settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapatong ng kamay?

Sagot


Ang“pagpapatong ng kamay” ay isang biblikal na aksyon; gayunman, walang utos sa Bibliya na kinakailangan ang pisikal na pagpapatong ng kamay para sa isang partikular na ministeryong espiritwal. Ipinatong ni Hesus ang Kanyang mga kamay sa Kanyang mga pinagaling sa mga karamdaman; ngunit nagpagaling din Siya ng hindi ipinapatong ang Kanyang mga kamay. Sa katotohanan, maraming pagkakataon na wala si Hesus sa lugar ng Kanyang mga pinagaling. Sa Mateo 8:8, Inilarawan ang pagpapagaling ni Hesus sa alipin ng isang senturyon ng hindi Siya pumupunta sa bahay nito.

Dapat ikunsidera na may isang pagkakataon na ipinagkaloob ng Banal na Espiritu ang kaloob ng pagsasalita sa ibang wika sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng apostol, habang may isang pagkakataon naman na nangyari ito ng walang pagpapatong ng kamay, kundi sa pamamagitan lamang ng simpleng pangangaral ng apostol.

“Kaya't sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga tumatalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya ang pagsisisi sa mga Israelita upang sila'y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.” Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos” (Gawa 19:4-6).

“Nagsasalita pa si Pedro, nang bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig. Namangha ang mga mananampalatayang Judio na kasama ni Pedro sapagkat ang Espiritu Santo ay ipinagkaloob din sa mga Hentil. Narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba't ibang wika at nagpupuri sa Diyos” (Gawa 10:44-46).

Sa 1 Timoteo 5:22, ang kaisipan ay hindi sa pagbabawal ng pisikal na aksyon ng pagpapatong ng kamay kundi ang ideya ng pagiingat sa pagbibigay ng responsibilidad sa pangungunang espiritwal (sa anumang kaparaanan ito ginagawa). Hindi ito dapat gawin ng biglaan o ng walang sapat na konsiderasyon. “Huwag mong ipapatong agad ang iyong kamay sa sinuman upang bigyan ito ng kapangyarihang mamahala. Ingatan mong huwag kang masangkot sa kasalanan ng iba; manatili kang walang dungis.”

Walang kaduda-duda na ang pagpapatong ng kamay sa panahon ng unang Iglesya ay isang kasangkapan sa pagkonekta ng mensahe sa mensahero o ng espiritwal na kaloob sa isang may kaloob ng pagkakaloob ng Banal na Espiritu. Nagbibigay ito ng tanda na nagpapatunay sa mensahero na sa pamamagitan niya ipinagkakaloob ng Diyos ang pisikal na manipestasyon ng espiritwal na kaloob o awtoridad ng pagmiministeryo. Dapat nating maunawaan na walang mistikal na pormula sa Bibliya para sa ministeryo ng Iglesya. Ang pagpapatong ng kamay ay walang kapangyarihan sa kanyang sarili. Ang pagpapatong ng kamay ay ginagamit lamang ng Diyos kung ginagawa ito ng sang-ayon sa Salita ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpapatong ng kamay?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries