Tanong
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pakikipagtagpo at panliligaw?
Sagot
Ang pakikipagtagpo at panliligaw ay dalawang paraan sa paguumpisa ng relasyon ng dalawang tao na magkaiba ang kasarian. Habang may mga hindi mananampalataya na nakikipagtagpo dahil sa intensyon na magkaroon ng sekswal na ugnayan sa isang tao, hindi ito katanggap tanggap para sa mga Kristiyano at hindi ito ang nararapat na dahilan ng pakikipagtagpo. Maraming Kristiyano ang itinuturing na isang uri ng pakikipagkaibigan ang pakikipagtagpo at pinananatili ang pagiging magkaibigan hanggang pareho na silang handa na magtalaga ng kanilang sarili sa isa’t isa sa pagharap sa altar. Una at nararapat na ang pakikipagtagpo ay isang panahon ng pagkilala kung ang isang potensyal na kasama sa buhay ay isang tunay na nananampalataya kay Kristo. Binalaan tayo ng Bibliya na hindi dapat magasawa ang isang mananampalataya ng isang hindi mananampalataya dahil ang namumuhay sa liwanag (kay Kristo)ay hindi maaaring mamuhay na kasama ng isang namumuhay sa kadiliman (kay Satanas) (2 Corinto 6:14-15).Gaya ng nasabi na, sa panahong ito dapat na walang magaganap na sekswal na ugnayan dahil ito ay isang bagay na dapat hintayin pagkatapos ng kasal (1 Corinto 6:18-20).
Sa proseso ng pagliligawan, ang dalawang tao ay walang kahit na anong pisikal na kontak (walang pagdidikit ng katawan, walang hawakan ng kamay, walang halikan at iba pa) hanggat hindi sila nagiging magasawa. Marami sa may ganitong uri ng relasyon ay hindi lumalabas na magkasama sa lahat ng oras malibang kasama ang ibang miyembro ng pamilya, o ang kanilang mga magulang. Gayundin naman, ang dalawang taong nasa proseso ng pagliligawan ay malinaw na ipinahahayag ang intensyon ng bawat isa na kinikilala kung nababagay sila sa isa’t isa bilang magasawa. Pinanghahawakan ng mga naniniwala sa panliligaw na maaari nilang makilala ng malalim ang bawat isa ng walang pisikal na ugnayan at emosyon na maaaring makaapekto sa kanilang pagkilala sa bawat isa.
May mga problemang kalakip ang parehong istilo. Para sa mga nakikipagtagpo, ang paggugol ng panahon na kasama ang nagugustuhan ay maaaring magprisinta ng mga tukso na mahirap na mapaglabanan. Dapat silang magtakda ng hangganan at italaga ang sarili na huwag gagawa ng bagay na salungat sa kanilang pinagkasunduan. Kung mahirap ito para sa kanila, dapat silang gumawa ng mga hakbang upang matiyak na si Kristo ang lagi nilang mabibigyang kaluguran sa panahon ng kanilang pagtatagpo at hindi dapat na magkaroon ng pagkakataon na makasingit ang kasalanan sa kanilang relasyon. Gaya ng mga Kristiyano na ang piniling paraan ng pagkilala sa bawat isa ay pagliligawan, ang mga magulang ay dapat na sangkot sa kanilang relasyon at dapat na nakikilala din ng mga magulang kung sino ang magiging kasama ng kanilang anak upang makapagpayo sila at makapagbigay ng kanilang saloobin sa bawat isa.
Mayroon ding kahirapan na kinakaharap ang mga pinili ang proseso ng pagliligawan sa pagkilala sa isa’t isa. Habang may mga naniniwala na ito ang tanging tamang paraan upang makahanap ng angkop na makakasama sa buhay, may mga naniniwala naman na ito ay maaaring maging mapagmanipula. Bilang karagdagan, maaaring maging mahirap na makilala ang totoong pagkatao at paguugali ng isang tao sa likod ng mukhang inihaharap nito sa publiko at sa mga kapamilya. Walang tao na pareho ang paguugali kung kasama ng karamihan at kung kasama ng isang tao lamang. Kung hindi nagkakaroon ng pagkakataong mapagisa ang dalawang tao, wala silang pagkakataon na makilala at maging malapit sa isa’t isa sa emosyonal at espiritwal na aspeto. Gayundin naman, may ilang sitwasyon ng pagliligawan na nagbunga sa tila “isinaayos na pagaasawa” ng mga magulang at maaaring magbunga sa pagsisisi ng dalawang kabataan pagkatapos ng kasalan.
Mahalagang tandaan na wala sa alinmang istilo, ang pakikipagtagpo man o pagliligawan ang iniuutos sa Kasulatan. Sa huli, ang karakter at espiritwal na kalaguan ng dalawang tao ang higit na mahalaga kaysa sa kung paano nila kinilala ang bawat isa at kung paano sila naggugol ng panahon na magkasama. Kung paguusapan ang Kasulatan, ang resulta ng proseso ay isang makadiyos na lalaki at babae na nagtalaga ng sarili sa isa’t isa na magtatayo ng pamilya para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ito ang higit na mahalaga kaysa sa pamamaraan kung paano sila humantong sa pagaasawa (1 Corinto 10:31).
Sa huli, dapat tayong maging maingat sa pahusga sa personal na pagpili ng isang tao kung pakikipagtagpo ba o panliligaw ang tama o tanging paraan para sa kanila. Ang ganitong pagpapalagay ay nagreresulta sa mababang pagtingin sa mga taong pinili ang kasalungat ating sariling pagpili. Sa mga isyu na walang direktang itinuturo ang Bibliya, ang pagkakaisa ng Iglesya ang dapat na maging pangunahin nating layunin anumang istilo ng pagkilala sa mapapangasawa ang piliin ng iba.
English
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pakikipagtagpo at panliligaw?