan” ito ng katuparan ng kanyang hula.

Sa pangyayari kina Jesus, Lazaro at karamihan sa mga tao sa kasaysayan, ang pagtukoy sa eksaktong sandali ng kamatayan ay hindi kailangan - Sila’y tiyak na patay na. Ang mga debate tungkol sa kung kailan eksaktong nangyari ang kamatayan ay nababahiran ng isang napakaliit na “gray area” at hindi nauukol sa karamihan ng karanasan ng tao. May mga pagkakataon kung saan ang katawan ng isang tao ay nagpapakita ng mga palatandaan ng buhay ngunit may pag-aaalinlangan tungkol sa paggana ng utak. Ang mga nasa coma, vegetative state at “brain dead” ay umaabot sa kalagayang ito.

Para sa karamihan, ang mga nasa coma at vegetative states ay itinuturing pa rin na “buhay” kahit na limitado ang kamalayan. Ang pagpapahintulot sa tao na mamatay sa pamamagitan ng pag-alis ng suporta sa buhay o pagtigil sa pagaalaga ay tiyak na magdudulot ng paghihiwalay ng espiritu at kaluluwa sa katawan na magbubunga ng “tunay” na kamatayan. Ang isang brain dead sa kabilang banda ay nagpapakita na tila ang kanyang kaluluwa at espiritu ay umalis na sa kanyang katawan. Ang pag-alis ng mekanikal na suporta mula sa isang brain dead ay tila hindi magdudulot ng kamatayan sa biblikal na pakahulugan.

Dahil dito, maraming mga Kristiyano ang tutol na wakasan ang buhay ng tao na nasa coma o vegetative state. Sa mga kaso ng brain death, madalas na nahahati ang opinyon ng mga Kristiyano kung pahihintulutan sa isang tao na mamatay nang natural sa aspetong moral. Ang mga huling habilin o last will ay ginagawa para tugunan ang mga alalahaning katulad nito. Maliwanag na ang paksang ito ay maaaring magdulot ng malalim na pagkakaiba-iba ng opinyon. Kapag pinag-uusapan o pinagdedesisyunan ang ganitong paksa, dapat bigyang halaga ng mga kristiyano ang kabanalan ng buhay habang nagiging maawain at mapagpatawad sa iba.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries