Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging mananampalataya habang nalalapit ang kamatayan?
Sagot
Ang pinaka-kilalang tao sa Bibliya na naging mananampalataya habang nalalapit ang kamatayan ay ang kriminal na nakapakong katabi ni Kristo sa krus (Lukas 24:39-43). Ilang sandali na lamang bago ang kanyang kamatayan, ang magnanakaw na ito ay dating hindi mananampalataya kay Kristo (Mateo27:44). Ngunit sa huling sandali, nagsisi siya at kinilala si Hesus bilang hari ng kalangitan, at ipinangako sa kanya ng Panginoon, "Ngayundin kakasamahin kita sa paraiso."
Bagamat ang kuwento ng buhay ng kriminal sa krus ay nagpapakita na posible ang pagiging isang mananampalataya sa huling sandali ng buhay ng tao, binabalaan tayo ng Bibliya na magsisi na ngayon at hindi na dapat pang maghintay ng huling sandali. Nagbabala si Juan Bautista, "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!" (Mateo 3:2). Pareho din ang mensahe ni Hesus tungkol sa pangangailangan ng agad agad na pagsisisi (Mateo 4:7).
Binalaan tayo ng Bibliya tungkol sa kaiksian ng buhay, "Sapagkat ang buhay ninyo'y parang aso---sandaling lumilitaw at pagdaka'y nawawala" (Santiago 4:14). Tinuruan tayo na manampalataya na ngayon din "Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag maging matigas ang inyong ulo." (Hebreo 4:7). Walang isa man sa atin ang nakaaalam kung ilang araw, buwan ot taon na lamang ang natitira sa ating buhay sa mundo at sa kung paanong paraan tayo mamamatay. Maaari tayong mamatay ng biglaan, sa isang hindi inaasahang pangyayari na hindi na magiging posible ang pagsisisi. Ang tanging pagpipilian ay ang magsisi at manampalataya na kay Hesus ngayon. "Sapagkat sinasabi niya: "Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, Sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita." Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas!" (2 Corinto 6:2).
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging mananampalataya habang nalalapit ang kamatayan?