settings icon
share icon
Tanong

Nararapat ba sa isang Kristiyano ang makipagtagpo (makipagdate) o mag-asawa ng hindi Kristiyano?

Sagot


Para sa isang Kristiyano, ang pagkikipagtagpo sa hindi Kristiyano ay hindi mabuti, at ang pag-aasawa ng hindi Kristiyano ay hindi nararapat. Ang 2 Corinto 6:14 ay nagsasabi na hindi tayo dapat “makipamatok sa mga di nagsisisampalataya.” Inilalarawan ng salitang "pamatok" ang dalawang baka na magkaiba ang taas na magkasamang nagtatrabaho gamit ang iisang pamatok. Sa halip na magkasamang magtrabaho upang hilahin ang karga, sila ay magtatrabaho ng magkasalungat sa isa't-isa. Bagama't hindi direktang binabanggit ang pag-aasawa sa mga talatang ito, ito ay malinaw na nagpapahiwatig patungkol sa pag-aasawa. Ipinapakita ng mga talatang ito na walang pagkakasundong magaganap sa pagitan ni Cristo at ni Belial (Satanas). Walang magiging pagkakasundo sa espirtwal sa pagitan ng mag-asawang Kristiyano at hindi Kristiyano. Patuloy na ipinapaalala ni Pablo sa mga mananampalataya na ang kanilang katawan ay ay templo ng Banal na Espiritu na nananahan sa kanilang puso noong sila ay naligtas (2 Corinto 6:15-17). Dahil dito, kailangan silang humiwalay mula sa sanlibutan - sila ay nasa sanlibutan ngunit hindi sila dapat na maging makasanlibutan - at walang relasyon na mas malapait sa isa't isa kaysa sa relasyon ng mag-asawa.

Ipinapahayag din ng Bibliya na, "Huwag kayong padaya: "Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali" (1 Corinto 15:33). Ang pagkakaroon ng malapit na kaugnayan sa isang hindi mananampalataya ay maaring makahadlang sa iyong paglakad sa pananampalataya kay Kristo. Tayo ay tinawag upang dalhin sa kristiyanismo ang mga naliligaw hindi para makiayon sa kanila. Walang masama sa pakikipagkaibigan sa mga hindi mananampalataya, subalit hindi na dapat na hihigit pa doon. Kung ikaw ay nakikipagtagpo sa isang hindi mananampalataya, ano ba dapat ang iyong inuuna, ang pakikipag-iibigan o pagdadala ng kaluluwa kay Cristo? Kung ikaw naman ay mag asawa sa isang hindi mananampalataya, paano mo malilinang ang espiritwal na aspeto ng inyong pagsasama? Paano ba maitatayo at mapapanatili ang maayos na pagsasama ng mag-asawa kung hindi kayo nagkakasundo sa pinakamahalagang paksa sa buong mundo - ang pananampalataya sa Panginoong Hesu Kristo!

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Nararapat ba sa isang Kristiyano ang makipagtagpo (makipagdate) o mag-asawa ng hindi Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries