settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapahid ng langis?

Sagot


Ang pagpapahid ng langis ay binanggit ng dalawampung (20) beses sa Kasulatan at ginagamit sa Lumang Tipan sa pagbubuhos ng langis sa ulo ng Pinakapunong Saserdote at sa kanyang mga angkan at sa pagwiwisik sa tabernakulo at lahat ng kagamitan doon bilang tanda na sila ay ibinukod at itinalaga para sa Panginoon (Exodo 25:6; Levitico 8:30; Bilang 4:16). Tinawag ito ng tatlong beses na “banal na langis na pampahid” at mahigpit na ipinagbabawal para sa mga Hudyo ang gumawa nito para sa personal na gamit (Exodo 30:32-33). Ang mga sangkap sa paggawa ng langis na pampahid ay makikita sa Exodo 30:23-24. Ang ilan sa mga sangkap nito ay mira, sinamon at iba pang natural na sangkap. Walang indikasyon na ang langis o iba pang mga sangkap nito ay may hindi pangkaraniwang kapangyarihan. Sa halip ang pagiging istrikto ng mga pamantayan para sa paggawa ng langis na ito ay isang pagsubok sa katapatan ng mga Israelita at kapahayagan ng ganap na kabanalan ng Diyos.

Tanging sa apat na talata lamang sa Bagong Tipan tinukoy ang gawain ng pagpapahid ng langis at wala sa kanila ang nagbigay ng paliwanag para sa gamit nito. Makikita natin kung saan ginamit ang langis sa konteksto. Sa Markos 6:3, pinagaling ng mga alagad ang mga maysakit at pinahiran sila ng langis. Sa Lukas 7:46, pinahiran ni Maria ng langis ang mga paa ni Hesus bilang tanda ng pagsamba. Sa Hebreo 1:8-9, sinabi ng Diyos tungkol kay Hesus sa Kanyang matagumpay na pagbabalik mula sa langit. “Ang iyong trono o Diyos ay magpakailanman…” “at pinahiran ng Diyos si Hesus ng “langis ng kagalakan.”

Dapat pa bang magpahid ng langis ang mga Kristiyano ngayon? Walang talata sa Bibliya na naguutos o nagpapahiwatig man na dapat tayong magpahid ng langis ngayon, ngunit hindi rin naman ito ipinagbawal. Ang langis ay simbolo ng Banal na Espiritu gaya ng makikita sa talinghaga tungkol sa mga hangal na dalaga (Mateo 25:1-13). Dahil dito, bilang mga mananampalataya, mayroon tayong presensya ng langis ng Espiritu na Siyang nagdala sa atin sa katotothanan at patuloy Niya tayong pinapahiran ng biyaya at kaaliwan. “At kayo'y may pahid ng Banal, at nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay” (1 Juan 2:20 KJV).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapahid ng langis?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries