Tanong
Bakit usong-uso ang pagdududa sa relihiyon sa ating panahon?
Sagot
Hindi dapat ipagkamali ang pagdududa sa relihiyon sa ateismo o kawalan ng relihiyon bagama’t maituturing na isang uri ng pagdududa sa relihiyon ang ginagawa ng mga ateista (mga taong hindi naniniwala sa Diyos). Maaaring ang isang taong nagdududa sa relihiyon ay isang simpleng tao na may seryosong pagdududa sa relihiyon o isang taong ayaw sumali at magtalaga ng sarili sa relihiyon. Ang totoo, hindi na bago ang pagdududa sa relihiyon. Si Nataniel (Juan 1:45–47) at Tomas (Juan 20:25) ang dalawa sa mga alagad ni Kristo, ang halimbawa ng mga taong nagkaroon ng pagdududa, hindi lamang sa relihiyon kundi kay Kristo mismo. Ngunit sa panahon ngayon, tila parami ng parami ang nagdududa sa relihiyon.
Maraming dahilan sa pagsulong ng pagdududa sa relihiyon. Kultura ang unang dahilan. Sa loob ng mahigit na isanlibong taon, Kristiyanismo ang sistema ng relihiyon sa kultura sa mga kanlurang bansa; itinuturo at iginagalang ang maka-Hudyo-Kristiyanong pananaw sa mundo kahit na hindi laging isinasapamuhay. Nagsimula itong magbago noong unang bahagi ng 1700 (kilala sa tawag na panahon ng Katwiran) at nagpatuloy sa panahon ng Industriya (Industrial Age), isang panahon na walang nakikitang hadlang sa pagunlad ang mga tao. Sa isang banda, ang pagbabago sa kultura ang nagpabilis sa moderno at ngayo’y panahong postmodern, sa paggkakaroon ng maraming iba’t ibang kultura at kaisipan.
Isinulat ni David Kinnaman, presidente ng grupong Barna sa kanyang aklat na unChristian:What a new Generation Really Thinks About Christianity . . . and Why It Matters, “’Maraming kabataan ang nagsasabi na kumplikado ang buhay - at mahirap na malaman kung paano tayo mamumuhay dahil sa napakaraming impormasyon, pangmundong pananaw, at pagpipilian na kanilang kinakaharap sa araw- araw. Ang isa sa partikular na kritisismo na ginagamit ng mga kabataan tungkol sa Kristiyanismo ay hindi ito diumano nagaalok ng malalim, maingat at mapanghamong sagot sa buhay sa isang kumplikadong kultura.” Sa ibang salita, nakikita nila na napakasimple ng sagot ng Bibliya sa mga katanungan tungkol sa mga isyung pagkultura. Napaka sopistikado ng sosyedad upang bigyang pa nsin ang mga makalumang kaisipan ng Bibliya. Tinatanggihan nila ang pangunahing sagot ng Bibliya na “dahil sinabi ng Bibliya…” at nabigo silang makita - o hindi sila naturuan - na may malalalim na dahilan sa likod ng mga itinuturo ng Bibliya.
Ang isa pang dahilan sa pagdududa sa relihiyon ay may kinalaman sa mga nagsasanay ng relihiyon. May mga relihiyosong tao na imoral, hindi tapat o simpleng masamang tao. Nakalulungkot na may mga nagdududa dahil nagkaroon ng masamang karanasan sa relihiyon sa kanilang nakalipas. Ayon sa grupong Barna, ang pinakamalaking dahilan ng mga Millennials (ang mga ipinanganak sa pagitan ng 1985 at 2002)sa pagdududa sa relihiyon sa Estados Unidos ay ang personal nilang interaksyon sa mga “Kristiyano” na hindi naman talaga totoong Kristiyano. Maraming mapagpaimbabaw ang dahilan kung bakit marami ang natisod sa Kristiyanismo at tumalikod sa pananampalataya sa Kanluran. Anumang paguugali at gawain na salungat sa itinuturo ni Kristo sa buhay ng mga nagpapanggap na mananampalataya ay dahil sa kawalan ng personal na relasyon sa Diyos. Tinawag tayo upang maging katulad ni Kristo. Ngunit maraming “Kristiyano” ang nakatuon sa kawalang katarungan ng kultura kaysa sa kawalang katarungan ng kanilang puso. Hindi sila namumuhay ayon sa sinasabi ng Galacia 2:20, “Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin.…” Sinasalungat ng isang ipinakong kasama ni Kristo ang pagpapaimbabaw.
Ang isa pa sa mga dahilan ng pagdududa ng tao sa relihiyon ay ang labis na pagtitiwala sa pakiramdam at karanasan. Likas na pagdududahan ng mga taong gagawin ang lahat upang mapatunayan ng walang kahit anong pagdududa ang mga bagay na espiritwal na hindi kayang pagaralan, himayin o subukin sa isang laboratoryo. Sa kabalintunaan, maraming mapagduda sa relihiyon ang tinatanggap ang teorya ng ebolusyon na gaya ng Ebanghelyo na hindi rin naman napatunayan pa, habang tinatanggihan ang mga patotoo ng mga saksi sa mga himala ni Hesus na nakatala sa mga Ebanghelyo.
Maaari ding dahilan ng pagdududa sa relihiyon ang pagnanasa ng tao na bigyan ng kunsiderasyon ang lahat ng relihiyon— o ang pagtataka sa nagsasalungatang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon. May ilang grupo na iba ang sinasabi tungkol kay Hesus, ang iba namang grupo ay sumasalungat sa katuruan ng grupong iyon tungkol kay Hesus. May mga grupo na naniniwala na si Hesus ay isang kahanga-hangang guro, o kaya naman ay isang pilosopiya lamang o isang bato na may kakatwang hugis. Sapat na ito upang magduda kahit kaunti ang isang tao. Dagdag pa sa kaguluhang ito ang pagtanggap ng nakararami sa relatibismo sa panahong postmodern, kaya nga hindi nakakagulat na napakaraming tao ang nagdududa sa relihiyon sa panahong ito.
Ang mga pagdududa na base sa karunungan, sa ganang sarili, ay hindi masama. Sa totoo, isang mabuting bagay ang isang malusog na pagdududa — dapat tayong maging maingat sa mga maling katuruan at pinaalalahanan tayo na “huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu” (1 Juan 4:1). Kasama sa isang malusog at tumatagal na pananampalataya ang pahintulot na magtanong at humanap ng kasagutan. Kayang sagutin ng Salita ng Diyos ang anumang pagsisiyasat at hindi dapat na ituring ang pagdududa na katumbas ng hindi paniniwala. Tinawag tayo ng Diyos “na lumapit …at makipagkatwiranan sa Kanya” (Isaias 1:18).
Kailangan nating “magsilakad na may karunungan sa nangasa labas…” (Colosas 4:5; tingnan din ang 1 Tesalonica 4:12 at 1 Timoteo 3:7), at makipagusap sa mga nagdududa upang magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa katotohanan. Sinabi ni Apostol Pedro, “Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso at lagi kayong maging handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo…” (1 Pedro 3:15a). Agad niya itong sinundan ng isang utos na may kasamang tagubilin kung paano makikipagusap sa mga nagtatanong: “nguni't sa kaamuan at takot: Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo” (1 Pedro 3:15–16). Mahalaga ang pagpapakumbaba at paggalang sa pakikipagusap sa mga mapagduda sa ating panahon. English
Bakit usong-uso ang pagdududa sa relihiyon sa ating panahon?