Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpaparetoke ng mukha o katawan ng isang Kristiyano?
Sagot
Hindi partikular na binanggit ng Bibliya ang tungkol sa pagpaparetoke ng mukha o katawan ng isang Kristiyano. Walang indikasyon sa Bibliya na masama ang pagpaparetoke. Gayunman, may mga ilang bagay na nararapat ikunsidera ang isang Kristiyano bago magdesisyon kung sasailalim siya sa ganitong proseso. Ang paggawa ng anumang pagbabago sa katawan ay hindi natural at laging may panganib ng "side effects" sa pisikal at saykolohial. Dapat na hindi ipailalim ng isang tao ang kanyang sarili sa isang operasyon ng hindi muna isinasaalang-alang ang mga panganib at "side effects" ng operasyon. Dapat na alamin muna ng isang tao ang mga konsekwensya ng kanyang desisyon sa pagdaan sa ganitong bagay. Para sa maraming may kapansanan sa katawan na simula pa sa pagkabata o kapansanan na bunga ng aksidente, natural lamang na gustuhin nila na iangkop nila ang kanilang sarili sa mga tao upang maramdaman na sila ay tulad sa mga "normal" na tao. Mayroon ding mga kaso ng kaunting abnormalidad na nagiging dahilan upang ang isang tao ay hindi maging komportable sa kanyang sarili at makaramdam na pagkapahiya sa harap ng mga tao gaya ng pagkakaroon ng malaki o pangong ilong. Ngunit karamihan, hindi man lahat ng nagpaparetoke ay dahil sa layuning katagpuin ang mga emosyonal na kahungkagan, upang makapukaw ng atensyon o maramdaman na tinatanggap sila ng maraming tao.
Ang karaniwan sa mga isinasagawang operasyon ay may kinalaman sa pagpapalaki o pagpapaliit ng dibdib, pagaalis ng taba sa katawan (liposuction), pagbabanat ng mukha, pagpapaganda ng pilik-mata, pagpapatambok ng pigi, pagpapaliit ng mga litid, botox at pagpapaganda ng ilong at mukha. Sa kasalukuyan humigit kumulang sa dalawang milyon ang sumasailalim sa ganitong mga proseso at gumagastos ng napakalaking halaga ng pera at nagsasakripisyo ng panahon at kaginhawahan. Kung ang kayabangan ang nagtutulak sa isang tao upang sumailalim sa pagpaparetoke, nagiging diyus-diyusan niya ang kanyang sarili. Binalaan tayo ng Bibliya na huwag maging mayabang at palalo (Filipos 2:3-4), at huwag magpapansin sa iba upang ipagmalaki ang ating itsura (1 Timoteo 2:9). Ang isa pang nakakabahala ay ang napakataas na halaga ng pagpaparetoke. Ito ay isang pangunahing konsiderasyon dahil ang mga tao ay may sariling mga pamilya at ang gastusin sa pagpaparetoke ay hindi dapat mauna kaysa sa mga pangunahing pangangaiangan ng pamilya. Sinabi rin ng Bibliya na dapat nating gamitin ng may karunungan ang pera na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos (kawikaan 11:24-25; Lukas 16:1-12).
Ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay ang konsultahin muna ang Diyos bago gumawa ng desisyon tungkol sa pagpaparetoke. Sinasabi sa atin ng Bibliya na nagmamalasakit ang Diyos sa ating mga pagkabalsia at nararapat nating dalhin sa Kanya ang ating mga problema at kabalisahan (1 Pedro 5:7). Sa pamamagitan ng karunungan at gabay ng Banal na Epsiritu at ng Salita ng Diyos, mayroon tayong kakayahan na gumawa ng mga desisyon na makasisiya at makaluluwalhati sa Kanya. "Magdaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda ngunit ang babaing may takot kay Yahweh ay pupurihin ng balana" (Kawikaan 31:30). Kahit na ang pinakamagaling na siruhano ay hindi maaaring ibalik ang nakaraan at ang lahat ng pagpaparetoke ay may kaparehong resulta - pagtanda. Ang mga bahagi ng katawan na pinaganda at binanat at ang pinakinis na mukha ay muling kukulubot isang araw. Mas makabubuti na pagandahin ang panloob na pagkatao kaysa sa panlabas, "Sa halip, pagyamanin ninyo ang gandang natatago sa kaibuturan ng puso, ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing diwa, at lubhang mahalaga sa mata ng Diyos" (1 Pedro 3:4).
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpaparetoke ng mukha o katawan ng isang Kristiyano?