Tanong
Ano ang pagtakip sa kasalanan?
Sagot
Ang salitang “pagtakip” ay hindi lumabas sa Bagong Tipan pero eksakto nitong inilalarawan ang aspeto ng paghahandog ng buhay ni Cristo bilang ating kahalili. Ang ibig sabihin ng pagtakip ay “pagtakip sa kasalanan” o “paghugas sa kasalanan.” Sinasalamin ng pagtatakip ang ideya na ang negatibo at nakakasirang epekto ng ating kasalanan ay inalis na sa biyaya ng Diyos. Ang isa pang salita para sa salitang pagtatakip ay “pagpapalubag loob,” at tunay na ito ay isa sa mga resulta ng paghahandog ng buhay ni Jesus para sa atin.
Sa pamamagitan ng pagtakip—ang gawain ni Cristo doon sa krus para sa atin—ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya kay Cristo ay kinansela. Ang pagkanselang ito ay walang hanggan ang konsekwensya, bagama’t pansamantala pa ring nananatili ang kasalanan. Sa ibang salita, ang mga mananampalataya ay iniligtas na sa parusa at kapangyarihan ng kasalanan, ngunit hindi pa sa presensya nito. Ang pagpapawalang sala ang terminolohiya sa pagpapalaya sa atin sa kaparusahan ng kasalanan. Ang gawaing ito na minsan para sa lahat ng panahon ang nagpapawalang-sala sa mga makasalanan at ginawa silang banal at matuwid sa paningin ng Diyos na pinalitan ang ating makaslanang kalikasan para sa katuwiran ni Cristo doon sa krus (2 Corinto 5:21). Ang pagpapaging banal ay ang nagpapatuloy na proseso kung saan ang mga mananampalataya ay inililigtas sa kapangyarihan ng kasalanan sa kanilang mga buhay at binibigyan ng kakayahan ng bagong kalikasan na tanggihan at layuan ang kasalanan. Ang pagluwalhati ay ang pagalis sa atin sa mismong presensya ng kasalanan na magaganap lamang sa oras na lisanin natin ang mundong ito at pumunta tayo sa langit. Ang lahat ng mga prosesong ito—ang pagpapawalang sala, ang pagpapaging banal at ang pagluwalhati—ay naging posible sa pamamagitan ng pagtakip o pagkansela sa kasalanan.
Magandang malaman na may iba pang mga benepisyo sa kamatayan ni Cristo para sa atin. Ang isa sa mga ito, na hindi kasama sa konsepto ng pagtatakip sa kasalanan ngunit kasing totoo nito at kaparehong biblikal ay ang “pagpawi sa poot ng Diyos.” Tunay na ang nagpapawalang salang kamatayan ng Anak ng Diyos ang pumawi sa poot ng Diyos Ama laban sa rebelde at makasalanang sangkatauhan (Juan 3:36; Roma 5:9). Ang pagtatakip sa kasalanan, pagpapawalang sala, pagpapaging banal, pagluwalhati, pagpawi sa poot ng Diyos at marami pang iba—ang hindi mabilang na dahilan para purihin natin ang Diyos at lumapit sa kanya sa pananampalataya at pagtitiwala.
English
Ano ang pagtakip sa kasalanan?