settings icon
share icon
Tanong

Ano ang doktrina ng 'pagakyat ni Maria sa Langit'?

Sagot


Ang pag-akyat ni Maria sa langit (o ang pag-akyat sa langit ng birhen) ay ang katuruan na pagkatapos na mamatay ng ina na si Hesus na si Maria, siya ay nabuhay na mag-uli, niluwalhati ang katawan at dinala ang katawan sa langit. Ang salitang "assumption" ay mula sa salitang Latin na nangangahulugan na "iakyat." Ang pagakyat ni Maria sa Langit ay itinuturo ng simbahang Romano Katoliko at sa mas mababang antas, ng Eastern Orthodox Church.

Nag-ugat ang doktrinang ito sa panahon ng imperyo ng Byzantine noong ika anim na siglo. Ang taunang piyesta sa pag-alaala kay Maria ay unti unting naging pag-alaala sa kanyang kamatayan at tinawag na piyesta ng "Dormition" ("pagtulog"). Sa pagkalat ng pagdiriwang na ito sa kanluran, ang diin ay napatuon sa pagkabuhay na muli ni Maria at sa pagluwalhati sa kanyang katawan at sa kanyang kaluluwa. Ipinagdiriwang ang piyestang ito tuwing ika 15 ng Agosto, gaya ng pagdiriwang noong Middle Ages. Ang katuruan tungkol sa pag-akyat ni ni Maria sa langit ay naging opisyal na dogma ng Simbahang Romano Katoliko noong 1950 sa pamamagitan ni Papa Pio XII.

Itinala ng Bibliya ang "pagakyat" ni Enoch at Elias sa langit (Genesis 5:24; 2 Hari 2:11). Kaya nga hindi imposible para sa Diyos na gawin din ang gayon kay Maria. Ang problema, walang basehan sa Bibliya ang katuruang ito. Hindi itinala sa Bibliya ang kamatayan ni Maria o nabanggit man lang uli si Maria pagkarapos siyang banggitin sa Gawa kabanata 1. Sa halip, ang doktrina ng pag-akyat ni Maria sa langit ay bunga ng pagtataas ng tao sa posisyon ni Maria na gaya ng kanyang Anak. May ilang mga Romano Katoliko ang nagtuturo na si Maria ay nabuhay din sa ikatlong araw, gaya ni Hesus, at umakyat din sa langit gaya ni Hesus. Itinuturo ng Bibliya na nabuhay na mag-uli si Hesus sa ikatlong araw (Lukas 24:7) at umakyat ang kanyang katawan sa langit (Gawa 1:9). Ang isipin na ang mga nangyaring ito kay Hesus ay nangyari din kay Maria ay pagbibigay kay Maria ng katangian na mayroon si Kristo. Habang ang ideya ng pag-akyat ni Maria sa langit ay hindi heretikal sa kanyang sarili, sa Simbahang Katoliko Romano, ang pag-akyat ni Maria sa langit ay ang dahilan kung bakit siya sinasamba, pinagpipitaganan, pinararangalan at pinananalanginan ng mga Katoliko Romano. Ang pagtuturo tungkol sa pag-akyat ni Maria sa langit ay isang hakbang upang ipantay siya kay Kristo at sa gayon ay ituring din siya bilang isang Diyos na kailanman ay hindi itinuro ng Bibliya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang doktrina ng 'pagakyat ni Maria sa Langit'?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries