settings icon
share icon
Tanong

Ano ang angkop na pamantayan ng magkasintahan sa pagiging malapit sa sa isa't isa bago mag-asawa?

Sagot


Ipinahahayag sa atin sa Efeso 5:3, "Ngunit ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman ay huwag man lamang masambit sa inyo"sapagkat hindi ito nararapat sa mga banal" Ano mang bagay na "nagpapahiwatig" ng sekswal na imoralidad ay hindi nararapat sa isang Kristiano. Hindi nagbigay sa atin ang Bibliya ng direktang listahan na "nagpapahiwatig" ng sekswal na imoralidad o mga gawain ng magkapareha na pinahihintulutan o hindi pinahihintulutan bago sila maging ganap na mag-asawa. Gayon pa man, hindi dahil direktang tinutukoy ang isyung ito ng Bibliya ay hindi ito nangangahulugan na pinapayagan ng Diyos ang mga "sekswal na kasalanan bago magtalik" para sa hindi pa ganap na mag-asawa. Ang "foreplay" o gawain bago magtalik ay inilaan upang ihanda ang kapareha sa pagtatalik. Ang "foreplay" o malaswang gawain bago magtalik ay dapat na nakatakda lamang para sa mag-asawa. Sa anumang paraan gawin ang "foreplay," ito ay dapat na iwasan hanggang maging ganap na mag-asawa ang magkasintahan.

Kung may pangamba kung ang isang gawain ay hindi pa nararapat sa hindi pa mag-asawa, ito ay kailangang iwasan (Roma 14:23). Ang foreplay, petting at mga gawain bago ang aktwal na pagtatalik ay nakatakda lamang para sa mag-asawa. Ang magkaparehang hindi mag-asawa ay dapat iwasan ang ano mang gawain na magtutulak sa kanila sa pagtatalik gaya ng mga nabanggit. Maraming mga pastor at mga Kristiyanong tagapayo ang mariing itinuturo na hindi dapat hihigit sa hawakan ng kamay, kaswal na yakap at simpleng halik bago magpakasal ang magkapareha. Habang ang magkapareha na nakatakdang magpakasal ay iniingatang malinis ang sarili para sa isa't-isa, mas natatangi at kakaiba ang kaugnayang sekswal pagkatapos na sila ay ikasal bilang mag-asawa.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang angkop na pamantayan ng magkasintahan sa pagiging malapit sa sa isa't isa bago mag-asawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries