settings icon
share icon
Tanong

Ang pagaasawa ba ay makakahadlang sa iyong relasyon sa Diyos?

Sagot


Ang isyu kung ang pagaasawa ba ay maaaring makahadlang sa paglilingkod ng isang tao sa Diyos ang tinalakay ni Pablo sa 1 Corinto 7. Sinabi niya na makabubuti para sa isang walang asawa na manatiling walang asawa. Ngunit nauunawaan ni Pablo na hindi para sa lahat ng tao ang pagkakaroon ng abilidad na umiwas sa mga tukso ng pagiging walang asawa (talata 7-9). Sinabi niya sa mga talatang 32 hanggang 35 na walang sagabal na makakapaglingkod sa Panginoon ang mga walang asawa dahil hindi nila kailangang pagukulan ng atensyon ang pagbibigay kasiyahan sa kanilang asawa. Ngunit sinabi rin ni Pablo na may asawa man o wala, dapat nating ituon ang ating atensyon sa paglilingkod sa Panginoong Hesu Kristo (talata 28-31).

Ngunit ang katotohanan na hindi lamang tinawag ni Hesus ang mga walang asawa, at ang pagpili kay Pedro na may asawa (Mateo 8:14) bilang isa sa Kanyang pinamalapit na alagad, ay nagpapahiwatig na ang pagkakaroon ng asawa ay hindi hadlang sa pagkakaroon ng malapit na kaugnayan kay Kristo. Gayundin naman, sa Lumang Tipan, may dalawang tao (maliban sa iba pa) na naging napakalapit sa Diyos. Ang isa ay si Daniel at ang isa ay si Moises. Ang isa ay walang asawa at ang isa naman ay may asawa. Kaya nga, ang pagkakaroon o wala ng asawa ay hindi pamantayan sa pagkakaroon ng malapit na relasyon sa DIyos.

Ang susi upang hindi maging hadlang ang pagkakaroon ng asawa sa isang malapit na kaugnayan sa Diyos ay ang pagaasawa ng isang babae o lalaki na “nasa Panginoon” (1 Corinto 7:39), o sa ibang salita ay “huwag makipamatok sa isang hindi mananampalataya” (2 Corinto 6:14) o pagaasawa ng hindi isang mananampalataya o isang mananampalataya na hindi kapareho ng iyong doktrinang pinaniniwalaan o hindi nagnanais na makapaglingkod kay Kristo. Kung ang isang mananampalataya ay magasawa ng isang “nasa Panginoon,” ipinangako ng Kasulatan na ang babae o lalaking iyon ay magiging isang mabuting kasama (Kawikaan 27:17; Mangangaral 4:9-12), at magiging katuwang at kalakasan mo sa iyong patuloy na paglakad na kasama ng Panginoong Hesu Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang pagaasawa ba ay makakahadlang sa iyong relasyon sa Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries