settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapaampon ng anak?

Sagot


Ang pagpapaampon ng anak ay isang mapagmahal na alternatibo ng mga magulang na dahil sa iba't ibang kadahilanan ay walang kakayahang magpalaki ng kanilang sariling mga anak. Ito rin ay maaaring sagot sa panalangin ng mga magasawa na walang kakayahang magkaroon ng kanilang sariling anak. Ang pagampon ng bata para sa iba ay isang tawag ng Diyos upang ipakita ang kanilang magandang patotoo sa pagpaparami ng kanilang sariling pamilya sa pamamagitan ng pagpapalaki ng mga bata na hindi nila sariling anak. Ang pagaampon ay tinatalakay sa buong Bibliya at pinapaboran ng Kasulatan.

Isinalaysay sa aklat ng Exodo ang kuwento ng isang babaeng Hebreo na nagngangalang Jochebed na nanganak ng isang lalaki noong panahon na iniutos ng Paraoan, ang hari ng Ehipto na patayin ang mga batang lalaki pagkasilang pa lamang (Exodo 1:15-22). Kumuha si Jochebed ng isang basket, nilagyan iyon ng alkitran upang hindi lumubog at ipinasok doon ang kanyang sanggol at ipinaanod sa ilog. Nakita ng isa sa mga anak ng Hari ang basket at ipinakuha ang batang laman niyon. Sa huli ay inampon niya ang bata at ibinilang na kasama sa kanyang maharlikang pamilya. Ang bata ay pinangalanan ng Moises at naging isang tapat at pinagpalang lingkod ng Diyos (Exodo 2:1-10).

Sa aklat ng Esther, isang magandang batang babae na nagngangalang Esther ang inampon ng kanyang pinsan ng mamatay ang kanyang mga magulang. Naging reyna si Esther at ginamit Siya ng Diyos upang iligtas ang kanyang mga kababayan. Sa Bagong Tipan, si Hesu Kristo ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na espiritu sa halip na sa pamamagitan ng binhi ng tao (Mateo 1:18). "Inampon" at pinalaki siya ni Jose, ang asawa ng kanyang ina at itinuting na katulad sa isang tunay na anak.

Nang ibigay natin ang ating mga puso kay Hesus, nanampalataya at nagtiwala sa Kanya lamang para sa ating kaligtasan, sinabi ng Diyos na tayo ay nakabilang sa Kanyang sariling pamilya - hindi sa pamamagitan ng normal na proseso ng pagsilang, kundi sa pamamagitan ng pagaampon. "Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop (pagampon), na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama" (Roma 8:15). Ang pagbilang sa isang tao sa isang pamilya sa pamamagitan ng pagampon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpili dahil sa pag-ibig. "Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban" (Efeso 1:5). Inampon ng Diyos ang mga tumanggap kay Krsito bilang tagapagligtas sa Kanyang espiritwal na pamilya kaya nararapat na ikunsidera natin kung mayroon tayong kakayahan na makapag ampon din ng mga bata sa ating sariling pisikal na pamilya.

Malinaw na ang pagaampon - sa pisikal at espiritwal na aspeto - ay pinapaboran sa Kasulatan. Ang nagampon at ang inampon ay parehong nakatanggap ng malaking pagpapala at isang pribiliheyo na resulta ng pagampon sa atin sa pamilya ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapaampon ng anak?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries