settings icon
share icon
Tanong

Pagkilala kay Jesus laban sa kaalaman tungkol kay Jesus—ano ang pagkakaiba?

Sagot


Maaari tayong matulungan ng mga websites at magasin para sagutin ang tanong na ito. Ang mga tagahanga ng mga artista sa pelikula o telebisyon, mga musikero, o mga sikat sa larangan ng palakasan ay gumugugol ng pera at panahon para makakuha ng impormasyon, larawan at kahit kaunting balita tungkol sa kanilang hinahangaang artista o personalidad. Pagkatapos na magbasa ng mga babasahin, nararamdaman ng mga tagahanga na tunay na kilala na nila ang kanilang paboritong artista. Ngunit totoo nga bang kilala nila sila? Maaaring malaman nila ang ilang mga bagay tungkol sa kanilang artistang hinahangaan. Maaari nilang malaman ang kanilang kaarawan, paboritong kulay at kung ano ang alagang hayop, ngunit kung makikita kaya nila ang kanilang hinahangaang artista ng mukhaan, ano ang sasabihin ng mga ito sa kanila? Totoo bang kilala ng mga tagahanga ang kanilang mga iniidolo?

Sinagot ni Jesus ang katanungang ito sa Mateo 7:21–23: "Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, 'Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?' Ngunit sasabihin ko sa kanila, 'Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!'" May mga tao noong panahon ni Jesus na inaakala na kaibigan nila si Jesus dahil alam nila ang Kautusan, gumawa sila ng mga istriktong pamantayan para sa kanilang sarili (at para sa iba), at nakinig sa Kanyang pagtuturo. Sinundan nila Siya, hinangaan ang Kanyang mga himala at nagustuhan ang Kanyang mga sinasabi. Ngunit tinawag sila ni Jesus na mga "mapaggawa ng masama" at sinabing, "Hindi ko kayo nakikilala."

Ngayon, libu-libong tao ang may kaalaman tungkol kay Jesus—may alam silang katotohanan tungkol sa Kanya, at may memoryado silang talata sa Biblia at maaaring dumadalo sila sa pananambahan. Ngunit hindi nila hinayaan na ang mga katotohanang kanilang nalalaman tungkol kay Jesus ay maging personal na realidad sa kanilang mga buhay. May nalalaman sila sa kanilang isip ngunit hindi iyon tumatagos sa kanilang mga puso. Ipinaliwang ni Jesus ang problema, 'Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang, sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba, sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos'" (Mateo 15:8–9; Markos 7:6).

Madaling palitan ng relihiyon ang isang personal na relasyon kay Jesus. Lagi nating iniisip na kung gumagawa tayo ng mga gawain ng isang Kristiyano ay sapat na iyon. Pinapahalagahan natin ang mga katotohanan tungkol sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, ngunit hangga't hindi Siya ang Panginoon ng ating buhay, walang kabuluhan ang katotohanang ito (Juan 3:16–18; Gawa 10:43; Roma 10:9). May pagkakaiba sa pagitan ng intelektwal na kaalaman at pananampalatayang nagliligtas. Ang pagkilala kay Jesus ay nangangahulugan na tinanggap natin ang Kanyang paghahandog ng buhay para sa atin (2 Corinto 5:21). Ninais natin na Siya ang maging Panginoon ng ating mga buhay (Juan 1:12; Gawa 2:21). Gumagaya tayo para sa Kanya at at itinuturing ang ating dating sarili na namatay ng kasama Niya (Colosas 3:3; Roma 6:2, 5; Galatia 6:14; 2:20). Tinanggap natin ang Kanyang kapatawaran at paglilinis sa ating mga kasalanan at hinahangad na makilala Siya sa isang malapit na pakikisama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Juan 17:3; Filipos 3:10; 1 Juan 2:27).

Nang magsisi tayo sa ating mga kasalanan at isinuko ang ating mga buhay sa Kanya, ibinigay Niya sa atin ang Banal na Espiritu (Gawa 2:38; Juan 14:26; 16:13). Nanahan sa atin ang Banal na Espiritu at binabago tayo hanggang sa makarating tayo sa kalangitan (1 Corinto 6:19; 1 Juan 3:9). Ang mga katotohanan na ating nalalaman tungkol kay Jesus ay nagiging buhay sa atin habang mas nakikilala natin Siya ng personal. Kunyari ay nabasa mo sa isang babasahin na ang iyong paboritong artista ay may berdeng mata at may dimpol sa kanyang baba. Ang mga katangiang iyon ay hanggang sa papel lamang hangga't hindi mo siya nakikita sa personal. Ngunit magiging totoo ang iyong nabasa kung ang mga matang iyon ay tumitig sa iyo at ang mga dimpol sa kanyang baba ay ngumiti sa iyo at sinabi niya sa iyo ang mga nangyari sa kanya sa araw na iyon, at ipinaalam sa iyo ang kanyang mga kinatatakutan, at ang laman ng kanyang isip. Maaari mong matandaan na narinig mo na ang mga bagay na kanyang sinasabi ngayon sa iyo ngunit ngayon, nararanasan mo na ang mga iyon. May alam ka tungkol sa kanya dati, ngunit ngayon ay kilala mo na siya. Ang mga bagay na hindi mo nakita tungkol sa kanya ay biglang naging totoo sa iyo. Ang mga bagay na dating sa isip mo lamang ay nagumpisang maramdaman mo habang pumapasok ka sa isang relasyon.

Si Jesus ay isang Persona. Ang pagkilala sa Kanya ay pagpasok sa isang relasyon. Ang pinakadakilang utos ay "Ibigin mo ang Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, buong pagiisip at buong lakas" (Mateo 22:37; Markos 12:30; Lukas 10:27). Mahirap ibigin ang isang hindi mo nakikilala. Naguumpisa ang pag-ibig sa Diyos sa pagsusuko mo sa Kanya ng iyong mga plano sa iyong buhay. Ito ang ibig sabihin na Siya ang iyong Panginoon (Mateo 6:33; Roma 10:9–10; Awit 16:8). Napakalawak at napakakumplikado ng kalikasan ng Diyos anupa't walang sinumang tao ang maaari Siyang makilala ng buong-buo. Ngunit ang buhay ay patuloy na paghahanap sa Kanya, pagaaral tungkol sa Kanya, at pagsasaya sa Kanyang pakikisama (Jeremias 29:13; Filipos 3:8).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Pagkilala kay Jesus laban sa kaalaman tungkol kay Jesus—ano ang pagkakaiba?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries