Tanong
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng ‘kaharian ng Diyos’ at ‘kaharian ng Langit?’
Sagot
Habang may mga naniniwala na ang dalawang pariralang ‘kaharian ng Diyos’ at ‘kaharian ng Langit’ ay tumutukoy sa magkaibang bagay, malinaw na ang dalawang parirala ay tumutukoy sa parehong bagay. Ang pariralang ‘kaharian ng Diyos’ ay ginamit ng 68 beses sa sampung (10) magkakaibang salin ng Bagong Tipan, habang ang ‘kaharian ng Langit’ ay ginamit naman ng may 32 beses lamang at sa Ebanghelyo lamang ni Mateo. Base sa eksklusibong paggamit ni Mateo ng pariralang ito at ang maka-Hudyong kalikasan ng Ebanghelyo, may mga dalubhasa sa pagpapaliwanag ng Bibliya na nagbigay ng kanilang konklusyon na ang tinutukoy ni Mateo ay ang isang libong taon ng paghahari ni Hesus sa lupa habang tinutukoy naman ng ibang mga manunulat ng Bagong Tipan ang tungkol sa pangkalahatang kaharian ng Diyos. Gayunman, ipinakikita ng isang masusing pagaaral na mali ang interpretasyon sa paggamit ng pariralang ito.
Halimbawa, habang nakikipagusap sa isang binatang mayaman, parehong ginamit ni Hesus ang pariralang “kaharian ng Diyos at ‘kaharian ng Langit.’ “At sinabi ni Hesus sa kaniyang mga alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo, mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit” (Mateo 19:23). Sa sumunod na talata, sinabi ni Hesus, “At muling sinasabi ko sa inyo, magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios” (v. 24). Hindi itinuring ni Hesus na magkaiba ang dalawang terminolohiya sa halip itinuring Niya silang magkapareho.
Ginamit ni Markos at Lukas ang pariralang ‘kaharian ng Langit’ kung saan ginamit naman ni Mateo ang pariralang ‘kaharian ng Diyos’ ng malimit sa magkakatulad na salaysay ng magkakaparehong talinghaga. Ikumpara ang Mateo 11:11-12 sa Lukas 7:28; Mateo 13:11 sa Markos 4:11 at Lukas 8:10; Mateo 13:24 sa Markos 4:26; Mateo 13:31 sa Markos 4:30 at Lukas 13:18; Mateo 13:33 sa Lukas 13:20; Mateo 18:3 sa Markos 10:14 at Lukas 18:16; at Mateo 22:2 sa Lukas 13:29. Sa bawat pagkakataon, ginamit ni Mateo ang pariralang ‘kaharian ng langit’ habang ginamit namani Markos at Lukas ang pariralang ‘kaharian ng Diyos.’ Malinaw na ang dalawang parirala ay may parehong kahulugan.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng ‘kaharian ng Diyos’ at ‘kaharian ng Langit?’