settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng paglakad sa Espiritu?

Sagot


Ang lahat ng tunay na mananampalataya ay pinanahanan ng Espiritu ni Kristo, ang pag-asa sa kaluwalhatian (Colosas 1:27). Ipinakikita araw-araw, minu-minuto ng mga taong lumalakad sa Espiritu ang kabanalan. Ito ay dulot ng patuloy na pagdedesisyon na magtiwala at magpasakop sa Banal na Espiritu sa kanilang isip, salita at gawa (Roma 6:11-14). Ang kabiguan na magtiwala sa paggabay ng Banal na Espiritu ay magreresulta sa hindi pamumuhay ng isang mananampalataya ayon sa kanyang pagkatawag at sa kawalan ng pasasalamat sa kaligtasang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos (Juan 3:3; Efeso 4:1; Filipos 1:27). Malalaman natin na tayo ay lumalakad sa Espiritu kung nakikita sa ating mga buhay ang mga bunga ng Espiritu gaya ng pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan at pagpipigil sa sarili (Galacia 5:22,23). Ang kapuspusan (paglakad) sa Espiritu ay pareho sa pagpuno sa ating isipan ng mga Salita ni Kristo na matatagpuan sa Bibliya (Colosas 3:16).

Ang resulta nito ay pagpapasalamat, pag awit ng papuri sa Diyos at kagalakan (Efeso 5:18-20; Colosas 3:16). Ang mga anak ng Diyos ay pinangungunahan ng Banal na Espiritu (Roma 8:14). Kung pipiliin ng Kristiyano na hindi lumakad sa Espiritu, at dahil doon ay magkasala siya at pighatiin Siya, ang probisyon ng kapatawaran ay ipinagkakaloob sa kanya sa pamamagitan ng pagpapahayag at pagsisisi sa kanyang mga kasalanan (Efeso 4:30; 1 Juan 1:9). Ang “paglakad sa Espiritu” ay pagpapasakop sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Ang paglakad sa Espiritu ay ang pagpapaubaya sa Kanya na pangunahan ang iyong mga hakbang at hugisin ang iyong isip ayon sa Kanyang nais. Sa pagbubuod, kung paanong tinanggap natin si Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya, hinihingi din naman Niya sa atin na lumakad tayo sa Espiritu hanggang sa dalhin Niya tayo sa Langit at marinig mula sa ating Panginoon ang mga salitang, “Magaling! Tapat at mabuting alipin”! (Colosas 2:5; Mateo 25:23).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng paglakad sa Espiritu?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries