settings icon
share icon
Tanong

Pagsusuri sa mga espiritwal na kaloob – ano ang iba’t ibang espiritwal na kaloob na binabanggit sa Bibliya?

Sagot


Bago natin suriin ang mga espiritwal na kaloob, titingnan muna natin ang dalawang salitang Griego na ginagamit upang ilarawan ang mga kaloob ng Espiritu: Una ay ang salitang “pneumatika” na tumutukoy sa kanilang pinagmulan, ang Banal na Espiritu (pneuma) ng Diyos; at “charismata” na tumutukoy sa katotohanang ang mga ito ay ipinagkakaloob ayon sa biyaya ng Diyos. Ang mga espiritwal na kaloob ay ibinigay sa biyaya lamang at hindi naka-base sa pagiging karapat-dapat o personal na abilidad ng tao; sa halip ibinibigay ito ayon sa sarili Niyang pagpapasya. Ang mga kaloob ay ibinibigay sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos; kaya, ang mga kaloob ay bahagi ng bagong buhay na kaloob sa atin kay Cristo at ito’y ibang-iba sa ating mga nalalamang kakayanan o naisin bago ang ating kaligtasan. Ipinaliwanag sa 1 Corinto 12:4-7, “iba’t- iba ang espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga nito. Ibat-iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba’t-iba ang mga gawain, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon. Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa’y binigyan ng patunay na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu.” Bagamat Iba-iba ang mga espiritwal na kaloob ng mga mananampalataya ngunit ang lahat ng ito ay itinakdang gamitin upang pagtibayin ang katawan ni Cristo at para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Narito ang isang maiksing pagsusulit sa tatlong pangunahing talata (sa Roma 12:6-8; 1 Corinto 12: 4-11; 1 Pedro 4:10–11) upang matulungan tayong makita ang disenyo ng Diyos tungkol sa kanyang mga kaloob.

Isa sa mga bagay na nagiging malinaw sa mga talatang ito ay ang pagkakaiba-iba ng mga kaloob. Kasama sa pagsusuri ni Pablo sa mga kaloob na ito sa Roma 12 ang ibat-ibang mga kaloob na makikita sa 1 Corinto 12. At nang magsalita si Pedro sa mga espiritwal na kaloob sa 1 Pedro 4:10-11, hindi niya inisa-isa ang mga iyon sa halip inilista ang mga ito sa isang malawak na kategorya ng mga uri ng mga kaloob na ibinibigay ng Diyos. Kasama sa mga nakalistang kaloob sa Bibliya ay propesiya, ministeryo, karunungan, kaalaman, pananampalataya, pagpapagaling, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagkakaloob, pamumuno, pagpapakita ng awa, pagsasalita ng iba’t-ibang wika, at pagpapaliwanag ng mga wika. Anuman ang nararapat na paggagamitan, ang bawat kaloob ay akma sa lahat ng iba pang mga kaloob at sila’y iisang gumagawa bilang bahagi ng iisang katawan upang gampanan ang bawat gawain sa kabuuan (Roma 12:5).

Sa pagsasama-sama sa isang kumpletong pagsusuri ng mga espiritwal na kaloob, kailangang subukang masukat at maipaliwanag ang mga kaloob. Nakalista sa Roma ang labindalawa at siyam naman sa 1 Corinto 12. Mayroong magkakatulad sa mga listahang ito, at tiyak na may mga indikasyo na mayroon pang ibang kaloob maliban sa mga nakalista.

Ito ang isang maiksing pagsusuri sa mga espiritwal na kaloob mula kay Dr. Larry Gilbert (“inayos ng bahagya mula sa “Ilang mga Espiritwal na Kaloob ang Meron?”)

1. Mga mahimalang kaloob

• Pagiging apostol (1 Corinto 12:28; Efeso 4:11)

• Pagsasalita ng ibang mga wika (1 Corinto 12:10, 28, 30)

• Pagpapaliwanag sa ibang mga Wika (1 Corinto 12:10, 30)

• Himala (1 Corinto 12:10, 28)

• Pagpapagaling (1 Corinto 12:9, 28)

2. Mga kaloob na nagbibigay ng kakayahan

• Pananampalataya (1 Corinto 12:9)

• Pagkilala sa mabuti at masama (1 Corinto 12:10)

• Karunungan (1 Corinto 12:8)

• Kaalaman (1 Corinto 12:8)

3. Mga kaloob na sinasanay na kasama ang iba

• Pageebanghelyo: masigasig na pagdadala ng kaluluwa tungo sa kaalaman ng paglilgtas ni Cristo (Efeso 4:11).

• Pagpopropesiya: buong tapang at walang takot na pagpapahayag ang katotohanan (Roma 12:6; Efeso 4:11; 1 Corinto 12:10, 28)

• Pagtuturo: pagpapaliwanag ng katotohanan ng Salita ng Diyos na may kasimplehan at kawastuan (Roma 12:7; 1 Corinto 12:28)

• Pagpapaliwanag: pagpapalakas sa loob ng iba para sa pagkilos, aplikasyon, at layunin (Roma 12:8)

• Pagpapastol: pangangasiwa, pagtuturo, pagpapakain, pagalalay/pangunguna (Efeso 4:11)

• Paglilingkod: pagbibigay ng praktikal na tulong sa pisikal man o espiritwal (Roma 12:7; 1 Corinto 12:28)

• Pagpapakita ng habag: pagkilala at pagaliw sa mga nangangailangan.

• Pagkakaloob: pagbibigay ng mga materyal na kayamanan upang lumawak pa ang gawain ng iglesya (Roma 12:8)

• Taga-Pangasiwa: pag-oorganisa, pangangasiwa, pagtataguyod, at pamamahala (Roma 12:8; 1 Corinto 12:28).

Nagbigay si Pedro ng dalawang grupo ng mga kaloob na sinasanay na kasama ang iba sa 1 Pedro 4:9-11.

1. Kaloob ng Pagsasalita: Ang mga may kaloob ng pagsasalita ay mga ebanghelista, mga Propeta, mga Guro, mga Tagapayo at mga Pastol,

2. Kaloob ng pagmiministeryo o kaloob ng pagtulong: Ang may mga ganitong kaloob ay tinutularan si Cristo na hindi dumating upang paglingkuran sa halip ay upang maglingkod (Marcos 10:45). Pinagpala sila ng kakayahan na limutin ang sarili habang sila ay nakatuon sa pangangailangan ng iba. Kasama sa mga kaloob sa pagmiministeryo ang mga Pastol, Tagapagpakita ng habag, Tagapagkaloob at Tagapangasiwa.

Sinasabi ng Bibliya na binigyan tayo ng mga espiritwal na kaloob para sa mahalagang layunin. Sa Roma 12:8 sinasabihan tayo na gamitin ang iba’t-ibang kaloob ayon sa katangian ng Diyos at Kanyang nahayag na kalooban. “na may kasimplehan . . . may pag-iingat . . . may kagalakan.” Sa 1 Corinto 12:24-25 sinasabi sa talata, “Ngunit inaayos ng Diyos ang katawan. Binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal upang hindi magkaroon ng pagkakabahabahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isat-isa.” Sinabi sa 1 Pedro 4:11 na ang layunin ng mga kaloob ay “…. upang sa lahat ng bagay siya’y papupurihan sa pamamagitan ni Jesu Cristo.”



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Pagsusuri sa mga espiritwal na kaloob – ano ang iba’t ibang espiritwal na kaloob na binabanggit sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries