Tanong
Mayroon pa bang pagaasawa sa langit?
Sagot
Sinasabi sa atin ng Bibliya, "Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit." (Mateo 22:30). Ito ang sagot ni Hesus sa tanong sa Kanya ng mga Saduseo tungkol sa kung sino ang magiging asawa ng isang babae sa langit na nagasawa ng marami sa lupa - pagkatapos niyang mamatay (Mateo 22:23-28). Hindi ito nangangahulugan na hindi na magkakilala ang magasawa sa langit. Hindi rin ito nangangahulugan na hindi na magkakaroon ng malapit na kaugnayan ang mga tao sa langit. Ang sinasabi ng talatang ito ay hindi na magiging magasawa sa langit ang magasawa dito sa lupa.
Ang maaring dahilan kung bakit wala ng pagaasawa sa langit ay dahil hindi na ito kailangan doon. Nang itatag ng Diyos ang institusyon ng pagaasawa, ginawa Niya iyon upang katagpuin ang partikular na pangangailangan ng tao. Una, nakita Niya na nangailangan si Adan ng makakasama. "At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya" (Genesis 2:18). Si Eba ang solusyon sa kalungkutan ni Adan gayundin sa pangangailangan niya ng "makakatulong," o ng isang tao na mananatili sa kanyang tabi at makakasama niya sa kanyang buong buhay sa lupa. Ngunit wala ng kalungkutan sa langit o mangangailangan pa ang tao ng katulong doon. Tayo ay mapapalibutan ng malaking bilang ng mga mananampalataya at mga anghel (Pahayag 7:9), at kakatagpuin ng Diyos ang lahat ng ating mga pangangailangan, maging ang ating pangangailangan ng makakasama.
Ikalawa, ginawa ng Diyos ang pagaasawa na kasangkapan sa pagpaparami at sa pagpuno sa mundo samantalang sa langit ay hindi na kailangan ang pagpaparami. Ang mga pupunta sa langit ay makapupunta doon sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo; hindi na doon lilikha ng tao sa pamamagitan ng sekswal na pagpaparami. Samakatwid, wala ng layunin ang pagaasawa sa langit dahil wala na doong pagpaparami o maging ng kalungkutan man.
English
Mayroon pa bang pagaasawa sa langit?