settings icon
share icon
Tanong

Naaayon ba sa Bibliya ang pagmamana ng pagiging apostol?

Sagot


Ang doktrina nag pagmamana ng pagiging apostol ay ang paniniwala na ipinasa ng 12 apostol ang kanilang awtoridad sa kanilang mga kahalili na ipinasa naman ang kanilang awtoridad sa mga sumunod sa kanila at nagpatuloy ito sa pagdaan ng mga siglo, hanggang sa kasalukuyan. Pinaniniwalaan ng mga Romano Katoliko na si Pedro ang lider ng mga apostol at siya ang may pinakamataas na awtoridad kaya't ang kanyang kahalili ay mayroon din ng parehong awtoridad. Inihalo ng Simbahang Katoliko ang paniniwalang ito sa konsepto na naging unang Obispo diumano ng Roma si Pedro at tinanggap ng mga sumunod na Obispo sa Roma ang kanyang kapamahalaan at awtoridad sa lahat ng simbahan sa kalaunan. Ang pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang mga kahalili at ang katuruan ng pagiging tagapanguna ni Pedro sa mga apostol ang pundasyon ng doktrina ng pagkakaroon ng pinakamataas na awtoridad ng Obispo sa Roma sa buong iglesya Romano Katoliko - at ito ang Papa.

Ngunit hindi makikita saanmang pahina ng Bibliya na itinuro ng Panginoong Hesus o maging ng kahit sinong apostol o ng sinumang manunulat ng Bagong Tipan ang ideya ng pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili. Gayundin, hindi rin ipinakilala si Pedro na siyang pinakamataas sa mga apostol. Sa katunayan, sinaway ni Pablo si Pedro ng kampihan niya ang mga Kristiyanong Hudyo at iwasang makisama sa mga kristiyanong Hentil (Galacia 2:11-14). Oo nga't nagkaroon ng prominenteng gawain si Apostol Pedro bilang tagapanguna ng mga apostol (bagama't ipinakilala rin si Pablo at Santiago bilang mga tagapanguna na may prominenteng posisyon sa iglesya sa Aklat ng mga Gawa). Anu"t anuman, hindi si Pedro maituturing na "kumander" o may pinakamataas na awtoridad sa mga apostol. At kahit pa totoo ang pagmamana ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang mga kahalili, na hindi mapapatunayan sa Bibliya, ang pagmamanang ito ng awtoridad ay hindi magbubunga sa pagkakaroon ng pinakamataas na awtoridad ng kahalili ni Pedro sa lahat ng mga apostol o alagad man ng Simbahan.

Ginagamit na halimbawa ng mga Romano Katoliko sa pagmamana ng awtoridad ng apostol ang ginawang pagpalit ni Matias kay Judas bilang ika 12 apostol sa Aklat ng mga Gawa kabanata 1. Habang totoong pinalitan ni Matias si Judas nilang apostol, hindi ito magagamit na halimbawa sa pagpapapasa ng awtoridad bilang apostol. Ang pagpalit ni Matias kay Judas bilang apostol ay magagamit na argumento sa paghalili ng isang makadiyos na tagapanguna (Matias) sa isang taksil na apostol (Judas). Walang katuruan saanman sa buong Bibliya na ipinasa ng sinuman sa mga apostol ang kanilang awtoridad sa kanilang kahalili. Itinalaga ni Hesus ang mga apostol upang maging pundasyon ng iglesya (Efeso 2:20). Ano ang pundasyon kung saan nakatayo ang iglesya? Sa Bagong Tipan - kung saan nakatala ng mga gawa at mga katuruan ng mga apostol. Hindi kailangan ng iglesya ang mga kahalili ng mga apostol. Ang kailangan ng iglesya ay ang mga katuruan ng mga apostol na nakatala sa Bagong Tipan. Ang pundasyong ito mismo ang ipinagkaloob ng Diyos sa iglesya sa pamamagitan ng Bibliya (Efeso 1:13; Colosas 1:5; 2 Timoteo 2:15; 4:2).

Sa madaling salita, hindi ayon sa Bibliya ang pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili. Ang konseptong ito ay hindi matatagpuan kahita saan sa Kasulatan. Ang matatagpuan sa Kasulatan ay ang katuruan na ang tunay na iglesya ay magtuturo ng ikatulad itinuturo ng Bibliya at ikukumpara ang katuruan sa lahat ng doktrina at gawain na itinuturo ng Bibliya upang mapanatili ang kadalisayan ng turo ng iglesya at malaman kung anong turo ang tama o mali at ang ayon at hindi ayon sa Kasulatan. Inaangkin ng mga Romano Katoliko na kung hindi naisalin ang awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili, magbubunga diumano ito sa kaguluhan ng doktrina at katuruan. Isang nakalulungkot na katotohanan na sinabi ng mga apostol na lilitaw ang mga bulaang guro (2 Peter 2:1). Totoo rin na ang kawalan ng "pinakamataas na awtoridad" sa katuruan ang nagbunga ng pagkakaiba-iba sa interpretasyon ng Bibliya ng mga grupong hindi Romano Katoliko. Gayunman ang pagkakaibang ito sa mga katuruan ay hindi dahil sa malabo ang katuruan ng Bibliya. Sa halip ang pagkakaibang ito sa doktrina ay bunga ng parehong ginagawa ng Romano Katoliko - na pagunawa sa Bibliya ayon sa kanilang nakaugaliang tradisyon. Kung pag-aaralan ang Bibliya sa kabuuan at sa tamang konteksto nito, madaling makikilala ang katotohanan. Ang pagkakaiba-iba sa doktrina at kaguluhan sa mga denominsayon ay bunga ng pagtanggi sa malinaw na itinuturo ng Bibliya hindi dahil sa sa kawalan ng isang mataas na awtoridad sa simbahan na magpapaliwanag sa Kasulatan.

Ang pagsang-ayon sa katuruan ng Kasulatan, hindi ang pagsasalin ng awtoridad ng mga apostol sa kanilang kahalili ang pagkakakilanlan ng totoong iglesya. Itinuturo ng Bibliya na dapat na ito ang dapat na maging pamantayan sa lahat ng katuruan na paniniwalaan ng iglesya (Gawa20:32). Ang Bibliya ang hindi nagkakamaling sukatan ng lahat ng katuruan at gawaing panrelihiyon (2 Timoteo 3:16-17). Ang Bibliya ang dapat na gamitin sa pagkukumpara sa mga katuruan (Gawa 17:10-12). Ang awtoridad ng mga apostol ay nasa kanilang mga katuruan na nakasulat sa Bibliya, hindi sa sinumang kahalili na nagmana diumano ng kanilang pagiging apostol sapagkat hindi kailanman itinuro sa Kasulatan na namamana ang pagiging apsotol.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Naaayon ba sa Bibliya ang pagmamana ng pagiging apostol?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries