settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin na ang impiyerno ay walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos?

Sagot


Napakaliwang ng katuruan ng Bibliya na may dalawang posibleng destinasyon lamang para sa bawat tao pagkatapos ng pisikal na kamatayan: langit o impiyerno (Mateo 25:34, 41, 46; Lukas 16:22–23). Tanging ang mga matuwid lamang ang magmamanan ng buhay na walang hanggan, at ang tanging daan upang maituring na matuwid sa harapan ng DIyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo (Juan 3:16–18; Roma 10:9). Ang mga kaluluwa ng mga namatay na matuwid ay direktang pumupunta sa presensya ng Diyos sa langit (Lukas 23:43; 2 Corinto 5:8; Filipos 1:23).

Para sa mga tumanggi kay Hesu Kristo bilang kanilang tanging Tagapagligtas, ang kamatayan ay nangangahulugan ng walang hanggang kaparusahan (2 Tesalonica 1:8–9). Ang kaparusahang ito ay inilarawan sa iba't ibang paraan: isang lawang apoy (Lukas 16:24; Pahayag 20:14–15), kadiliman (Mateo 8:12), at isang bilangguan (1 Pedro 3:19) at iba pa. ang lugar na ito ng kaparusahan ay walang hanggan at hindi nagwawakas (Judas 1:13; Mateo 25:46). Wala ding suporta mula sa Bibliya ang katuruan na may tsansa pa para magsisi angmga taong namatay. Malinawag sa Hebreo 9:27 na ang bawat taong namamatay sa pisikal ay huhukuman pagkatapos. Ang mga Kristiyano ay hinatulan na at nasentensyahan na. Inako ni Hesus sa Kanyang sarili an gating sentensya. Naging Kanya ang ating kasalanan at ang Kanyang katuiran ay naging atin ng sumampalataya tayo sa Kanya. Dahil pinagduhsahan Niya an gating mga kasalanan. Hindi tayo dapat matakot na muling mahiwalay sa Kanya (Roma 8:29–30). Hindi pa nagaganap ang paghuhukom para sa mga hindi mananampalataya.

Sinasabi sa ikalawang Tesalonica 1:8–9, "Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan." Ang pagdurusa sa impiyerno ay hindi lamang pagpaparusa sa pisikal, kundi ang pagdurusa dahilan pagkahiwalay sa lahat ng pinanggalingan ng kasiyahah, Ang Diyos ay pinagmumulan ng lahat ng mga bagay (Santiago 1"17). Ang maputol ang kaugnayan sa Kanya ay ang pagkawala ng lahat ng anumang bagay na mabuti. Ang ipiyerno ay isang lugar ng walang hanggang pagkakasala; ngunit ang mga naroroon ay may buong pangunawa sa parusa sa kasalanan. Hindi doon matatapos ang panghihinayang, kahihiyan at paguusig, gayunman, kasabay ng kumbiksyon na makatarungan lamang ang kaparusahan ng Diyos.

Hindi na magkakaroon pa ng pandaraya tungkol sa "kabutihan ng tao." Ang mahiwalay sa Diyos ay walang hanggang hindi masilayan ang liwanag (1 Juan 1:5), pag-ibig (1 Juan 4:8), kagalakan (Mateo 25:23), at kapayapaan (Efeso 2:14) dahil ang DIyos an pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay na ito. Ang anumang kagutihan na ating natutunghayan sa sangkatauhan ay anino lamang ng karakter ng Diyos, kung kaninong wangis tayo nilikha (Genesis 1:27).

Habang makakasama ng Diyos sa isang perpektong kalagayan ang mga taong isinilang na muli sa espiritu sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng Diyos (1 Juan 3:2), ang kabaliktaran naman ang mangyayari sa mga taong nasa impiyerno. Walang anumang kabutihan ng Diyos ang mananatili sa kanila. Anumang mabuti na inakala nilang mayroon sila habang nasa lupa ay ipapakilalang makasarili, puno ng masamang pagnanasa at pagsamba lamang sa diyus diyusan (Isaias 64:6). Ang ideya ng tao patungkol sa kabutihan at masusukat laban sa perpeksyon ng kabanalan ng Diyos at matatagpuang kapos. Ang mga nasa impiyerno ay mawawalan ng tsansang makita ang Diyos ng mukhaan, marinig ang Kanyang tinig, maranasan ang Kanyang kapatawaran at masiyahan sa Kanyang pakikisama. Ang mahiwalay ng walang hanggan sa Diyos ang pinakamalaking kaparusahan para sa sangkatauhan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin na ang impiyerno ay walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries