Tanong
Paano ko mapapanauli ang aking kaluluwa ang aking kaluluwa?
Sagot
Ang tanging sitas sa Bibliya na bumabanggit sa pariralang ito ay ang Awit 23:3: “Kaniyang pinapauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.” Ang konteksto nito ay ang pangunguna ng isang pastol sa Kanyang mga tupa sa “masaganang pastulan,” “malinis na tubigan,” at “daan ng katuwiran.” Bilang mga Kristiyano, tayo ang mga tupa sa pastulan ng Diyos (Awit 100:3), at tanging Siya lamang ang makakapagpanumbalik sa ating mga kaluluwa. Nangangahulugan ang “pagpapanauli” o “pagpapanumbalik, pagkumpuni, pagpapaganda, o pagpapanauli sa dating kundisyon.” Ang kaluluwa ang pinakamalalim na bahagi ng ating pagkatao, ang ating espiritu naman ang ating panggitnang pagkatao. Dahil ang Diyos ang lumikha sa atin, Siya lamang ang makakapagpanauli sa atin dahil Siya lamang ang ang nakakaalam kung tunay ngang kinakailangan ang pagpapanauli sa ating mga kaluluwa.
Binigyan tayo ng Diyos ng sagot tungkol sa pagpapanauli ng ating kaluluwa - sa pamamagitan ng Salita ng Diyos (2 Timoteo 3:16-17). May sagot ito at karunungan para sa lahat ng bagay na ating kinakaharap. Kaya tayong gawin ng Salita ng Diyos na matalino para sa kaligtasan (2 Timoteo 3:15), palakasin ang ating loob sa tuwing tayo’y pinanghihinaan ng kalooban (2 Corinto 1:3), at isa itong aklat na gabay upang magtamo tayo ng mapayapa at maligayang buhay (Awit 119:97-105). Habang may ng iba’t ibang uri ng aklat na sinulat ng tao na nagaalok ng karunungan ng tao, tanging ang Saliata lamang ng Diyos ang may kakayahan na papanumbalikin ang ating kaluluwa at ito lamang ang nagbibigay sa atin ng pag-asa sa panahon ng kaguluhan.
Siyempre, ang pagpapanauli ng kaluluwa ay posible lamang para sa mga tinubos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. Ipinangako ni Hesu Kristo ang kapayapaan para sa lahat ng lumalapit sa Kanya (Mateo 11:28-30), kaya mahalaga na nakatitiyak tayo sa ating kaligtasan at sa ating relasyon sa Diyos. Tanging ang mga tunay na isinilang na muli kay Kristo lamang ang maaaring makaranas ng kapayapaan at kagalakan na ipinangako ng Diyos sa Kanyang salita.
Salamat na binigyan tayo ng Diyos ng katiyakan sa tuwing pinanghihinaan tayo ng loob, at humaharap sa mga pagsubok at mga tukso. Ipinagkaloob Niya sa atin ang tatlong pangunahing pinanggagalingan ng lakas ng loob at kalakasan. Una, ibinigay Niya sa atin ang Kanyang salita upang magsilbing gabay natin at upang palakasin ang ating loob at palusugin ang ating espiritu. Kailangan nating maggugol ng panahon upang basahin at pakinggan ito habang ipinangangaral (Roma 10:17) at higit sa lahat sundin ito at ilapat sa ating mga buhay (Awit 119:2; Kawikaan 3:1-2; Santiago 1:25). Ikalawa, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang pribilehiyo at kapangyarihan ng panalangin (Mateo 7:7-11; Markos 11:24-25; Juan 15:7; Hebreo 4:16; 1 Juan 5:14). Kailangan nating dalhin sa paanan ng Diyos ang ating mga problema, ang ating mga kahinaan at ang ating mga kapaguran na nalalaman na iniibig Niya tayo at nagmamalasakit Siya sa atin (1 Pedro 5:6-7). Ikatlo, ibinigay Niya sa atin ang ibang mga Kristiyano upang magpalakas ng ating loob at tulungan tayo (Mangangaral 4:9-19; Efeso 4:29; Hebreo 3:13). Mahalaga na maging bahagi ng isang malusog at balanseng iglesya upang regular na makapagpuri sa Diyos at makipagpalakasan sa ibang mananampalataya (Hebreo 10:23-25). Ang mga Kristiyanong dumaan sa parehong mga kabigatan ay maaaring pagmulan ng kalakasan at makatulong sa atin habang dumadaan tayo sa mahihirap na sitwasyon sa buhay (2 Corinto 1:3-4).
Ang panghihina sa panahon ng kahirapan at pagsubok ay normal sa buhay ng Kristiyano. Sa buong Bibliya, makikita natin ang halimbawa ng mga makadiyos na lalaki at babae na humarap sa parehong sitwasyon. Ang mga halimbawang ito ay maaaring makapagpalakas sa atin ngayon dahil ang parehong Diyos na naging tapat sa kanila ay tapat din naman sa atin sa kasalukuyan. Makakatulong ang pagbabasa sa aklat ng Awit dahil marami sa mga Awit na ito ay sinulat ni David sa panahon na humarap siya sa napakaraming pagsubok at kahirapan at maaaring makapagpalakas sa atin kung pinaghihinaan tayo ng loob, napapagod at nalulungkot. Dahil naranasan ni David ang kagalakan ng isang kaluluwang pinanumbalik ng Diyos, naisulat niya ang magagandang salita sa ika dalawampu’t tatlong kabanata ng Awit: “Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa." English
Paano ko mapapanauli ang aking kaluluwa ang aking kaluluwa?