settings icon
share icon
Tanong

Kakain pa ba tayo sa langit?

Sagot

Marami ang nagtatanong kung kakain pa ba tayo sa langit dahil bukod sa kinakailangan ang pagkain para mabuhay, masarap itong gawin! Dahil masarap kumain, marami ang naniniwala na kung ano ang masayang gawin dito sa mundo (gaya ng pakikipagtalik, relasyong pampamilya, etc.) ay likas ding mararanasan sa langit. Bagama't hindi nagbibigay nang detalyadong sagot ang Bibliya tungkol sa kung kakain pa ba tayo sa langit, may ilang bagay tayong makikita sa Bibliya tungkol dito.

Mapapansin natin na noong ipinagdiwang ng Panginoong Jesus ang Paskuwa kasama ng Kaniyang mga alagad bago ang Kaniyang pagkakapako sa krus, tinalakay Niya ang pagkain at pag-inom sa Kaharian, "Tandaan ninyo: hinding-hindi na ako muling iinom pa ng katas ng ubas hanggang sa araw na inumin kong panibago sa kaharian ng Diyos."(Marcos 14:25). Makikita natin dito ang pananaw ng paghahari ni Jesus dito sa lupa sa loob ng isang libong taon, at sa paghaharing iyon, lahat ng Kanyang tagasunod ay nakatanggap na ng katawang panlangit. Naipakikita rito na tayo ay kakain at iinom sa loob ng isang Iibong taon ng paghahari ni Cristo habang tayo ay nasa katawang panlangit na. Paano nama naman kaya sa kaharian sa langit?

Nang binigyan si Apostol Juan ng pangitain patungkol sa Bagong Jerusalem, pinakita sa kanya, "ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, at umaagos sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay ang punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ito'y namumunga ng labindalawang (12) uri ng bunga, isang uri sa bawat buwan. Nakapagpapagaling sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito. Wala roong makikitang anumang isinumpa ng Diyos...(Pahayag 22:1-3). Hindi sinasabi ng talata na kakainin natin ang bunga ng Puno ng Buhay pero ito ay posible.

Kung tayo ay kakain sa langit, hindi natin alam kung ano ang pagkain natin doon, bagaman naimungkahi na ang posibleng kakainin natin ay tulad nang kinain nila Ada at Eba bago ang kanilang pagsuway. “Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo" (Genesis 1:29).

Sa huli, hindi talaga natin alam kung ano ang kakainin natin o kung kakain ba tayo sa langit. Bilang mga mananampalataya, "Hindi pa lubos ang ating kaalaman..."(1 Corinto13:9). Ang kagalakan na makasama natin magpakailanman ang Tagapagligtas na Siya ring Tinapay na Nagbibigay-buhay ay higit sa ating limitadong pang-unawa, dahil "hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y magiging katulad Niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga Siya. Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay nagsisikap na maging malinis tulad niyang malinis" (1 Juan 3:2-3).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Kakain pa ba tayo sa langit?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries