Tanong
Sino ang talagang kumikilos o umaaktong “tulad sa Diyos” - ang doktor na nagpapabaya na mamatay na ang isang tao dahil sa awa, o ang doktor na nagpapahaba ng buhay ng isang taong may taning na ang buhay?
Sagot
Ang katanungang ito ay pangunahing may kinalaman sa natatagong kunsiderasyon na kinapapalooban ng pagdedesisyon kung paano wawakasan ang buhay. Ang pangunahing kunsiderasyon para sa maraming tao ay kung may kabuluhan pa ba ang buhay na nasa gitna ng walang solusyong pagdurusa o pagtigil ng mga bahagi ng katawan sa pagbibigay-buhay sa tao. Ang isang problema sa pagtataya sa “kabuluhang” ito ay laging nakatuon sa pansariling proseso ng pagdedesisyon.
Ang isang malalim na kunsiderasyon ay ang kalooban ng Diyos, ang Tagapagbigay ng buhay at karunungan — karunungan na lubhang kinakailangan sa gitna ng mga pagdurusa sa buhay (Awit 27:11; 90:12). Ang Diyos ang nagbibigay ng layunin at kahulugan sa buhay hanggang sa sandali ng kamatayan. Bilang kaloob na galing sa Diyos, dapat na ipreserba ang buhay. Ang Diyos ay makapangyarihan at may kapamahalaan sa oras at paraan ng ating kamatayan. Ang isang doktor na naglalapat ng kagamutan para pangalagaan ang buhay ay hindi “umaaktong tulad sa Diyos”; sa halip, pinararangalan niya ang buhay na kaloob ng Diyos.
Ang mahirap na usapin tungkol sa pagdedesisyon na tapusin na ang buhay - ay kasinungalingan sa dalawang kasukdulan. Sa dulo ng dalawang usaping ito ay ang mga nagsusulong ng “pagpatay dahil sa awa” o “euthanasia”: ang paniniwala na masama ang pagdurusa at nararapat itong wakasan - sa pamamagitan ng pagpatay sa nagdurusa, kung kinakailangan. Sa kabilang dulo naman ay ang paniniwala na ang buhay ay banal, at dapat na pahabain sa lahat ng kaparaanan, gamit ang mga makabagong teknolohiya.
Ang problema sa unang pananaw, bukod sa katotohanan na ang “pagpatay dahil sa awa” ay intensyonal na pagpatay o murder, ay hindi kailanman itinuturo sa Bibliya na dapat na iwasan ang mga pagdurusa sa anumang kaparaanan. Ang totoo, tinawag na magdusa gaya ni Kristo ang mga mananampalataya upang maging dapat sa Kanyang makatwirang plano ng pagliligtas (1 Pedro 2:20-25; 3:8-18; 4:12-19). Kadalasan, saka lamang nauunawaan ng isang tao kung ano ang kahulugan ng mga bagay-bagay at lumalago sa kaalaman sa plano ng Diyos pagkatapos na makaranas ng mga pagdurusa at kabiguan.
Ang likas na kumplikasyon sa unang pananaw ay ang pagpapakahulugan ng tao sa “buhay.” Kailan ba talaga natatapos ang buhay? Ang klasikong ilustrasyon ay ang tinatawag na kalagayan ng tao na tulad sa isang gulay kung kailan maaari pa ring mabuhay ang isang tao sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng simpleng pagpapakain at pagpapainom. Marami ang nagpapalagay na hindi na gumagana ang isipan at wala ng kamalayan sa nangyayari sa paligid ang ganitong klase ng pasyente at dahil dito wala na talaga silang “buhay.” Sinusukat ng mga neurologists ang pagtugon ng pasyente sa ilang mga pagsusuri sa pagtatangka na bigyan ng impormasyon ang mga kamag-anak na maaaring makapagpasya sa gagawin sa pasyente. Gayunman, naniniwala ang iba na kung tumitibok pa ang puso ng isang taong nasa ganitong kalagayan, mayroon pa ring pag-asa at dapat na pangalagaan ang buhay, kahit na sa pamamagitan ng mga makina.
Ang pinakamagandang sagot ay maaaring nasa gitna ng dalawang pananaw. Tinatanggap ng mga Kristiyano na dapat pangalagaan ang buhay, ngunit may pagkakaiba sa pagitan ng pagtatangka na ingatan ang buhay at pagpapatagal ng kamatayan. Ang artipisyal na pagkakaroon ng senyales ng buhay dahil simpleng napakahirap lamang para sa emosyon ng mga mahal sa buhay na tanggapin ang kamatayan ng mahal sa buhay ay “pagaktong tulad din sa Diyos.” Dumarating ang kamatayan sa oras na itinakda ng Diyos (Hebreo 9:27). Kung tumigil sa paggana ang mga sangkap ng katawan, at kung hindi na kaya pang mapagaling ng medisina ang isang tao at pinahahaba lamang ang natural na proseso ng pagkamatay, ang pagtanggal sa mga makina at ang pagpapaubaya na malagutan na ng artipisyal na hininga ang isang tao ay hindi kasalanan. Ngunit kailangan dito ang karunungan. Sa isang banda, ang pagpapabilis ng kamatayan ay mali din naman. Ang gumagawa nito ay “umaakto din na tulad sa Diyos.” Ang hindi aktibong pagpapahaba ng buhay sa pamamagitan ng mga makina ay maaaring mali din. Ngunit hindi masama at hindi kasalanan ang pagpapatuloy ng buhay ayon sa normal na paraan, ang pagkakaloob ng gamot at pangangalaga, at pagpayag na mamatay ang tao ayon sa itinakdang panahon ng Diyos.
Sa mga ibinigay na kunsiderasyon, ang panganib na umaktong tulad sa Diyos ay umiiral sa dalawang magkasalungat na pananaw: ang pagiwas sa lahat ng paghihirap sa pamamagitan ng pagpatay dahil sa awa at paggamit ng lahat ng posibleng paraan upang pahabain ang buhay. Sa halip na umaktong tulad sa Diyos, ipaubaya natin sa Diyos ang lahat dahil Siya ang Diyos. Sinasabi sa atin ng Kasulatan na magtiwala tayo sa Diyos para sa karunungan (Santiago 1:5) at timbangin natin kung ano ang totoong makabuluhan habang nananatili ang buhay (Mangangaral 12). English
Sino ang talagang kumikilos o umaaktong “tulad sa Diyos” - ang doktor na nagpapabaya na mamatay na ang isang tao dahil sa awa, o ang doktor na nagpapahaba ng buhay ng isang taong may taning na ang buhay?