settings icon
share icon
Tanong

Pagsusuri sa Bibliya

Sagot


Ang isang magandang paraan sa pagbubuod / pagsusuri ng Bibliya ay hindi madaling gawin. Ang Bibliya ay binubuo ng 2 Tipan, 66 na iba't ibang aklat, 1189 kabanata, 31173 talata, at 773692 na mga salita. Saklaw ng iba't ibang aklat ng Bibliya ang iba't ibang paksa na isinulat para sa iba't ibang grupo. Ang mga aklat ng Bibliya ay nasulat sa loob ng humigit kumulang na 1500 taon. Ang pagbubuod / pagsusuri sa buong Bibliya ay tunay na isang malaking trabaho.

Gayundin naman, ang Banal na Espiritu ang "kumasi" sa mga manunulat ng Bibliya. "Hiningahan" ng Diyos ang Kanyang Salita at ginamit ang mga propeta at mga apostol upang ipasulat ang Kanyang mga sinabi (2 Timoteo 3:16-17; 2 Pedro 1:21). Bukod dito, ang lahat ng mga naglagak ng kanilang pagtitiwala sa Panginoong Hesu Kristo ay pinanahanan ng Banal na Espiritu (Roma 8:9; 1 Corinto 12:13). Nais ng Banal na Espiritu na tulungan tayo na maunawaan ang Bibliya (1 Corinto 2:10-16).

Layunin ng aming seksyon tungkol sa pagbubuod / pagsusuri ng Bibliya na magbigay ng simpleng paglalahad ng kasaysayan at mensahe ng bawat aklat ng Bibliya. Para sa bawat aklat ng Bibliya, ilalahad namin kung sino ang manunulat, ang panahon ng pagkasulat, ano ang layunin ng sulat, ang mga susing talata, at maiksing pagbubuod ng aklat. Inaasahan namin na ang aming seksyon ng pagsusuri / pagbubuod ng Bibliya ay makatutulong upang higit pa nating maunawaan ang Bibliya at himukin ang lahat na patuloy na mag-aral ng Bibliya sa isang mas malalim na kaparaanan.

Pagsusuri sa Lumang Tipan

Pagsusuri sa Bagong Tipan

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Pagsusuri sa Bibliya
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries