Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghuhugas ng paa?
Sagot
Nang panahong isinulat ang Bibliya, ang maalikabok at maruming kundisyon ng rehiyon sa Gitnang Silangan ang dahilan sa likod ng kultura ng pagsusuot ng sandalyas at paghuhugas ng mga paa. Bagama't maaaring masiyahan ang mga apostol sa paghuhugas sa mga paa ng Panginoong Jesu Cristo, hindi nila naisip na maghugasan ng paa ng isa't isa. Ito ay dahil sa kanilang kultura ng panahong iyon, ang paghuhugas ng mga paa ay ginagawa lamang ng pinakamababang uri ng alipin. Hindi naghuhugasan ng paa ang magkakapantay ang katayuan sa lipunan maging ang magkakaibigan, maliban na lamang sa napakabihirang pagkakataon bilang tanda ng dakilang pag-ibig. Sinabi ni Lukas na nagtatalo-talo noon ang mga apostol kung sino sa kanila ang pinakadakila (Lukas 22:24), isang saloobin na hindi magtutulak sa sinuman upang magpakababa at maghugas ng paa ng kapwa. Nang lumuhod si Jesus para hugasan ang kanilang mga paa, namangha sila (tingnan din ang Juan 13:1-16). Nagsilbi ding simbolo ang ginawa ni Jesus sa espiritwal na paglilinis (Juan 13: 6-9) at isang modelo ng pagpapakumbabang Kristiyano (Juan 13: 12-17). Sa pamamagitan ng paghuhugas ni Jesus sa mga paa ng mga apostol, itinuro ni Jesus ang isang aral tungkol sa pagsasakripisyo at paglilingkod na lubos Niyang ipinakita sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus.
Ang paghuhugas ng paa ay isang halimbawa, o isang modelo. Maraming grupo sa buong kasaysayan ng iglesya ang nagsanay ng literal na paghuhugas ng paa bilang isang ordinansa. Gayunman, sa kultura sa kasalukuyan sa maraming bansa, hindi sinasanay ang paghuhugas ng paa ng kanilang mga bisita. Bagama't sinanay ang pagkain ng huling hapunan, hindi sinanay ng unang iglesya ang paghuhugas ng paa bilang isang ordinansa.
Ang paghuhugas ni Jesus sa mga paa ng mga apostol ay nagbibigay diin sa panloob na kapakumbabaan, hindi isang ritwal. Ang pagsasanay ng isang babaeng balo ng "paghuhugas ng mga paa ng mga banal" (1 Timoteo 5:10) ay nagpapakita hindi ng kanyang pakikilahok sa isang ordinansa ng iglesya kundi ng kanyang mapagpakumbabang paglilingkod na gaya ng isang alipin sa ibang mananampalataya. Ang hindi pagsunod sa halimbawa ni Jesus ay pagtataas sa sarili ng higit sa Kanya at pamumuhay sa pagmamataas. Sinabi ni Jesus, "Walang alipin na mas dakila kaysa sa Kanyang Panginoon" (Juan 13:16).
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghuhugas ng paa?